Magandang nagagawa ng bawang sa gatas para sa ating kalusugan na hindi mo alam

Ang garlic o kilala bilang bawang sa tagalog ay madalas na matatagpuan sa mga kusina sa loob ng bahay at nagagamit sa iba’t ibang klase ng mga lutuin. Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang baway ay isa sa mga pagkain na siyang nagtataglay ng napakaraming benepisyo para sa kalusugan ng katawan ng tao at maari ring makatulong upang malunasan ang ilang sakit na mayroon ang katawan. Ito ay nagtataglay ng antibiotic at ng anti-inflammatory na mga katangian na siyang may kakayahan upang matulungang labanan ang iba’t ibang klase ng mga impeksyon at sakit.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang uri ng resipe na maari ninyong gawin at inumin na siyang nangangailangan lamang ng ilang sangkap katulad ng bawang at gatas na siyang may kakayahan na gumana bilang isang gamot na talagang mabisa upang mas mapabuti ang buong kalusugan ng katawan ng tao sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang resipe na ito ay kilala bilang garlic milk na siyang kinababaliwan ng maraming tao na siyang nakatikim at nakaalam ng epekto na mayroon ito para sa katawan ng tao.

Ang natural na panlunas na ito ay nagtataglay ng napakaraming bilang mga benepisyo at pakinabang para sa kalusugan ng katawan at ito rin ay kilala na mabisa upang labanan ang mga sakit, lalong lalo na ang mga sakit na mayroong kaugnayan sa tiyan. Ang alternatibong panlunas na ito ay matagal ng ginagamit upang malabanan ang napakaraming klase ng mga sakit at iritasyon sa katawan na siyang nagiging dahilan at nagiging sagabal sa normal na pamumuhay ng isang indibidwal. Mabuti na lamang at may mga ganitong uri ng mga natural na resipe na siyang mapapakinabangan ng lubos at hindi nagtataglay ng ano mang uri ng negatibong epekto o side effects para sa katawan ng tao. Ano pa ang hinihintay mo? Subukan mo na ang resipe na ito!

Narito ang mga health benefits na maari mong makuha mula sa garlic milk:

  • Ito ay lunas para sa Pneumonia

Ang kinakailangan mo lamang na gawin upang mabigyan ng natural na gamot at lunas ang pneumonia ay magkonsumo ng garlic milk ng mahigit tatlong (3) beses sa pang araw araw na pamumuhay at magugulat ka na lamang sa epekto na dala nito para sa iyong kalusugan.

  • Ito ay nakakatulong sa mga taong mayroong Asthma

Kung ikaw ay kakain ng hindi sosobra sa tatlong (3) cloves ng bawang sa bawat gabi nadadaan ay maaring mabawan ang mga sintomas ng iyong asthma at maari ka rin nitong bigyan ng kaginhawaan sa pakiramdam.

  • Ito ay maaring gamitin na panggamot sa Jaundice

Kung iinum mo ang resipe na ito bilang panlunas sa sakit na jaundice ng hindi kukulang sa apat (4) hanggang sa limang (5) araw ay magiging epektibo ito at tuluyan ng gagaling ang iyong sakit na jaundice. Ito ay mayroong kakayahan na mabisang alisin ang mga toxins sa katawan sa tulong ng bawang.

  • Ito ay makakatulong sa problema sa Puso 

Ang garlic milk ay talagang mabisa pagdating sa pagbabawas ng antas ng bad cholesterol sa loob ng katawan ng tao. Ito ay mayroong kakayhan na pigilan ang pagbuo ng dugo sa mga ugat na siyang dahilan ng pagbabara at hindi maayos na pagdaloy ng mga dugo patungo sa puso at ito rin ay nakakatulong upang mapabuti ang circulatory system.

  • Ito ay maaring gamitin sa mga nakakaranas ng Insomnia

Ito ay mayroong kakayahan na makatulong upang makatulog ang isang indibidwal ng maayos dahil sa kaginhawaan na siyang taglay at katangian ng bawang kaya mabisa ito para sa mga taong mayroong insomnia.

  • Ito ay nakakatulong sa sakit na Arthritis

Ang palagiang pagkonsumo ng garlic milk ay maaring makatulong upang mabawasan ang mga sintomas na siyang dulot ng rayuma, kasama na ang pamamaga at ang sakit.

  • Ito ay epektibo para sa sakit na TB sa Baga 

Ang garlic milk ay kilalang epektibo pagdating sa paggagamot ng mg sakit sa dibdib. Ito ay nagtataglay ng Sulphur components na siyang mabisa na panlabas sa tuberculosis ng baga.

  • Ito ay nakakapagpababa ng Cholesterol

Ang resipe na ito ay maaring gamitin bilang mabisang tulong sa pagpapababa ng antas ng LDL o mas kilala bilang bad cholesterol sa loob ng katawan kung ito ay iinumin sa pang araw araw.

  • Ito ay maaring gamitin bilang panlunas sa Ubo 

Kung ang garlic milk ay ihahalo kasama ang turmeric, ito ay maaring maging isang mabisang panlunas laban sa matindi at pabalik balik na ubo.

  • Ito ay maaring gamitin bilang panggamot sa Sciatica

Ang madalas na pagkonsumo ng resipe na ito ay maaring makatulong upang mabawasan ang sakit na nadarama ng dahil sa sciatica.

  • Ito ay makakatulong sa mga taong mayroong Impotence

Mabisa ang resipe na ito o ang garlic milk para sa mga kalalakihan na nahihirapan tigasan sa tuwing sila ay makikipagtalik. Ang paginom ng pinakuluang bawang ay kilala rin bilang isa pang epektibo na panlaban sa infertility para sa parehas na babae at lalaki.

Paano gagawin ang sangkap na ito o ang garlic milk?

Narito ang mga sangkap na kakailanganin:

  • 500 milliliters ng gatas
  • 10 binalatan at hiniwa na cloves ng bawang
  • 2 hanggang sa 3 kutsarita ng asukal
  • 250 milliliters ng tubig

Narito ang mga preparasyon na dapat gawin:

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang magawa ang resipe na ito. Ang dapat mo lamang gawin ay isalin ang parehas na tubig at gatas sa isang kaldero. Pagkatapos ay ilagay din dito ang bawang at painitan sa tulong ng apoy. Maghintay ka lamang ng ilang minuto hanggang sa tuluyan ng kumulo ito.

Panatilihin mo lamang ang katamtamang init na mayroon ito at huwag mong ititigil ang iyong paghalo sa resupe hanggang sa mawala ang kalahati nito dahil sa evaporation. Sa huli ay salain at haluan mo ang resipe ng asukal. Mas magiging mainam kung iinom mo ang resipe na iyong ginawa habang ito ay mainit pa. Maari mong inumin ng resipe na ito sa pang araw araw basta wag lamang sosobra sa isa o dalawang baso.

Upang mas makasigurado, kumunsulta ka muna sa iyong doktor bago ito subukan upang mas maging ligtas ang paggamit nito.

You may also like...