Mga gabay kung papano makakapag palaki ng sariling lemon tree sa bakuran natin

Maraming tao, lalong lalo na sa panahon ngayon at summer nanaman ang siyang naghahanap ng paraan kung paano nila mabisa at madaling mapapalaki o maipapatubo ang napakaraming bilang ng mga lemons sa kanilang mga bakuran. Napakaraming tulong ang kayang ihatid nito kaya’t marami ring bilang ng mga tao ang gustong magkaroon ng ganitong klase ng tanim sa kanilang bakuran, madali lamang nitong magamit at hindi ba nakakatuwang malaman na madali mo na lang din itong makukuha dahil ito ay nasa likod lamang ng iyong bahay?

Kung isa ka sa mga tao na siyang talagang mahilig sa lemon o mahilig gumawa ng lemonade bilang inumin at maging gamitin ito bilang sangkap sa iyong pagluluto, ang pagkakaroon ng sarili mong mapagkukunan ng lemon sa inyong bakuran ay isa lamang sa mga paraan upang ikaw ay makatipid sa pang araw araw na gastusin sa loob ng bahay.

Ang lemon ay talagang kilala na noon pa man, at mas naging popular lalo ito dahil sa kaniyang sariwa at nakakapreskong lasa at bukod pa riyan, ito ay nagtataglay ng napakayamang antas ng mga vitamins at minerals na talagang kinakailangan ng katawan ng tao. Para matutunan mo kung papaano ito patutubuin at palalakihin, kinakailangan mo ng isang mabilis na proseso na aming ibabahagi sa inyo sa tulong ng artikel na ito.

Ang lemon ay maaring itanim sa labas ng inyong bahay kahit pa mainit ang panahon, ngunit maari rin naman itong palakihin sa loob ng tahanan kung ang panahon naman ay tag-lamig. Napakadali lamang nitong patubuin at gagamit ka lamang ng ilang mga kagamitan at mga buto na nanggaling mismo sa isang organic na lemon. Ito ang dahilan kung bakit ibabahagi namin sa inyo ang parehas na proseso kung paano ninyo patutubuin ang lemon sa loob o maging sa labas ng inyong mga tahanan na gamit lamang ang buto na mayroon ang pagkain na ito. Gayunpaman, bago ninyo tuluyang malaman ang mga iyan, amin munang ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga pakinabang na inyong makukuha mula sa lemon para sa inyog kalusugan.

Ang lemon ay hindi unang unang papasok sa loob ng inyong isipan kung kayo ay biglang ginutom at ginusto ng makakain, ngunit hindi mo rin maalis ang katotohanan na ito ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga pakinabang para sa inyong kalusugan at pangangatawan.

Ang lemon ay nagtataglay ng mataas na antas ng Vitamin C na mayroong kakayahan upang mapalakas at mapatibay ang immune system ng isang indibwal upang malabanan ang iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman kagaya na lamang ng lagnat, sipon at maging ng ubo. Marami pa ang bilang ng mga tao na hindi naman talaga alam kung ano ba ang kakayahan at magagawa ng vitamin na ito para sa katawan ng tao. Maari ring gamitin ang pagkain na ito bilang lunas o gamot pra sa mga malalalang sakit katulad na lamang ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Makakatulong din ang lemon upang mawala ang mga pamamaga na nararanasan at upang mabawasan o mapigilan ang pagkasira ng katawan ng dahil sa mga free radicals. Ang lemon ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng flavonoids na nagtataglay ng parehas na antioxidant at anticancer na katangian.

Narito ang mga health benefits na iyong makukuha mula sa lemon:

  • Ito ay mabisang mapagkukunan ng Vitamin C.
  • Ito ay makatutulong para sa isang mabuting hydration ng katawan.
  • Ito ay makatutulong sa mga taong gustong mabawasan ang kanilang timbang.
  • Ito ay maaring magamit upang magkaroon ng magandang digestion.
  • Ito ay mabisa na nakakapagpaganda ng balat.
  • Ito ay makakapagbigay ng sariwa at preskong hininga.
  • Ito ay makatutulong upang maiwasan ang pagbuo ng mga kidney stones.

Paano ka nga ba magkaroon ng sarili mong lemon plant o tree sa sarili mong pamamahay?

Narito ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • Lemon
  • Isang paso o lalagyan
  • Breathable plastic bag
  • Lugar kung saan masisinagan ng araw

Narito ang pamamaraan kung paano mo itatanim ang buto nito:

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin, una ay basain mo muna ang pagtataniman mong lupa at ilagay mo ito sa lalagyan na mayroong kakaunting antas ng tubig. Punuin mo ang bowl na siyang diniligan ng lupang ito at magiwan ka ng kakaunting espasyo bago ito tuluyang mapuno.

Hiwain mo na ang lemon at maghanap ka ng buto nito na nasa magandang hugis. Sipsipin mo ito upang matanggal ang lahat ng laman ng mayroon ang lemon. Siguraduhin mo rin na hindi ito matutuyo dahil dapat lamang na basa ito bago mo ito itanim. Pagakatapos ay maari mo na itong itamin na halos kalahating inches ang lalim sa lupa at diligan mo ito sa tulang ng isang spray bottle o ng isang watering can.

Pagkatapos ay takpan moa ng lalagyan sa tulong ng isang breathable plastic bag upang mapanatili ang pagiging mainit nito at pagiging basa. Ilagay mo ito sa isang mainit na lugar na siyang nasisinagan ng araw.

Nararapat lamang na iyong masigurado na hindi ito sobrang basa dahil baka masira o baka mabulok ang buto nito. Obserbahan mo ito ng mabuti hanggang sa susunod pa na mga araw at linggo, pagmasdan mo kung palagi ang paligid kung saan mo ito nilagay.

Pagkatapos ng ilaw araw at linggo, mapapansin mo na mayroon ng uusbong at tutubo mula rito, maari mo nang tanggalin ang plastic cover na nilagay mo rito. Ilipat mo ito sa isang lugar na mayroong katamtamang init ngunit nakakapasok pa rin ang sinag ng araw.

Narito ang proseso kung paano mo ito maalagaan ng maayos:

Dapat mong siguraduhin na palaging basa ang lupa na iyong pinagtaniman sa lemon lalo na kung bata pa ito. Huwag mong hahayaan na maipon ang tubig, kaya kinakailangan mo rin na gumawa ng drainage holes sa lalagyan kung saan mo ito itinanim.

Ilagay mo ito sa mainit at naarawan na parte ng iyong bahay kung saan makakakuha ito ng kahit walong (8) oras na direktang sinag ng araw sa pang araw araw.

Upang mapanatili ang pagiging malusog ng iyong pananim, nararapat lamang na palagi itong nakakakuha ng sapat na dami ng nutrisyon, maari kang gumamit ng fertilizer kung kinakailangan at siguraduhin mo rin na hind sosobra ang paggamit mo rito.

Kinakailangan mo itong obserbahan ng mabuti na para bang ito ay anak mo. Kung masyado na itong malaki para sa isang paso, maari mo itong ilipat sa mas malaki pang lagayan. Kung ito ay hindi na kasya pa sa loob ng iyong bahay, maari mo rin itong ilipat sa labas. Pangalagaan mo ito ng mabuti dahil maari rin silang dupuan ng mga sakit at iba’t ibang klase ng insekto.

Kapag tuluyan na itong tumubo at lumaki, ipagpatuloy mo lang ang pagaalaga rito. Tuluyan mo ng mapapakinabangan ang bunga nito, makukuha mo rin ang sustansya na taglay nito at higit sa lahat makakatipid ka rin sa gastusin.

You may also like...