Mga health benefits ng dragon fruit na dapat natin malaman lahat

Mayroong isang uri ng dragon fruit na siyang popular sa tawag na pitahaya o pitaya. Ang klase na ito ay madalas na makikita sa itsura na siyang sinasabi na makapal, nagtataglay ng kulay na deep pinkish red at mayroong magaspang na balat na siyang may berdeng parang apoy na mga tusok tusok sa paligid nito. Ito rin ay mayroong white at blood red flesh tupes na nagtataglay ng maliliit at maiitim na buto. Sa kabilang banda, ang pitaya amarilla naman ay mayroong dilaw na balat at kulay puti naman ang laman nito sa loob.

Paano nga ba nakuha ng prutas na ito ang kaniyang magandang pangalan? Ang katagang dragon fruit ay marahil nakuha ng prutas na ito dahil sa kaniyang parang kaliskis at apoy na berdeng mga tusok tusok na hindi naman tinik ngunit kung masisilayan mo ang bulaklak na mayroon ito ay baka maintindihan mo na ng lubusan ang dahilan kung bakit.

Dahil sa sobrang magarbong balat at ibang klase na pangalan na mayroon ito, ang laman ng dragon fruit ay wala naman masyadong lasa at ito ay parang lemon lamang kung kagatin at ang malutong na buto na taglay nito ay parang buto na katulad sa prutas na kiwi.

Ano ang nutrisyon na maibibigay sa iyo ng prutas na ito?

Ang prutas na ito ay nagtataglay ng mayamang antas ng phytonutrients. Ito ay punong puno rin ng mga antioxidants, Vitamins B at C, polyunsaturated fatty acids, carotene at maging ng protein. Ito rin ay mayroong taglay na mga minerals kagaya ng calcium, iron at phosphorus.

Ang buto ng prutas na ito ay sinasabing natataglay ng mataas na antas ng polyunsaturated fats katulad na lamang ng Omega 3 at Omega 6 fatty acids.

Sa tulong ng artikel na ito, ibabahagi namin sa inyo ang ilan sa mga health benefits na maari niyong makuha mula sa pagkain ng prutas na ito at kung paano ka nito matutulungan upang tuluyang mapaganda at mapalusog ang inyong pangangatawan.

Narito ang mga health benefits na maari mong makuha mula sa dragon fruit:

  • Acne

Ang dragon fruit ay mayroong taglay na Vitamin C na siyang dahilan kung bakit ito naging isang mabisang tropiko na ointment. Ang isang hiwa nito ay maaring gawing isang paste na magagamit para sa mga acne sa mukha at maging sa balat ng katawan bago ito tuluyang hugasan ng mainit ng tubig.

  • Anti-aging

Ang pagkonsumo sa prutas na ito ay makatutulong ng lubusan upang mapanatili ang maganda, makinis at batang itsura. Idagdag mo pa na mabisa ito para sa balat dahil sa taglay nitong mataas na antas ng antioxidant.

  • Anti-inflammatory

Ang pagkain sa prutas na ito ay maganda para sa kalusugan ng tao sapagkat ito ay nagtataglay ng mga antioxidants at phytonutrients na mabisang magagamit upang mawala ang mga pamamaga na nararamdaman na mula sa sakit na gout, rayuma at asthma.

  • Cancer

Ang prutas na ito ay mayroong kakayahan na mapatibay ang immune system ng dahil sa Vitamin C na taglay nito. Ito rin ay mayroong taglay na carotene na mayroong anti-carcinogenic na katangian na makababawas sa paglaki ng mga tumors.

  • Cardiovascular Health

Hindi mo kailangang magalala kung kakain ka ng prutas na ito sapagkat ito ay hindi nagtataglay ng kahit na anong kolesterol o mga nakakasama na kolesterol na siyang gumagawa ng taba. Kung mababa ang taglay na antas ng kolesterol sa dugo ng isang tao ay mababa rin ang tiyansa na magkaroon ng pamumuo ng mga plaque sa mga arteries at ugat nito. Ang mga buto naman nito ay nagtataglay ng positibong uri ng fats o HDL na siyang nagpapababa ng halaga ng bad cholesterol o LDL sa tulong ng pagbawas sa mga receptors na siyang nakakapit sa pader ng mga arteries.

  • Constipation

Ang mga tao na madalas na makaranas ng kahirapan sa pagdudumi ay maaring matulungan ng pagkain ng kahit kakaunting amount lamang ng prutas na ito sa pang araw araw. Ito ay nagtataglay ng mataas na fiber na siyang mahalaga para sa pagpapabuti ng paggalaw ng bowels sa katawan.

  • Detox

Ang dragon fruit ay mayroong kakayahan na alisin ang mga toxic heavy metals sa loob ng katawan ng tao na siyang nakatutulong upang maging maayos, malinis at malusog ang pangangatawan.

  • Diabetes

Ang dragon fruit ay hindi naman gaanong matamis at ito rin ay mabisang pagkain para sa mga tao na mayroong sakit na diabetes. Ito ay mataas sa fiber kaya mabisa nitong makokontrol at mababalanse ang antas ng blood sugar ng isang tao at mayroon din itong kakayahan na pigilan ang mga biglaang pagtaas ng sugar sa katawan.

  • Digestive Health

Ang pagkain ng dragon fruit ay talagang mabisa para sa digestion marahil nagtataglay ito ng maraming halaga ng fiber na siyang mabisa na gamit ng mga tao na mayroong mahinang digestion o madalas na constipated. Ang parehong laman at buto nito ay nagtataglay din ng mga good proteins na siyang nagpapalakas at nagpapabusog sa katawan. Kung madalas kang kakain ng mga pagkain na sagana sa dietery fiber kagaya na lamang ng dragon fruit, ay maiiwasan moa ng pagkakaroon ng constipation, irritable bowel syndrome at kahit na ang colorectal cancer.

  • Heart Health

Ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng antioxidant na siyang mabisang nakapagbabawas ng oxidation sa cholesterol. Isa rin ito sa mga pagkain na mabisang mapagkukuhaan ng mga monounsaturated fats na maaring makatulong sa pagpapanatili ng maganda at mabuting kalusugan ng puso.

  • Health of the Immune System

Isa sa mga pinaka magandang pakinabang na maaring makuha sa prutas na ito ay ang pagpapatibay at pagpapalakas nito ng immune system upang labanan ng katawan ang iba’t ibang uri ng mga sakit na nagbabanta sa kalusugan. Dahil ito ay nagtataglay ng mayamang antas ng Vitamin C, napapatibay nito ang immune system upang maiwasan ang mga sakit at mapigilan ang pagkasira ng mga cells na siyang gawa ng mga free radicals sa loob ng katawan.

  • Respiratory Health

Para naman sa kalusugan ng respiratory system, ang dragon fruit ay nagtataglay ng Vitamin C na siyang nakatutulong para sa ganitong kondisyon at maiwasan din ang sakit na asthma, bronchitis at kahit ang pagbabahing.

  • Soothes Sunburn

Ang mayamang antas ng antioxidant at nutrients na taglay nito ay maaring makatulong upang mawala ang irritasyon na nararanasan na siyang dulot ng sunburn. Kinakailangan mo lamang itong ihalo sa katas na nagmula sa parehong cucumber at honey upang magamit sa mga apektadong parte ng balat.

Tips para sa pagkain ng prutas na ito:

Dapat mong piliin ang bright red o pink na kulay ng dragon fruit na siyang lubusan ng hinog. Upang malaman kung hinog na ba ito, pisilin mo lamang ang laman nito at kung bumuka ito ng kahit kakaunti lamang ay maaring hinog na ito para makain mo. Mas magiging mabisa din itong kainin habang malamig at hiniwa sa korteng cubes o maari rin itong ilagay sa blende upang makagawa ng isang juice o smoothie. Tamang tama ang ganitong klase ng mga inumin sa panahon ng taginit.

Mga bagay na dapat tandaan:

Masarap talagang kainin ang prutas na ito at hindi pa ito nagtataglay ng kahit na anong side effects, kaya ligtas itong kainin para sa mga buntis o para sa mga nanay na nagpapasuso ng kanilang anak.

You may also like...