Mga karaniwang sanhi ng breast cancer at 6 na paraan para maiwasan ito

Nararapat lamang na matutunan at magpagalaman ng lahat ng mga kababaihan sa buong mundo ang lahat ng bagay na siyang patungkol sa breast cancer dahil ito ang karaniwang sakit na kanilang nararanasan. Isa ito sa mga kilalang pangunahing dahilan kung bakit nasasawi ang mga kababaihan mula ngayon hanggang noong panahon pa ng ating mga ninuno.

Mabuti na lamang at dahil nagkaroon ng napakaraming bilang ng mga pagaaral na siyang isinagawa kaya nabawasan na ang bilang ng mga babae na siyang nakakaranas ng ganitong klase ng sakit na siyang maaring makapagdulot ng kamatayan. Isang palaisipan hanggang sa ngayon ang sakit na cancer para sa karamihan ng tao, ngunit sa kasalukuyang panahon ay sinasabi ng siyensiya na ang bagay na ito ay hindi maaring mapigilan at wala pa ring lunas na siyang nadidiskubre upang mapigilan ito.

Narito ang mga susi upang mabawasan ang iyong tsansa na magkaroon ng breast cancer:

  • Regular at madalas na screening upang makita ito ng mas maaga
  • Pagkakaroon ng healthy diet
  • Pagkain ng mga prutas at non-starchy cruciferous na gulay kagaya ng broccoli at watercress
  • Paggamit ng mga natural at organic na skin care products
  • Pagkakaroon ng sapat na antas ng Vitamins sa pagitan ng 50-75
  • Pagiwas sa paggamit ng underwire bras dahil baka maging balakid ito sa lymphatic drainage sa paligid ng suso
  • Pagbawas sa pagkonsumo ng alak
  • Pagiwas sa pagbabad sa radiation
  • Pananatili ng wasto at tamang timbang ng katawan

Sa katunayan, hindi lamang puro kababaihan ang maaring makaranas ng ganitong uri ng sakit sapagkat ang mga lalaki ay mga suso rin, ayun nga lang, sa mga kababaihan talaga ito madalas na mangyari. Ayon sa isang pananaliksik na siyang isinagawa, kahit na sobrang ingat ng mga kababaihan pagdating sa kanilang mga kinakain at iniinom at kahit na sila pa ay madalas na nageehersisyo, umiiwas sa mga bagay bagay na nagtataglay ng carcinogenic compounds ay lahat ng kanilang ginagawa ay maari paring maging dahilan ng pagbabago ng kanilang pangangatawan na kalaunan ay magreresulta sa sakit na cancer. Sa kabilang banda, lahat naman ng mga sakit ay maaring maiwasan kung hindi malulunasan kung ang mga kababaihan ay mabubuhay ng maayos, pananatilihin ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at iiwas sa mga masasamang bisyo kagaya na lamang paginom ng alak at paninigarilyo o kahit na ano pa mang maliliit na bagay upang maiwasan lamang ang pagkakaroon ng sakit na cancer.

Ang pagkakaroon ng napakaraming kaalaman patungkol sa ganitong uri ng sakit at ang pagsasagawa ng mga preventive steps ay ilan lamang sa mga bagay na maari mong magawa upang tuluyan ng maiwasan ang ganitong uri ng sakit. Sa katunayan, ang buwan ng Oktobre, ay isinaalang alang para sa sakit na ito at ito rin ay ginawa bilang National Breast Cancer Awareness na buwan. Sa buwan na ito, mayroong mga awareness discussions na ginagawa at karamihan sa lumalahok sa ganitong klase ng gawain ay nagsusuot ng kulay pink na damit. Bukod pa dito, marami rin ang bilang ng mga tao na siyang dumadalo rito na mayroong breast cancer. Ang ilan sa miyembro ng kanilang pamilya, mga kaibigan at maging ang kanilang mga doktor ay dumadalo rin at naglalakad sa kanilang tabi na siyang nagpapakita ng kanilang matinding suporta at pagmamahal sa mga tao na mayroon nito. Kahit napakarami na ang bilang ng mga pagaaral at mga pananaliksik na siyang isinagawa upang mabigyan ng lunas ang uri ng sakit na ito, mas magiging epektibo pa rin kung mas pagbibigyan ng pansin kung paano maiiwasan ang ganitong klase ng sitwasyon sa una pa lamang habang hindi pa nagdurusa sa sakit na ito. Tama nga ang kasabihan na “Prevention is better than cure.”

Narito ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng breast cancer:

Napakaraming bagay ang maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong klase ng sakit. Madalas ito ay nangyayari dahil sa pagkababad sa mga nakakasamang kemikal at mga toxins na siyang nakapaligid sa isang tao na kilala na may kakayahan upang makapagpabago ng anyo at ginagawa ng mga hormones sa loob ng katawan.

Ang madalas na kinakain at kinokunsumo ng mga kababaihan na nagmula pa sa mga food chains na puno naman ng mga processed foods na nagtataglay ng kemikal, pesticides residue, additives at kahit na ang genetic modification, mga kemikal na nagmula pa sa mga skin care at cosmetic products ay siyang itinuturing na dahilan sa pagkasira ng kalusugan ng tao at maari rin silang carcinogenic. Ang pagkakaroon ng matinding stress ay isa sa mga bagay na siyang nagdudulot ng negatibong epekto sa katawan at kalusugan.

Hindi na talaga ligtas ang mga gamit at pagkain na siyang akala ng nakararami ay ayos lamang gamitin at kainin. Kailangang maging maingat at mapanuri sa panahon ngayon. Mabuti na lamang at maari namin kayong matulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong klase ng sakit.

Paano mo maproprotektahan ang iyong sarili mula sa breast cancer?

  • Palaging balansehin ang iyong timbang

Ang sobrang taba, mabigat na timbang o pagiging obese ay maaring magdulot ng napakaraming bilang ng mga negatibong epekto para sa kalusugan ng tao at kabilang na dito ang pagkakaroon ng breast cancer. Mas magiging mahirap at delikado ito para sa mga kababaihan kung mas tataba pa sila ng sobra habang sila ay tumatanda at patungo sa menopausal age.

  • Pagkakaroon ng healthy diet

Ang mga pagkain na siyang maaring gamitin upang laban ang ganitong klase ng sakit ay madalas na makikita sa mga organic, natural at non-starchy cruciferous na gulay kagaya na lamang ng arugula, watercress, broccoli, cabbage, cauliflower, Brussels sprouts at radishes. Maari mo ring subukan ang pagsama sa mga pagkain na ito sa iyong mga lutuin o kinakain sa pang araw araw.

  • Pagiging maingat sa mga ginagamit na skin care at cosmetic products

Marami na ang bilang ng mga kababaihan na siyang gumagamit ng mga kilalang natural at organic skin care at cosmetic products dahil ang mga ito ay hindi nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal. Sinasabi na ligtas ang mga ito gamitin dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mga natural na sangkap. Isa sa mga halimbawa nuto ay ang paggawa ng sariling sabon sa loob ng inyong bahay o paggamit ng extra-virgin coconut oil bilang isang natural na moisturizer. Ngunit kinakailangan parin ang ibayong pagiingat at huwag agarang magpapadala sa mga nagbebenta ng mga natural at organic products dahil mayroong mga pagkakataon na peke ang ilan sa mga ito. Kinakailangan na manaliksik muna ng mabuti bago gumamit ng kahit na anong klase ng produkto. Maari mo ring dalawain ng website ng Environmental Working Group upang makita ang listahan ng mga ligtas at totoong mga natural na produkto na maaring mabili sa merkado.

  • Madalas na pagiging aktibo sa mga pisikal na gawain 

Ang madalas na pageehersisyo tuwing umaga o ang pagiging aktibo sa mga pisikal na gawain at trabaho ay maaring makatulong upang mahugis ang iyong katawan. Ayon sa Department of Health and Human Services, ang mahigit kumulang na 75 na minuto na matinding aerobic activity sa loob ng isang linggo o kahit 150 na minuto bawat linggo ay isang moderate na aerobic activity at ang strength training ng mahigit dalawang (2) beses sa isang linggo ay talagang makakapagbigay ng malaking tulong upang matanggal ang lahat ng mga sobrang taba sa katawan.

  • Pagbibigay ng tama at wastong antas ng Vitamin D sa katawan

Ang sinasabi na pinakamagandang antas ng Vitamin D ay nasa pagitan ng 50 hanggang 75. Kung kilang ay maari ka pang gumamit ng mga supplements na mayroong Vitamin D3. Ito ay dahil ang ilan sa mga klase ng bitamina ay mayroong kakayahan na mapalakas ang immune system upang malabanan nito ang iba’t ibang klase ng mga sakit. Ipinapakita rin ng ilang pagaaral na ang mga babae na nabuhay sa sakit na ito ay mayroong wastong antas ng vitamin D sa kanilang katawan.

  • Pagbawas sa paginom ng alak 

Ang paginom ng kahit dalawang bote lamang ng alak sa loob ng isang araw ay maaring makapagpataas ng tsansa na magkaroon ng breast cancer ang isang babae na nasa 21%. Kaya’t isipin mo na lang kung paano kung sobra pa sa dalawang bote ang alak na iyong iinumin sa loob ng isang araw.

You may also like...