Mga naitutulong ng saging na saba na dapat malaman nating lahat

Ang saging ay isa sa mga karaniwang kinakain ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas, kung hind imaging saan mang sulok ng mundo. Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang saging ay mayroong iba’t ibang uri at iba’t ibang katawagan at ang lahat ng mga ito ay nagtataglay ng mga sustansiya na siyang makakatulong para sa katawan ng tao.

Ayon sa isang survey na siyang isinagawa ng mga mananaliksik, ang saging daw ang pinakamadalas na kainin ng prutas ng mga tao sa bawat taon kung ikukumpara sa iba pang sariwang prutas na maaring kainin. Hindi naman talaga nakakapagtaka ang bagay na ito dahil bukod sa madali lamang sila matagpuan sa mga magugubat na lugar, madali lang din sila makuha at madali lang bitbitin at kainin.

Bukod pa sa mga dahilan na nasabi, ang saging ay nagtataglay din ng napakaraming bilang ng mga kalusugan na hatid para sa katawan ng tao, lalong lalo na ang uri nito na siyang kilala bilang cardava bananas o “saba banana” na siyang kilala sa Pilipinas.

Ang uri ng saging na ito ay madalas lutuin ng mga Pilipino bago nila ito tuluyang kainin, pero ayon sa DMAM, maliit lamang ang sustansiya na siyang nakukuha ng tao kapag ito ay niluluto dahil nawawala halos lahat ng mga nutrisyon na taglay nito kapag ito ay napakuluan sa mainit na tubig.

Sa artikel na ito, aming ipapakita at ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga pakinabang at benepisyo para sa inyong kalusugan na inyong maaring makuha mula sa pagkain ng saba ng saging ng madalas. Kaya’t ano pa ang inyong hinihintay? Ituloy mo lang ang pagbabasa sa artikel na ito upang malaman mo ang dahilan kung bakit nararapat ka lamang kumain ng saging na saba.

Narito ang mga pakinabang na siyang makukuha mula sa pagkonsumo ng saging na saba para sa kalusugan:

  • Ito ay maaring gamitin bilang lunas para sa sakit na ulcer

Ang saging na saba ay mayroong kakayahan na makatulong sa pagbabawas ng acidity na mayroon ang bituka ng katawan upang mawala ang iritasyon at ang sakit na nararamadaman mula sa digestive system at upang mas maging masigla ang lamang loob sa pamamagitan ng pagiwan ng isang uri ng protective coating sa inner walls na mayroon ito. Kung isa ka sa mga tao na siyang madalas na nakararanas ng heartburn, ang saging na saba ay maari mong kainin bilang isang natural na antacid upang matulungan kang mapaginhawa ang iyong pakiramdam.

  • Ito ay maaring pagkuhaan ng mga bitamina, mineral at maging enerhiya 

Kung ikaw ay madalas na mapagod ng dahil sa iyong pang araw araw na aktibidad na ginagawa ay maari kang kumain ng halos dalawang (2) piraso ng saging at tiyak na manunumbalik ang enerhiya mo sa hindi inaasahang paraan. Ito ay nagtataglay ng kakaibang bisa na maari mo itong gawing pamalit sa iyong kape na siyang madalas inumin tuwing umaga. Kaya’t kung ikaw ay nakakaraman ng pagkapagod, siguraduhin mo lamang na mayroon kang baon na saging sa iyong bag.

  • Ito ay mayroong kakayahan na matulungan kang matigil ang paninigarilyo 

Isa ka ba sa mga tao na nahihirapang pigilan ang kanilang sarili na magawa ang ganitong klase ng bisyo at tuluyan ng alisin ito sa kanilang buhay? Ang saging ng saba ay maaring makatulong sa mga ganitong klase ng sitwasyon sapagkat ito ay nagtataglay ng mga B vitamins at iba pang klase ng mga mineral na mayroong kakayahan na mabawasan ang epekto ng nicotine na nagdudulot ng negatibong bagay sa katawan ng tao. Ang Vitamin B6 na siyang taglay nito ay maari ring makatulong upang mabawasan ang menstrual pains na siyang nararanasan ng mga kababaihan at upang makontrol din ang temperature ng mga buntis na babae.

  • Ito ay maaring makatulong upang maging maayos ang circulatory system

Ang prutas na ito ay sinasabing nagtataglay ng mayamang amount ng potassium na siyang dahilan kung bakit ito ay mabisa na gamitin upang makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng circulatory system ng katawan at upang mabigyan din ng wastong antas ng oxygen ang utak upang mapanatili nito ang tamang bilis ng pagtibok ng puso at ang tamang level ng tubig na kinakailangan ng katawan upang maiwasan ang dehydration. Ang saba na saging ay epektibo ring gamitin sa pagkontrol ng blood pressure upang maiwasan ang stroke na maaring mangyari sa mga taong may hypertension.

  • Ito ay may kakayahan na mabawasan o matanggal ang hangover

Napakaraming bilang ng mga tao ang siyang nararanasan ng matinding hangover sa umaga sa kanilang paggising ng dahil maraming alak na siyang nainom noong nakaraang gabi. Mabuti na lamang dahil ang saging na saba ay maaring mapagkuhaan ng napakaraming bilang ng mga bitamin na siyang may kakayahan upang makatulong sa katawan at upang mabawasan din ang epekto na siyang naidudulot ng hangover.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mapigilan o malunasan ang constipation

Ang saging ng saba ay nagtataglay ng mayamang antas ng fiber kaya ito ay sinasabing mabisa para sa problema na mayroon ang tiyan, kagaya na lamang ng pagtatae at hindi mo na kinakailangan pang magdusa mula sa diarrhea dahil ito rin ay maaring gamitin bilang natural na gamot. Ang kinakailangan mo lamang gawin ay kainin ang isa (1) o dalawang (2) piraso nito at magugulat ka na lamang sa epekto na magagawa nito para sa iyong katawan.

Ang saging na saba ay madalas inaayawan ng mga tao, lalong lalo na ng mga kabataan ngunit dahil sa mga benepisyo na taglay nito, kagaya na lamang ng aming ibinahagi sa inyo mula sa itaas ay sapat na mga dahilan upang simula ngayon ay simulan mo na ang pagkain sa uri ng saging na ito. Maliit man ito, nagtataglay naman ito ng napakaraming bilang ng benepisyo at mga sustansiya na higit pa sa iyong inaakala kaya wag mong babalewalain kung ano ang magagawa ng uri ng saging na ito. Dalasan mo ang pagkain nito sa isang araw upang mas maging epektibo at magugulat ka na lamang sa tulong na magagawa nito para sa iyong katawan at pangkalahatang kalusugan. Sabayan mo pa ito ng iba pang klase ng mga masusustansiyang pagkain katulad na lamang ng iba pang mga prutas at maging ng mga gulay.

You may also like...