Mga Health benefits ng dahon ng sampalok na hindi alam ng maraming tao

Ang dahon ng sampalok ay mayroong kakayahan na linisin ang buong katawan at maging ang paglulusaw ng mga taba sa atay. Ito rin ay nakatutulong upang magamot ang mga problema na mayroong koneksyon sa bile, bukod pa riyan, pinapabuti rin nito ang pangkabuuang kalusugan ng tao, binabawasan ang antas ng kolesterol, pinoprotektahan ang atay, at higit sa lahat tumutulong sa pagsasaayos ng digestive processes.

Narito ang isang recipe na siyang makatutulong sa paggamot ng fatty liver disease at hepatitis:

  Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang magawa ang nakamamanghang lunas na ito. Kinakailangan mo lamang na lagyan ng dalawang kumpol ng binalatan na sampalok ang isang blender. Pagkatapos ay Salinan mo ito ng hindi kukulang sa isang (1) litro ng tubig at haluin mo ang dalawang (2) sangkap na ito ng mabuti hanggang sa maging isa. Ngayon naman, maaari mo na itong salain at inumin ng madalas sa pang araw araw.

TAMARIND TEA

Sa kabilang banda, upang ikaw naman ay makagawa ng isang tsaa na gawa sa sampalok, narito ang kinakailangan mong gawin. Lagyan mo lamang ng hindi kukulang sa dalawampu’t limang (25) piraso ng malinis na dahon ng sampalok ang isang kaldero na siyang naglalaman ng mahigit kumulang isang (1) litro ng tubig. Pagkatapos ay ilagay mo ito sa apoy at pakuluan mo ito ng hindi tatagal sa labing lima (15) hanggang dalawampung (20) minuto. Maaari mo ng patayin ang apoy at pabayaan mo itong lumamig. Ang tsaa na ito ay dapat mong gamitin ng hindi nilalagyan ng kahit na anong uri ng hindi natural na pangpatamis. Ang maaari mo lamang na gamitin ay pulot o honey sa ingles bilang pangpalasa.

Para magamot ang mga sakit na mayroong koneksyon sa atay at upang mapabuti na rin ang iyong pangkalahatang kalusugan, inumin moa ng tsaa na ito ng hindi kukulang sa dalawang (2) beses sa pang araw araw, isang (1) tasa sa umaga sa iyong pagkagising at isa (1) nanamang tasa sa gabi bago ka tuluyang matulog.

Narito ang mga health benefits na maaari mong makuha mula sa sampalok o tamarind:

Ang sampalok ay mayroong kakayahan na pagbutihin ang iyong digestion at maaari rin nitog gamutin ang sakit na iyong nararamdaman sa iyong tiyan. Pakuluan mo lamang ang ilang piraso ng prutas na mayroon ito gamit ang tubig at inumin ang hindi kukulang sa dalawang (2) kutsarita nito sa pang araw araw. Magugulat ka na lamang sapagkat mabilis na giginhawa ang iyong pakiramdam ng dahil dito. Narito pa ang ilan sa mga benepisyo na maaari ninyong mukuha mula sa sampalok:

  • Ang prutas ng sampalok ay maaaring makatulong sa pagbawas ng acidity ng katawan at mapabuti ang paggana ng bile sa atay.
  • Ito rin ay sinasabing epektibo na nakatutulong sa pagbabawas ng mataas na antas ng LDL o mas kilala bilang bad cholesterol sa ingles sa katawan ng tao at pinapabuti rin nito ang cardiovascular health ng kahit na sino.
  • Maaari nitong bawasan ang init ng katawan ng tao ng dahil sa lagnat na siyang dulot ng malaria kung iinumin lamang nila ang isang tsaa na siyang gawa mula sa dahon nito.
  • Ito ay maaaring magamit bilang isang uri ng panlunas sa sakit na dysentery.
  • Kung ikaw ay kakain ng prutas ng sampalok sa pang araw araw, maaaring mabawasan nito ang epekto ng pagkakaroon ng hepatitis.
  • Ang dahon ng sampalok ay maaaring gamitin upang malabanan ang mga intestinal infections, lalong lalo na sa mga bata.
  • Ang prutas na ito ay kilala na mayaman sa vitamin C na siyang nakatutulong sa pagpapatibay ng immune system na siyang lalaban sa mga sakit at karamdaman.
  • Ito rin at nagtataglay ng mayamang antas ng mga minerals kagaya ng magnesium, iron, phosphorus, thiamine, calcium, copper at maging niacin na siyang dahilan kung bakit ito itinuturing bilang super food.

You may also like...