Maglagay ng dahon nito sa sulok ng inyong bahay at makikitang mawawala lahat ng ipis

Kalinisan ang isa sa pinaka mahahalagang pundasyon ng isang tao. Kapag alam natin kung paano maging malinis, gaganda ang ating buhay. Isa pag gaganda ang ating kapaligiran at lulusog pa ang ating kalusugan. Magiging kaluguran rin tayo sa ibang tao dahil maayos tayo at pinangangalagaan ang ating sarili. Hindi mahirap sa ibang tao na tayo ay lapitan dahil tayo ay malinis at hindi nila tayo pag-uusapan tungkol sa ”poor hygiene”. Kung tayo naman ay malinis sa ating kapaligiran ay Malaki rin ang tyansa nating hindi magkasakit. Lalo na sa ating tahanan, kung malinis tayo ay makikita ang ugali nating pagiging masinop. Kapag masinop tayo, alam nating kung saan hahanapin ang mga bagay bagay sa ating tahanan.

Aminin man natin o hindi, lahat naman tayo ay nais na magkaroon ng malinis at maayos ng tahanan diba? Ayaw natin makakita minsan nf kahit na kaunting dumi. Talagang winawalis natin kahit gano pa kaliit yang dumin na yan. Kahit sa mga dingding, bintana, todo linis talaga tayo. Bakit? Kase gusto natin na maaliwalas yung nakikita natjn. Kaya naman ang mga nanay, todo todo sa paglilinis ng kanilang mga tahana. Paggising pa lamang sa umaga ay nagwawalis na siya upang makasiguro na walang kalat sa lapag. Pagkakakain sa tanghalian ay maglilinis na naman siya dahil baka may mga mumo ng kanin na nalaglag, at hindi magiging kanais nais kung maiiwan itong nakakalat. Minsan nga ay nagagalit pa siya kapag makalat tayong kumain dahil bukod sa nagkakalat na tayo, nagsasayang pa tayo.

Matapos naman nating magsikain, ayan na, huhugasan agad ni nanay mga pinagkainan natin, dahil ayaw nga niyang bakakakita ng kalat. Maging mismo ang mga mumu o tinatawag na maliliit na budbod e tatanggalin niya. Ang ilan naman ay, kumukuha pa ng katulong upang maging malinis ang tahanan. Diba? Kalinisan talaga ang kailangan. Masarap kumain kung walang kung ano anong nakakalat sa paligid na kung minsan ay nagiging sanhi pa ng kawalan natin ng gana sa pagkain. Mas masayang makipag- bonding sa pamilya, o kaya naman ay makipaglaro sa mga bata sa sahig kung walang mga dumi at alikabok ang kakapit sa atin.

Totoo nga talagang masarao makakita ng maaliwalas at nakapa linis na kapaligiran. Makikita mo na ang ganda agad ng umaga mo pagkagising dahil sa sobrang maaliwalas ng iyong makikita. Ngunit ang lahat ng ito ay masisira dahil lamang sa iisang insektong kina bi bwisitan ng lahat. Ang insektong ito ay ayaw nating makita, nakaka inis maka kita nito habang kumakain. At madalas pa ay kinakakatakutan ito ng mga kabataan. Walang iba kundi ang insektong lumulipad na tinatawag na ipis.

Ang mga ipis ay mga maliit na insekto, mga kulang 2 inches ang karaniwang haba, ay mga nakakadiri, at minsan ay nakakatakot, na mga insektong karaniwang matatagpuan sa mga maruruming lugar gaya ng basurahan. Kung hindi natin sisinuping mabuti an gating tahanan ay hindi malayong pati ang ating bahay ay puntahan na rin ng mga insektong ito. Ang mga ipis ay herbivores, mga nilalang na parehong kinakain ang halaman at karne. Gusting gusto nila ang mga maruruming paligid dahil dito sila nakakakuha ng kanilang mga pagkain. Kapag madilim na ang paligid at nararamdam na nilang wala ng tao ay magsisilabasan na sila upang gawin kung ano man ang kanilang dapat gawin. At ito pa ang pinaka nakakainis, kapag may nakita silang pagkain at naramdaman nilang walang bantay ay kakainin nila ito. At iton ang pibaka nakakainis na ginagawa nila. Ang linis linis ng pagkain chaka nila dadapuan.

Ang mga ipis ay matatagpuan sa halos lahat na bahagi ng mundo. Sila kasi ay kayang makatagal sa mga “extreme” ma kapaligiran at klima. Alam niyo ba na kung magkaroon man ng kaguluhan at sumabog ang mga nuclear bombs ay magagawa pa ring makaligtas ng mga ipis? Ang mga tao ay hindi kakayanin ang nuclear bombs, ang mga hayop sa lupa, dagat, at himpapawid ay mamamatay rin, ngunit ang mga ipis ay mananatiling buhay. Hindi rin sila agad mamamatay kahit sila pa ay mapugutan ng ulo, tatagal pa sila ng mga ilang araw o linggo. Bukod pa riyan aykaya rin nilang mabuhay ng isang buwan kahit wala silang kainin. Kahanga hanga kung tutuusin ang kanilang “vitality”, ngunit problema pa rin sila sa mga tahanan.

Kapansin pansin din na kakaiba sila kung humanap ng kanilang makakain. Kung inyong makikita ang isang ipis, kapag nakahanao na ito ng pagkain, mapapansin ninyo na may sumusunod na mga ipis at unti unti na silang dumadami. Bakit? Dahil ang mga ipis ay nag iiwan ng mga bakas sa kanilang dinadaanan nang sa gayon ay makasunodpa ang ilang mga ipis. . Sa pamamagitan din ito ay nagagawa ng mga ipis na makipag-komunika sa isa’t isa. Kapag nagsama sama na sila sa isang lugar ay tiyak na isang malaking problema ito dahil nakakainis at nakakadiri nga naman kung sa tuwing kakain kay ay maynakikita kang mga ipis na tila ba nagbabantay sa iyo. Kaya naman, kung gusto mong mawala sila sa iyong bahay ay tutulungan ka naming. Ituturo naming sa iyo kung paano itataboy ang mga insektong ito ng sa gayon ay mawala na ang mga pesteng ito.

Gagamit tayo dito ng halaman. Dahil ang halaman ang pinaka mortal na kaaway ng mga ipis. Isa ito sa mga pinakamabisang cockroach repellant at iyan ay ang bay leaves. Kapag naglagay ka ng halamang ito tiyak na hindi ka na makakakita pa ng ipis sa loob ng iyong bahay. Ang component ng halamang ito ay hindi kemikal na kayang pumatay ng mga ipis ngunit, mayroon itong matapang na amoy na hindi kayang tagalan ng mga insektong ito. Kaya naman, mainam kung maglalagay ka ng mga piraso ng bay leaf sa mga sulok ng iyong bahay. Halimbawa na lamang, upang mataboy sila sa kusina at mapangalagaan ang kalinisan ng ating mga kinakain ay dapat kang maglagay ng mga sampung dahon ng halamang ito. Maaigi rin kung maglalagay ka sa mga taguan ng pagkain, maging sa mga lugar na madalas taguan ng mga ipis upang wala na talaga silang kawala.

Pero kahit na sabihin pannating malaking tulong ang paglalagay ng mga dahon, mas magiging epektibo pa ito lalo kung pipira pirasohin nating ang nga dahong ito, sa pagkakataong ito mas tatapang pa at mas kakalat pa ang amoy nito. Ngunit, wala kang dapat ipag- alala dahil ang ang maganda pa sa bay leaf ay wala itong taglay na toxic na maaaring makasakit sa iyo at sa buong pamilya, kaya naman totoong ito ang solusyon sa iyong problema. Malinis na ang iyong kapaligiran, tanggal pal hat ng mga ipis.

Ngunit, kahit pa sabihin natin may mayroon namang mga solusyon para sa mga ito, mas maganda ladin kung hindi tayo gagastos at sa sarili na lamang taho kukuha ng lunas. Bakit kaya hindi tayo patuloy na mag linis ng ating mga tahanan? Kapag malinis ang tahanan, maayos ang ating buhay. Bakit? Kapag malinis tayo, wala tayong po problemahing kahit ano, masarap pang tignan kapag malinis.

You may also like...