Mga dahilan kung bakit kailangan iwasan ang pag gamit ng aluminum foil

Bawat pagkain na ating kakainin at ihahain sa atin ng ating mga magulang ay kanilang pinaghahandaan ng mabuti. Sila ay nagbubuhos ng kanilang lakas at nagbibigay ng kanilang oras upang maayos at maging masarap lamang ang pagkain na kanilang ihahain sa kanilang mga anak. Kanila rin itong binibigyan ng matinding pansin upang hindi madaling mapanis at masira. Ito ay kanilang inihahain ng may kasamang pagmamahal at pagaaruga.

Mayroon pa ngang mga pagkakataon na kung saan gusto lamang nilang ipakain sa kanilang mga anak ay yung mga klase ng pagkain na mayroong sustansya na siyang magbibigay ng lakas para sa kanilang anak. Ganyan nila kamahal ang kanilang pamilya dahil ayaw nilang mapahamak ang mga ito sa pagkain na kanilang inihain.

Dahil na rin ayaw ng mga magulang na mapadalas ang pagkain ng kanilang pamilya at mga anak sa mga restaurants and fast food chains, kanilang sinisikap na mayroong pagkain na maihan sa kanilang hapag kainan kahit na mayroong mga pagkakataon na sila ay pagod at inaatok na dahil sila ay nagmula pa sa kani kanilang mga trabaho.

Bawat tahanan at bawat magulang ay gumagamit ng iba’t ibang klase ng mga pamamaraan upang maipreserba ang maitago ang mga pagkain upang ito ay mapakinabangan pa at makain sa ilang araw na lilipas. Ang ilan sa kanila ay nilalagay ang mga pagkain na ito sa loob ng kanilang refrigerator upang hindi dapuan ng mga bacteria at kemikal na matatagpuan saan mang sulok ng kusina at buong bahay. Ang ilan naman ay gumagamit din ng mga tupper wear o mga lalagyan na plastik upang maitago lamang at matakpan ng mabuti ang mga pagkain na ito.

Sino ba naman ang gugustuhin na madapuan ng mga mikrobyo at bacteria ang pagkain na kanilang pinaghirapan para sa kanilang pamilya? Lahat ng mga magulang ay hindi nais na mangyari ang bagay na ito kaya tiyak na gagawa at gagawa sila ng iba’t ibang klase ng mga pamamaraan upang maipreserba lamang ang pagkain na kanilang inihain para sa kani kanilang mga minamahal na pamilya, asawa at mga anak.

Halos lahat ng mga ng tao hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging saan mang sulok ng mundo ang madalas na gumamit ng aluminum foil sa loob ng kanilang tahanan, partikular na sa loob ng kanilang kusina para sa pagluluto at sa pagbabalot ng mga pagkain at mayroong pa ngang mga pagkakataon na kung saan ito ay ginagamit din bilang panlunas sa ilang mga kilala at pang karaniwang mga uri ng sakit. Gayunpaman, mayroong isang pananaliksik or pagaaral ang ginawa na kung saan natuklasan at nalaman ang ilan sa mga mahahalagang bagay tungkol sa paggamit ng aluminum foil na ito.

Unang una sa lahat, ang aluminum foil ay isang uri ng neurotoxic heavy metal na kung saan ito ay nagtataglay ng matinding negatibong epekto sa pagiisip o utak ng tao at napag alaman din ng mga eksperto na mayroon itong nakatagong konektion sa tinatawag na Alzheimer’s disease.

Maraming tao ang hindi nakakaalam ng mga impormasyon at katotohanan na ito kaya aming inihahatid sa inyo ang mga epekto na siyang maidudulot ng paggamit ng aluminum foil lalo na sa pagkain. Ayon sa mga eksperto na siyang nagsagawa ng pagaaral na ito, ang pagkakalantad ng klase ng metal na ito ay maaring magdulot ng hindi maganda at masamg epekto sa kalusugan ng tao katulad na lamang ng pagbaba ng kapasidad ng kaisipin upang magisip ng maayos at mabuti, kawalan ng balanse ng katawan, paghina ng memorya at maging ang koordinasyon at kontrol ng tao sa buong katawan.

Ito rin ay may kakayahang makaapekto sa mga buto ng tao dahil ang aluminum ay naiipon sa loob nito at inaagawan nito ng lugar ang calcium kaya bilang resulta, unti unting nawawala ang mga sustansya na mayroon ito.

Ang pagaaral na siyang ginawa ng mga eksperto ay natuklang sa pagluluto sa tulong o gamit ng aluminum foil ay mayroong malaking kaugnayan sa pulmonary fibrosis at sa iba’t iba pang klase ng mga sakit sa baga dahil sa paglanghap ng mga aluminum particles na siyang matatagpuan at makukuha sa aluminum foil. Ito rin ay madalas na matatagpuan at makikita kapag ginamit ang aluminum foil sa pagiihaw na kadalasang ginagawa ng mga Pilipino dahil sa ito ay kanila ng nakaugalian lalo na sa mga panahon na kung saan mayroong mga paghahanda at okasyon.

Maraming tao ang hindi nakakaalam na kapag ang aluminum foil ay iyong nailagay sa isang sobrang init na temperature, ang tinataglay o nilalaman na metal nito ay maaring mapunta sa pagkain na siyang binabalutan nito. Ito ang pagkakamali na madalas na gagawa ng mga tao dahil sila sa kakulangan ng kaalaman at impormasyon lalo na sa mga ganitong mga pagkakataon.

Ayon kay Dr. Essam Zubaidy, isang kilalang chemical engineering researcher sa American University of Sharjah, ay napagalaman at natuklasan na ang pagkain na siyang nailuto sa tulong o gamit ng aluminum foil ay mayroong mahigit kumulang 400 milligrams ng aluminum content.

Kung ito ay ipapaliwanag ng mas maayos, sinasabi nito na “kung mas mataas ang temperatura, mas sumisipsip ng aluminum ang pagkain na siyang nakabalot dito. Kaya marapat lamang na magbigyan ng pansin at malamang ng mga tao na ang paggamit ng aluminum foil sa pagluluto ay dapat iwasan at hindi rin ito dapat gamitin para sa mga gulay katulad na lamang ng kamatis, mga citrus juice o maging ang mga spices.”

Ang nirerekomendang dosage ng RDA para sa aluminum sa pang araw araw na ayon sa World Health Organization o WHO ay hindi dapat lalagpas sa 60 milligrams.

Nararapat lamang na malaman ito ng mga tao, lalo na ng ating mga magulang upang maiwasan na ang paggamit ng aluminum foil sa kanilang pagluluto dahil maari itong makapagdulot ng mga masasamang epekto sa katawan at kalusagan ng kanilang pamilya. Kaya marapat lamang na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tao bago gumamit ng kahit na anong uri ng pamamaraan sa pagluluto sa kani kanilang mga kusina. Nangangailangan din ng ibayong pagiingat sa lahat ng mga pagkain at pamamaraan na gagawin sa loob at labas ng tahanan lalo na sa kusina. Ibahagi mo rin sa iba ang artikel na ito upang mabigyan din sila ng impormasyon at matulungan sa ganitong klaseng sitwasyon!

You may also like...