Meron daw mga kakaibang kataingan ang mga taong madalas umiyak ayon sa mga psychologist

Kahit sino naman sigurong tao na siyang nasaktan ng sobra ma pa pisikal man o emosyonal na aspeto ng buhay ay maaring ang pagiyak na lamang ang makakayanang gawin. Sa katunayan, ang pagiyak ay hindi palaging nangangahulugan na ang isang tao ay mahina ngunit sa ganitong paraan mas nakakabuti ang pagiyak lalo na kapag ikaw ay nahihirapan na ng husto dahil sa mga pagkakataon na kung saan ito ay itinatago at kinikimkim mo lang, ang lahat ng mga ito ay maaring makapagdulot ng isang malaking epekto sa iyong pagiisip, damdamin at kalusugan na maari mong pagsisihin sa dulo. Kaya kung pakiramdam mo ay maiiyak ka na lamang, hayaan mo lamang na mailabas ng iyong mga mata ang mga luha na nagbabadya.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga dahilan kung bakit normal lamang ang pagiyak at bakit hindi ito isang senyales o nagsisimbolo na ikaw ay isang mahinang tao.

Bakit ka dapat umiyak at ano ang magandang maidudulot nito para sa iyo?

  • Ang pagiyak ang siyang makatutulong sa iyo upang makaya at makontrol mo ang stress

Sa bawat sitwasyon na iyong haharapin at kalalagyan, palagi mo lamang tatandaan na hindi ka dapat masyadong magpadala sa sobrang stress na iyong nararamdaman na maari mong makuha sa sobrang pagaalala patungkol sa mga bagay bagay, hindi pagiging masaya, pagkakaranas ng sobrang kalungkutan o dahil sa isang mahirap na relasyon na iyong kinabibilangan. Dapat mo lamang na isipin na ang pagiyak ay makatutulong ng lubos upang mabawasan ang bigat na siyang nararamdaman ng pareho mong puso at isipan. At upang maiwasan na rin ang severe psychological damage na maari mong danasin, dapat mong mailabas ang iyong tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng pagiyak.

  • Ang pagiyak ay isang indikasyon na hindi ka takot sa iyong nararamdaman 

Mayroong napakaraming bilang ng mga dahilan sa mundo kung bakit ang isang tao ay umiiyak at kasama na sa mga dahilan na ito ang pagkasawi ng isang taong mahal mo sa buhay, ang sobrang pagdaranas sa stress, ang sobrang pakiramdaman ng galit at lungkot, ang problema na maaring mayroon ka sa iyong kalusugan, maging ang ilang mga malulungkot na kanta na iyong narinig na siyang nagpaalala sayo ng isang tao o bagay at higit sa lahat ang panonood ng mga malulungkot na pelikula. Mayroon nga ring mga pagkakataon na kung saan ang isang tao ay umiiyak ng dahil sa sobrang saya o sa ingles ay “tears of joy.” Sa tulong ng pagiyak, nailalabas mo ang lahat ng iyong nararamdaman, mas gagaan na ang iyong pakiramdam at ito ang magiging dahilan sa kung bakit ikaw ay mas magiging malakas sa pagharap sa mga problema na siyang dadarating sa iyong buhay.

Kapag ang isang tao ay madalas at mahilig na magtago ng kanilang mga emosyon at nararamdaman, ito ay maaring magresulta at makapagdulot ng mga negatibong epekto sa kanilang pagiisip at kalusugan kagaya na lamang ng kanilang pagiging lasenggo, paggamit ng mga drugs o ipinagbabawal na gamot, pagkakaroon ng anxiety o depression, sobrang pagaalala at pagiisip sa mga bagay bagay, maging ang kalungkutan at pagkakaroon ng masamang ugali. Madalas, ang mga tao na walang lakas ng loob na harapin ang kanilang mga problema sa kanilang buhay ay yung mga taong gusto lamang makatakas sa mga opinyon na siyang sinasabi ng ibang tao na maaring hindi na sila pansinin sa paglipas ng panahon. Kaya dapat mong itatak sa iyong puso at isipan na lubhang importante na mabigyan ng tamang pansin ang iyong nararamdaman at maging ang mga tao na siyang katulad mo upang kanilang malaman na mayroong nagmamahal sa kanila at simulan niyo ang pagtulong at ang pagsuporta sa bawat isa upang malutas ang lahat ng problema at mas maging malakas pa.

  • Ang pagiyak ay nangangahulugan na ikaw ay malakas 

Sa tuwing ikaw ay umiiyak, nangangahulugan lamang na ikaw ay isang malakas na tao dahil hindi mo iniisip ang kahit na anong bagay na siyang sasabihin ng ng mga tao na siyang nakapaligid sa iyo. Mayroong mga pagkakataon na kapag ang isang tao ay tuluyan ng nawalan ng pagasa ay itinatago na lamang ang kanilang mga sarili sa mundo at kapag dumarami na ang mga tao sa kanilang paligid ay hindi na nila nagagawa pang ilabas ang kanilang mga nararamdaman kagaya na lamang ng sakit at kalungkutan at sa halip, ipinapakita nila na sila ay ayos lamang sa likod ng kanilang mga ngiti. At ito ang siyang nagiging dahilan sa kung bakit ang isang tao ay nagiging mas malakas dahil nagagawa nilang kontrolin ang kanilang sarili at ipakita na kaya nila kahit pa parang sila ay susuko nang talaga.

Dahil sa simpleng pagiyak, ginagawa ka rin nitong matibay lalo na kapag mayroong mga bago at hindi talaga inaasahang mga pangyayari sa buhay kayaga na lamang ng pagkakaroon ng isang masamang balita, aksidente o malaking problema at dagok sa buhay. Maari nitong patibayin ang iyong relasyon sa mga taong mahal mo katulad ng iyong pamilya at mga kaibigan dahil ikaw ay walang takot na ilabas at ipakita ang iyong emosyon at nararamdaman. Ikaw ay nagiging totoo at pinapakita mo ang iyong kahinaan kaya ka nagiging malakas.

  • Ang pagiyak ay nakatutulong para sa iyong kalusugan 

Alam mo ba na ang pagiyak ay nakabubuti para sa kalusugan ng iyong katawan at pagiisip lalo na kung papayagan mo ang iyong sarili na ilabas na lamang ang lahat ng iyong mga nararamdaman. Dahil sa pagiyak, iniiwas mo ang iyong sarili sa iba’t ibang klase ng mga sakit at karamdaman dahil hindi mo hinahayaan na magdusa ang iyong sarili. Bukod pa riya, ginagawa ka rin nitong isang magalit na tao at mabuting kaibigan sa iyong kapwa.

Dapat mong tandaan na walang masama sa pagiyak, isa itong normal na eskpresyon ng emosyon na siyang nararamdman ng kahit na sinong tao at wala kang dapat ikahiya patungkol sa bagay na ito. Palagi ka lamang maging totoo sa iyong sarili at huwag na huwag kang magtatago ng totoo mong nararamdaman ng dahil lang sa sasabihin ng iba. Magpakatotoo ka at maging matapang para umiyak sa harap ng iba.

You may also like...