Mga benepisyo ng paginom ng Apple Cider Vinegar bago matulog

Ipagpalagay na lang natin na nagamit mo na ang ACV or mas kilala bilang apple cider vinegar sa ilang resipe kagaya na lamang ng pickles, pie at bilang salad dressings. Ngunit pumasok na ba sa isipan mo na ang apple cider vinegar at maaring inumin?

Siguro isa ka sa mga tao na hindi naniniwala sa katotohanan na ito, pero ang paginom ng apple cider vinegar bago matulog ay mayroong malaking epekto at makatutulong ito ng malaki para sa kalusugan at pangangatawan ng tao. Hindi lamang ito magagamit sa pagbawas ng timbang at mga fats sa iyong katawan ngunit kaya rin nitong mas mapabuti at mas palusog ang iyong katawan ng hindi mo man lang namamalayan.

Sa artikel na ito, ibabahagi namin sa inyo ang ilan sa mga kakayahan ng apple cider vinegar na siyang makatutulong para sa isang malusog at magandang kalusugan. Wag ka ng magdalawang isip pa, ituloy mo na ang pagbabasa at gamitin mo na rin ang apple cider vinegar sa pang araw araw.

Narito ang sampung (10) paraan kung paano ka matutulungan ang apple cider vinegar o ACV:

1. Ito ay makatutulong sa pagbawas ng iyong timbang

Ayon sa ilang pananaliksik at pagaaral na siyang ginawa ng mga eksperto at mananaliksik, ang sobrang taba ay mayroong kaugnayan sa kakulangan sa oras at kalidad ng tulog ng tao. Kung mas mataba o mas mabigat ang timbang ng isang tao, mas nahihirapan ito na magkaroon ng sapat na oras at kalidad ng tulog.

Ang apple cider vinegar ay maryoong kakayahan na mapigilan ang pagbuo ng taba sa katawan at maging bawasan ang sobrang gana sa pagkain. Ito ay nagtataglay ng isang compound na siyang tinatawag bilang pectin, na siyang nagbibigay ng isang pakiramdam na palaging busog kaya’t mas nababawasan ang pagkain na iyong kakainin.

Kung hindi mo kayang kontrolin ang iyong pagkain sa pang araw araw, lalo na sa tuwing gabi bago matulog, uminom ka lamang ng ng ACV.

2. Ito ay mabisang lunas para sa sore throat o pananakit ng lalamunan 

Ang bacteria na siyang dahilan sa kabila ng pagkakaroon mo ng sore throat ay hindi kakayaning mabuhay sa acidic environment na siyang kayang gawin ng apple cider vinegar. Bukod pa dito ay malakas din ang antibacterial na katangian nito.

Ang kakailanganin mo lamang gawin ay inumin ang isang (1) kutsarita ng apple cider vinegar ng isang oras bago ka tuluyang matulog. Uminom muli ng isa pang kutsarita pagkalipas ng kalahating oras o trenta (30) minutos.

3. Ito ay makatutulong upang maalis ang hiccups

Ang apple cider vinegar mayroong kakayahan na aktibahin ang nerves na siyang matatagpuan sa iyong leeg na kilala bilang dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng hiccups sa tulong ng mapait nitong lasa. Dahil dito, malilimutan na nito ang kanyang pangangailangan para maghiccup. Uminom lamang ng isang (1) kutsarita ng organic ACV.

4. Ito ay mabisang lunas para sa baradong ilong 

Ang apple cider vinegar ay kilala na mayaman sa mga vitamins at minerals kagaya na lamang ng magnesium, potassium, Vitamins A, B1, B2 at E na siyang nakatutulong sa pagbawas ng uhog o mucus sa ingles at maging linisin ang sinuses. Kakailanganin mo lamang na uminom ng isang (1) kutsarita ng ACV na siyang inihalo sa isang (1) baso tubig bago ka tuluyang matulog.

5. Ito ay maaring gamitin bilang panlunas sa acid reflux

Ang apple cider vinegar ay mayroong kakayahan upang mapabalik ang normal na antas ng acidity sa loob ng tyan ng tao. Uminom ka lamang ng isang (1) kutsarita ng apple cider vinegar na siyang inihalo sa isang (1) baso ng tubig bago ka tuluyang matulog sa gabi.

6. Ito ay makatutulong sa mga taong may bad breath

Dahil kilala ang apple cider vinegar bilang isang mabisang lunas laban sa mga bacteria, ito ay makatutulong upang epektibong maalis ang baho ng hininga na siyang sanhi ng sobrang daming bacteria na siyang matatagpuan sa loob ng bunganga ng tao. Uminom ka lamang ng isang (1) kutsarita ng apple cider vinegar bago ka tuluyang matulog.

7. Ito ay maaring gamitin bilang panlunas sa pananakit ng tiyan 

Ang apple cider vinegar ay maaring mabisang makatulong para wasto ang tagal at kalidad ng iyong pagtulog at maiwasan din ang biglaang mga pagpukaw sa gabi ng dahil lamang sa sakit at hangin sa loob ng tiyan. Kakailanganin mo lamang ihalo ang isang (1) kutsarita ng organic apple cider vinegar sa isang (1) tasang mayroong laman na mainit na tubig at inumin ito bago ka tuluyang matulog sa gabi.

8. Ito ay mabisang lunas para sa indigestion

Ang insomnia ay sinasabing mayroong koneksyon sa indigestion. Ang apple cider vinegar ay mayroong kakayahan upang matulungan ang mga tao sa bloating at maging sa pagkahilo. Kakailanganin mo lamang ihalo ang isang (1) teaspoon ng organic ACV sa isang (1) tasa ng mainit na tubig at inumin mo ito isang (1) oras bago ka tuluyang matulog.

9. Ito ay makatutulong sa pagbawas ng leg cramps sa gabi 

Ang kakulangan ng potassium ng tao ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng madalas na sakit sa paa. Ang apple cider vinegar ay mayroong taglay na mataas na potassium na siyang mabisa upang mabawasan ang pananakit ng paa ng madalas lalo na sa gabi.

Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay ihalo ang dalawang (2) kutsara ng apple cider vinegar sa isang (1) baso ng mainit na tubig at inumin mo ito sa gabi bago ka tuluyang matulog.

10. Ito ay makatutulong upang bumaba ang antas ng blood sugar

Ang mataas na antas ng blood sugar sa katawan ng tao ay kilala bilang pangawalang dahilan kung bakit nagkakaroon ng insomnia ang tao, katulad na lamang ng aming nabanggit kanina. Mabuti na lamang at ang apple cider vinegar ay mayroong kakayahan na mapataas ang insulin sensitivity ng tao kaya’t maari nitong mabawasan ang blood sugar sa kabila ng kakulangan sa tulog. Kakailanganin mo lamang uminom ng dalawang (2) kutsarita ng apple cider vinegar bago ka tuluyang matulog sa gabi.

Sa kabilang banda, kung ikaw ay gumagamit ng medikasyon para sa diabetes, maari mo munang ikonsulta sa iyong doktor bago mo pa man tuluyang subukan ang apple cider vinegar upang mas maging maingat at ligtas.

You may also like...