Mga masasamang kemikal na pumapasok sa katawan natin kapag naninigarilyo tayo

Alam naman ng halos lahat ng tao na ang paninigarilyo ay wala talagang maidudulot na kahit na anong maganda para sa kalusugan ng tao at ito pa ang madalas na dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit ang ilan sa kanila. Ito ay isang uri ng bisyo na madalas na ginagawa ng parehas na kababaihan at kalalakihan sa kahit na anong edad. Ang bisyo na ito rin ay isa sa mga mahirap na pigilan ng bisyo dahil kapag ito ay nasubukan mo ng gawin ay hahanap hanapin na ito ng iyong katawan kaya paulit ulit mo na itong gagawin sa pang araw araw.

Sa kabilang banda, ang tobacco related deaths o ang mga pagkamatay na mayroong kaugnayan sa paninigarilyo ay masasabi pa rin na madaling mapipigilan ng dahil sa pagkamatay ng isang tao na siyang nagmula pa sa bansa ng United States. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, mayroong mahigit kumulang 484,000 na bilang ng mga Amerikano ang siyang namamatay ng dahil sa paninigarilyo sa bawat taon.

Ayon naman sa Medical Daily, mayroong mahigit kumulang 3,200 na bilang ng mga Amerikano na nasa edad na labing walo (18) at pababa ang siyang sumisindi ng kanilang kauna unahang sigarilyo sa bawat araw na nagdaraan. Kung isa ka sa mga tao na siyang naninigarilyo ay baka sakailang magbago ang iyong isip kung malalaman moa ng katotohanan patungkol sa bisyo na ito at baka biglaan mo na lamang itong itigil at hindi na muling gawin pa.

Ang SmokerFreeForsythe.org ay nagbigay ng isang graph na iyong matatagpuan sa baba na siyang nagpapakita ang lahat ng sangkap na siyang ginagamit upang makagawa ng isang pirasong sigarilyo. Ang mga pangalan na kagaya na lamang ng hexamine, stearic acid at cadmium ay maaring walang kahulugan dahil ito ay hindi pamilyar para sa iyo ngunit kung makikita mo ang mga imahe at mga impormasyon na patungkol dito na amin ding ipapakita sa ibaba ay malalaman mo kung ano ba talaga ang mga ito at baka ito ang maging dahilan kung bakit ititigil mo na ang paninigarilyo sa lalong madaling panahon.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang katotohanan na siyang madalas na itinatago sa inyo ng bisyo na paninigarilyo. At sa mga impormasyon na ito ay baka itigil mo na ng tuluyan ang iyong paghithit ng sigarilyo sa pang araw araw sa lalong madaling panahon.

Ang sigarilyo ay nagtataglay ng laman na siyang tinatawag na cadmium na maari mo ring makita sa mga bateyra o batteries sa ingles, at maging sa butane sa lighter fluid, methanse sa sewer gas at maging sa arsenic na isang uri ng lason. Ito rin ay nagtataglay ng ammonia na siyang madalas na makikita sa mga gamit na kagaya na lamang ng toilet cleaner, methanol sa mga rocket fuel, hexamine sa mga barbecue lighters at sa stearic acid na siyang makikita sa mga candle wax. Talaga ngang nakakadiri at hindi kaaya aya ang mga sangkap na siyang gawa ang sigarilyo at kung saan pa ginagamit ang mga ito.

Kung isa ka sa mga tinatawag na chronic smoker o yung mga tao na sindi ng sindi ng sagarilyo kahit na kakatapos lamang niyang maubos ang isa pang sigarilyo at hindi ka talaga nakukumbinsi na tumigil ng tuluyan sa ganitong uri ng bisyo na ito sa tulong ng diagram na aming ibinahagi sa inyo, kung maari ay magpatuloy ka lamang sa pagbabasa sa artikel na ito dahil mayroon pa kaming ibang bagay na ibabahagi sa inyo na dapat niyo talagang malaman at baka maari pang mabago ang iyong isipan patungkol sa pagpapatuloy sa bisyo na ito.

Kung nais mo pa ng ilang mga karagdagang dahilan kung bakit mo na talaga dapat itigil ang bisyo na ito, dapat mong malaman kung gaano maaring kabilis na makakarekober ang iyong katawan mula sa iyong pagtigil sa paninigarilyo. Ipinaliwanag ng The American Cancer Society na sa pagkalipas lamang ng dalawampung (20) minuto pagkatapos mong manigarilyo ay maaring bumaba ang pareho mong heart rate at blood pressure. Ito ay maaring makapagdulot ng malaking pagbabago para sa iyong katawan.

Pagkalipas naman ng dalawang (2) linggo, magiging mabuti na ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan at mas magiging mabuti na rin ang kalagayan at kalusugan ng iyong baga. Pagkalipas naman ng mahigit kumulang na isang (1) taon pagkatapos mong tigilan ang iyong bisyo na paninigarilyo ay mababawasan na ang iyong tiyansa na pagkakaroon ng sakit sa puso.

Sa kabilang banda, mayroon ding ilang mga maagang pagbabago na siyang madali mo lamang na mapapansin sa paglipas ng panahon. Ang pagkain na iyong kakainin ay paunti unti mo ng malalasahan at ang mga ito ay mas magiging masarap na para sa iyo, ang iyong paghinga ay mas gagaaan at mas giginhawa, ang iyong mga buhok at maging ang iyong mga dumi ay magkakaroon na rin ng konting pagbabago at mas magiging maayos ang amoy nito, ang iyong mga ngipin at mga kuko ay siya na ring magbabago, ang dating dilaw ay paunti unti na ring mamumuti. Hindi ito magiging madali sa umpisa at talagang mahihirapan ka lalo na at nasanay ang iyong katawan sa paninigarilyo, ngunit ang pakinabahang naman na maidudulot nito para sa iyong kalusugan ay talagang marami at nakakabuti para sa iyo. Mas magiging mabuti na rin ang iyong pisikal na kaanyuan at ang pakiramdam mo ay talagang gagaan. Higit pa sa lahat ng mga iyan ay mas hahaba na rin ang iyong buhay at hindi na mas mababawasan pa ng dahil sa bisyo na ito.

Kasabay ng iyong pagpigil sa iyong bisyo ay ang pamumuhay mo ng isang malusog at masagang buhay. Simulan mo na rin ang pagkain ng mag masusustansiyang mga pagkain kagaya na lamang ng mga prutas at gulay. Maari ka ring sumubok ng ilang mga ehersisyo at regular mo itong gawin sa pang araw araw. Matulog ka na rin ng nasa tamang oras at uminom ng nirerekomendang baso ng tubig. Hindi madali ang pagaalis sa isang bagay na siyang nakasanayan mo ng gawin, ngunit ang pagdedesisyon na gawin ito ay talagang makapagdudulot ng pagbabago para sa iyo. Ibahagi mo rin ang artikel na ito sa iyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay upang tuluyan na rin nilang wakasan ang kanilang paninigarilyo.

You may also like...