Mga benepisyo ng pinakuluang mansanas at mga sakit na napapagaling nito sa natural na paraan

Napakaraming mga pagkain sa mundo ang masusustansya na kahit hindi mo na ito iluto o haluan ng iba pang mga sangkap. Kabilang sa mga pagkaing ito ay ang mga prutas na hugasan mo lang ng kaunti ay pwede mo nang kainin agad. Iba iba ang kulay pati na rin ang kanilang mga hugis kaya maging sa mga bata ay nakaka-anyaya ito. Masarap at may kaunting tamis o kaya naman asim ang mga prutas, ngunit higit sa lahat ay napaka-masustansya nito kaya maganda ito para sa ating kalusugan.

Isang halimbawa ng prutas ay ang mansanas o apple. Napaka-popular nito sa buong mundo at halos kilala ito ng maraming tao. Ngunit para sa mga iilan na hindi ito kilala, ang mansanas ay isang prutas na may pulang balat at putting laman. Ng kaniiyang hugis ay parang hugis puso subalit walang patusok sa ilalim. Mayroon itong buto na makikita mo kapag hinati mo ang mansanas sa gitna, pwede mo itong itanim kung gusto mo. Masarap ito, matamis kaya nakaka-anyaya ng mga bata, at may mabangong amoy. Kung kakainin mo ito ng sariwa ay tiyak na makakakuha ka ng samu’t saring mga nutrients na kailangan ng iyong katawan upang maging malakas,

Subalit, hindi lamang pagkain ng sariwang mansanas ang pwede mong gawin sa prutas na ito. Kung gusto mo ay maaari mo itong pakuluan at saka kainin. Kung iniisip mo ang sustansyang makukuha dito, huwag kang mag-alala dahil tiyak na meron pa rin, subalit may pagkakaiba na sa mga sustansyang makukuha mo sa sariwang mansanas. Gayunpaman, kailangan pa rin ito ng katawan. At alam niyo ba na nakasalalay sa kung gaano niyo katagal pinakuluan ang mansanas ang mga nutrients at mineral na maaari niyong makuha dito? Ituloy niyo lamang ang pagbasa at alamin kung ano ano ba ang mga magagandang benepisyong inyong makukuha kung kayo ay kakain ng pinakuluang mansanas o boiled apples.

  1. Pagkontrol ng Sugar Level. Isang maling akala ng mga tao sa mansanas, dahil nga matamis ito, ay bakadaw makasama pa sa mga taong mataas ang blood sugar level. Dapat ay itama ang konseptong ito dahil kabaligtaran nito ang bunga ng pagkain ng boiled apples sa mga taong may ganitong kondisyon. Napag-alaman sa mga pag-aaral na ang pagkonsumo ng pinakuluang mansanas ay nagreregula ng blood sugar level kaya naman ang diabetes ay maiiwasan. Ang pagkain nito ay inirerekomenda lalo na sa mga diabetic upang mapabuti ang kanilang kondisyon.
  2. Pagkontrol ng Cholesterol. Bukod sa blood sugar level ay kaya ring kontrolin ng boiled apples ang cholesterol level ng isang tao. Ang LDL o ang bad cholesterol ay masama sa atin dahil ito ang bumabara sa mga blood vessels at nagiging dahilan kung bakit hindi  makadaloy ang dugo ng maayos. Kaya naman ito ang mababantayan kung ikaw ay kakain ng pinakuluang mansanas. Kapag regulado ang level ng cholesterol sa katawan ay tiyak na malusog ang iyong puso.
  3. Para sa Heart Health. Kagaya nga ng nabanggit na, ang ibig sabihin ng maayos na level ng cholesterol ay malusog na puso. Kung mataas ksi ang cholesterol level at bumara ito sa mga ugat, magiging sanhi ito ng pagkapagod ng puso sa pag-pump ng dugo, na siyang simula naman ng iba’t ibang cardiovascular disease tulad ng hypertension at stroke. Kaya naman, ang pagkain ng boiled apples ay totoong maganda para sa puso dahil maiiwasan ang iba’t ibang sakit  kagaya ng cardiac arrest o heart attack. Isa pa, masustansya rin ang pinakuluang mansanas dahil nagbibigay ito ng hangin sa puso.
  4. Para sa Maayos na Pagdumi. Kung uugaliin niyong kumain ng pinakuluang mansanas ay tiyak na mapapabutiang iyong pagtunaw. Kapag maayos ang metabolism ng isang tao ay magiging regulae din ang kaniyang pagdumi, na isang maubuting bagay dahil ito ang paraan ng katawan ng pag-aalis ng mga duming hindi kailangan. Bukod pa dito, ang pagkain din ng boiled apples ay tutulungan kang ma-absorb mabuti ang mga sustansya mula sa mga pagkain kaya tiyak na magiging malusog ka. Sa kabilang banda naman ay babantayan din nito ang fats o mga taba sa kataawan upang hindi sila makasama sa iyo. Kaya naman, dapat ay dalasan ang pagkain ng pinakuluang mansanas upang pakinabangan ang mga bagay na ito.
  5. Pagbabawas ng Timbang. Dahil nga nareregula ang fats sa katawan, maiiwasan ang pagkakaroon ng sobrang timbang ng isang tao. Kapag sobra sobra ang fats ay maaaring makaranas ng obesity ang, isang kondisyon kung saan hindi balanse, o mas higit ang timbang sa kaysa sa kaniyang height. Hindi maganda ang kondisyon na ito dahil mararming mga komplikasyon ang kaakibat ng pagkakaroon ng sobra sobrang timbang. Kaya naman, kung gusto itong maiwasan ay dapat na palaging kumain ng boiled apples.

Sa mga nabanggit na benepisyong ito, marahil ay iniisip niyo na kung paano kayo makikinabang sa kanila. Marahil ay iniisip niyo na kung paano ang tamang paraan ng pagpapakulo ng mansanas upang mapalabas niyo ang mga sustansyang kailangan ng iyong katawa. Huwag kang mag-alala dahil iyan ay ituturo rin naming sa artikulong ito.

Ang una mong dapat gawin ay pumili ng mga mansanas na mapupula. Iyong mga nasa maayos na kondisyon dapat at walang sira. Sunod ay hugasan ito ng mabuti upang maalis ang mga dumi kung mayroon man, at pakatapos ay hiwainito sa maliliit na mga piraso. Kapag nagawa mo na iyan ay pwede mo nang ilipat ang mga piraso ng mansanas sa kaserola o lalagyan na iyong gagamitin at saka lagyan ng sapat na dami ng tubig. Hayaan itong pakuluan hanggang sa makita mong nag-iba na ang kulay ng mga mansanas. Ito na ang hudyat na maaari mo nang hanguin ang boiled apples.

Masarap na, masustansya pa. Iyan ang masasabi mo kapag kumain ka ng pinakuluang mansanas. Dapat ay kumain nito araw araw upang makatiyak na ang mga benepisyong medikal ay tunay mong matatanggap. Sabi nga nila diba, “an apple a day keeps the doctor away”. Kaya naman, imbis na mg junk food o fast food ang iyong kainin araw araw, mas mainam na ikaw ay kumain na lamang boiled apples para mapangalagaan ang iyong kalusugan. Huwag kalimutang i-share ang artikulong ito!

You may also like...