Mga magandang nagagawa ng tanglad sa ating katawan kapag kinain natin ito

Ang artikel na ito ay mayroong kagustuhan na makapagbigay at makapagbahagi ng mga kaalam sa kung paano ninyo mabibigyan ng lunas ang napakaraming uri ng sakit kagaya na lamang ng prostate cancer at diabetes sa tulong lamang ng isang nakamamanghang halaman na mayroong berde na kulay. Madalas itong gamitin sa kusina at nababalewala, ngunit ito ang magiging bida sa artikel na ito. Aming ibabahagi sa inyo ang mga health benefits na inyong maaring makuha mula sa pagkain na ito.

Ang teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay naging mahalaga at talagang makahulugan pagdating sa paggamot ng napakadaming uri ng mga sakit at karamdaman. Dahil dyan, ang ilan sa mga tao ay walang kakayahan upang mabayaran ang ganitong klase ng paggamot sapagkat ito ay talagang mahal at bihira lamang ang may kakayahan upang mabayaran ito. Mabuti na lamang at mayroong mga natural na panlunas na maaring gamitin ng mga tao upang mabigyan ng lunas ang mga sakit na nararanasan ng katawan at ang isa dito ay kilala bilang tanglad o nettle sa ingles.

Ang nettle ay kilala bilang isang berde at madahon na uri ng halaman na siyang parte o nabibilang sa pamilya ng Urticaceae. Ang halaman na ito ay nahahati pa sa mga subspecies, ang lima sa mga ito ay nagtataglay ng iba’t iang klase ng mga trichomes, na kilala bilang isang nakakatusok at manipis na hibla ng mga buhok na siyang makikita sa mga dahon at tangkay nito na kaparehas ng hypodermic needles. Ang tanglad ay maari ring magamit sa iba’t ibang bagay kagaya na lamang ng pagiging panlunas nito, maari rin itong kainin at ito ay nagtataglay ng mayamang antas ng fiber.

Ang tanglay ay madalas na ginagamit ng mga tao bilang isang alternatibo at natural na panlunas sa mga sakit na nararamdaman ng katawan. Ang ilan pa nga sa mga pagaaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mananaliksik ay nagpapakita na ang nettle ay sobrang mabisa sa paglaban sa kahit na anong uri ng mga allergies na madalas nararanasan ng mga tao. Hindi katulad ng mga antihistamine, decongestant at kahit ng mga bakuna, ang tanglad ay mayroong kakaibang klase na kakayahan na lubos at tuluyang makapagbigay ng kaginhawaan sa mga tao na mayroong alerhiya at ang maganda pa sa gamot na ito ay hindi ito nagtataglay ng kahit na anong uri ng side effects na siyang makakasama sa kondisyon. Ang ilan kasi sa mga gamot na maaring mabili sa mga drugstores ay kadalasang nagtataglay ng mga side effects o maaring mas mapalala ang sitwasyon. Ang nettle ay talagang ligtas at maaring gamitin ng kahit na sino, kinakailangan nga lang na tama ang paggamit dito at hindi sobra.

Bukod sa pagiging gamot nito para sa mga allergies, ang tanglad ay mayroon ding kakayahan upang makatulong sa pagbibigay ng lunas sa iba pang mga katamtamang mga sakit o kahit pa ang mga malulubha na. Kagaya nga ng aming sinabi kanina, ibabahagi namin sa inyo ang ilan sa mga pakinabang na maari ninyong makuha mula sa tanglad at narito na ang ilan sa mga ito:

  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang pagkakaroon ng dandruff at maging ang paglabas ng buhok.
  • Ito ay maaring gamitin bilang panlaban sa mga sintomas ng parehong rayuma at gout.
  • Ito ay nakakapagpadami ng gatas mula sa suso ng ina.
  • Ito ay mayroong kakayahan na malising ang dugo ng tao.
  • Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang mga bato sa loob ng kidney.
  • Ito ay nagtataglay ng antibacterial na katangian na siyang nakatutulong upang mas mapalakas pa ang immune system at malabanan ang iba’t ibang uri ng mga sakit.
  • Ito ay mayroong kakayahan na mabawasan ang mataas na antas ng blood sugar.
  • Ito rin ay nakatutulong upang malinis o tuluyang matanggal ang mga toxins na nasa loob ng katawan.
  • Ito ay nakakapagbigay ng kakayahan sa katawan upang maiwasan o mabawasan ang mga impeksyon na mula sa kidney at maging sa daluyan ng ihi.
  • Ito ay mayroong kakayahan upang mas mapabuti ang sirkulasyon ng dugo.
  • Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng maayos na pagtubo o paghaba ng buhok at maging ng kuko sa mga daliri.
  • Ito ay maaring magamit upang maiwasan ang iron deficiency na siyang maaring magdulot ng sakit na anemia.
  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang hemorrhoids.
  • Ito ay nakatutulong upang mas mapaganda ang pagtakbo ng mga kidneys ng isang tao.
  • Ito rin ay mayroong kakayahan na tanggalin ang mga nabuong sipon o uhog sa daluyan ng hangin.

Paano ka makakagawa ng isang inumin sa tulong lamang ng tanglad?

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang makagawa ng isang inumin na siyang nagmula sa tanglad. Kinakailangan mo lamang putulin ang mga dahon nito sa maliliit at pinong piraso. Pagkatapos ay ilagay moa ng isang kutsara nito sa isang tasa na mayroong laman na 200 milliliters ng mainit na tubig. Takpan mo pansamantala ang tasa at pabayaan mo lamang ito sa loob ng ilang minuto upang tuluyang lumamig. Salain mo ang tubig pagkatapos at maari mo na itong inumin.

Maari mong inumin ang ginawa mong resipe na ito gamit ang tanglad at maari mo ring ihalo ang berdeng halaman na ito sa ilang mga pagkain kagaya na lamang ng salads, sa mga sopas at maari ka ring gumawa ng mga smoothie o shake na ito ang gamit na sangkap.

Upang mabigyan ng isang epektibo at mabisang lunas ang iyong allergy, sugat, burns o maging ang ilan pang problema na siyang konektado sa balat at prostate, maari mong direktang inumin o gamitin ang dahol ng tanglad sa mga apektadong bahagi ng iyong katawan. Ngunit bago mo ito gawin, maari ka ring kumonsulta sa iyong doktor kung maari ba ito para sayo upang maiwasan ang mas malalang kondisyon o hindi inaasahan na pangyayari. Ang paggamit sa halaman na ito ay hindi nagtataglay ng kahit na anong negatibong epekto para sa iyong kalusugan, ngunit ang sobrang paggamit nito ay maaring magdulot ng side effects kaya nararapat lamang na balanse lang ang pagamit sa tanglad.

Maari mong ibahagi ang artikel na ito sa iyong mga kaibigan, mga mahal sa buhay at iba pang kakilala upang matulungan din sila sa ganitong klase ng problema at mas mapalakas pa ang kanilang katawan sa tulong ng tanglad.

You may also like...