Mga nakakagulat na mga dahilan kung bakit dapat tayong mag kalat ng asin sa bahay natin

Marami ang bilang ng mga tao ang siyang hindi naniniwala na ang asin ay maaring gamitin bilang pang linis ng kanilang bahay. Sa katunayan, ito ay ginagamit na noon pa man, ilang daang taon na ang nakalipas. Madalas nila itong ginagamit upang malinis at matanggal ang mga bacteria sa mga kagamitan na kanilang karaniwang ginagamit sa loob ng bahay at ang isa pang bagay na siyang maganda rito ay ang hindi pagtataglay nito ng kahit na anong klase ng toxic effect para sa kalusugan ng tao.

Mabuti na lamang at ang asin ay talagang nakakatulong para sa tao sapagkat ito ay mabibili lamang sa napakamurang halaga at hindi mo na kakailanganin pang gumastos ng malaki. Maari mo rin itong makita sa kahit na anong tindahan at malapit na supermarket stores sa inyo. Ito rin ay mas mabisa na gamitin kaysa sa mga nakasanayan ng gamit ng mga tao na panlinis na madalas na nagtataglay ng mga nakalalason na kemikal.

Ang artikel na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mga dahilan kung bakit mo ba dapat gamitin ang asin sa loob ng inyong bahay at maging ang mga benepisyo na inyong maaring makuha mula rito. Ano pa baa ng hinihintay mo? Bumili ka na ng asin at alamin ang magandang bahay na iyong makukuha mula rito.

Narito na ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat mong gamitin ang asin sa loob ng iyong bahay:

  • Ito ay maaring gamitin bilang isang natural na polisher ng copper, silver at maging ng brass.

Ang mga bagay na katulad ng silver, brass at copper ay unti unting mawawalan ng kintab at kulay sa paglipas ng panahon, lalong lalo na kung ang mga ito ay napabayaan sa isang sulok sa loob ng iyong kwarto. Upang mapanumbalik ang dati nitong kulay at kintab at magmukha muli itong bago ay maari mong gamitin ang asin para magawa ang bagay na ito. Kinakailangan mo lamang itong ihalo sa apple cider vinegar. Pagkatapos ay maari mo na itong ipahid sa iyong mga alahas o ano mang kasangkapan na siyang gawa sa silver, copper at brass hanggang mapansin mo na ang panunumbalik ng dati nitong anyo. Maari rin nitong matanggal ang mga dumi na siyang kumapit sa mga kagamitan na ito.

  • Ito ay nagtataglay ng kakayahan na mapigilan ang pagkalat ng langgam

Kung isa ka sa mga tao na siyang madalas na naiinis ng dahil sa sobrang dami ng hanay ng langgan na siyang nakikita mo sa iyong bintana, pinto, cabinet at kung saan saan pa mang sulok ng inyong bahay, ay maari ka lamang maglagay ng kakaunting dami ng asin sa mga lugar na ito. Sa paglipas ng oras ay paunti unti sulang mababawasan ng dahil sa antas ng humidity at moisture sa loob ng iyong bahay. Isa ito sa mga epektibong paraan upang mawala ang mga nakakainis na insekto na ito.

  • Ito ay maari mong magamit bilang isang natural na cleaning agent para sa bintana ng pareho mong bahay at kotse 

Kinakailangan mo lamang na ihalo ang dalawang kutsarita ng asin sa mahigit kumulang isang gallon ng mainit na tubig. Paghaluin mo ang mga ito ng mabuti at maari mo na itong magamit bilang panglinis sa bintana ng iyong kotse at maging sa loob ng iyong bahay. Ito ay mayroong kakayahan na mabilis na maalis ang mga mantsa na iyong makikita. Ang epekto rin nito ay maaring tumagal at lubusang mawala.

  • Ito ay magagamit mo upang mapakintab muli ang inyong sink drains

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng wastong dami ng asin sa isang mainit na tubig at paghuluin mo ng mabuti ang mga ito bago mo tuluyang gamitin sa loob ng inyong kusina o bathroom sink. Ito ay mayroong kakayahan na lusawin ang pagkabuo ng grease na siyang dahilan kung bakit ito madalas na nagbabara at maari rin nitong matanggal ang taglay nitong mabaho at masamang amoy.

  • Ito ay maaring makatulong upang malunasan ang pananakit ng iyong ngipin 

Kung isa ka sa mga tao na siyang madalas na nakararanas ng pananakit ng ngipin at bunganga, maari mong magamit at mapakinabangan ang asin bilang isang mabisang panlunas at pang tanggal ng sakit. Kinakailangan mo lamang itong ipaghalo ang tamang dami nito sa isang baso ng mainit na tubig. Maghintay ka lamang ng ilang minuto hanggang sa tuluyang malusaw ang asin dito bago mo gamitin bilang mouthwash o pangmumog. Magugulat ka na lamang dahil mabilis lang ang epekto nito at giginhawa kaagad ang iyong pakiramdam.

  • Ito ay makatutulong upang magmukhang bata ang iyong balat 

Madali lamang ang kinakailangan mong gawin para rito. Ipaghalo mo lamang ang parehong asin at lavender essential oil o olive oil. Pagkatapos ay maari mo na itong gamitin para sa iyong katawan. Maghintay ka lamang ng ilang sandal bago mo ito tuluyang hugasan sa tulong ng maligamgam na tubig. Ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng mabilis at mabisang exfoliation ng dahil sa asin. Bukod pa riyan, ang balat mo rin ay mas magmumukhang bata, makinis at masigla.

  • Ito ay mabisang gamit upang mas mapaganda ang resulta ng paglalaba ng iyong mga damit 

Upang hindi masyadong lumiit ang iyong mga damit sa tuwing ito ay iyong nilalabhan, maari mong dagdagan ng kakaunting amount ng asin ang tubig na siyang nasa loob ng washing machine. Makikita mo lamang ang epekto nito kapag ang mga damit ay pinapatuyo mo na sa ilalim ng araw.

  • Ito ay mayroong kakayahan na maibalik ang dating kulay ng alpombra at kurtina 

Kung isa ka sa napakaraming bilang ng mga tao na siyang mayroong kagustuhan na maibalik ang dating kulay ng kanilang mga kurtina at alpombra sa loob ng kanilang bahay ay kinakailangan niyo lamang gamitin ang isang salt-based solution upang magawa ito. Maari mong makita kaagad ang resulta nito sa isang laba lamang. Ilagay moa ng isang damit o tela sa concentrated water. Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay maari mo ng gamitin ang kapirasong tela na ito upang ipahid sa inyong carpets, kurtina at alpombra sa loob ng inyong tahanan. Ito ay mayroong kakayahan na tuluyang matanggal at maalis ang mga dum at maging ang mga mantsa na siyang hindi kayang alisin ng mga pangkaraniwang cleaning agents lamang.

  • Ito ay maari mong magamit upang mas mapaputi ang iyong ngipin at mas mapanatili ang kalusugan ng iyong bibig 

Kinakailangan mo lamang gumamit ng pinaghalong baking soda at asin upang makagawa ng isang epektibong solusyon na siyang maari mong gamitin para makatulong sa pagpapaputi ng iyong mga ngipin at mapanatili ang kalusugan ng iyong bibig. Maari mo rin itong gamitin sa kahit na anong paraan na iyong gusto, ihalo sa iyong toothbrush o bilang mouthwash.

You may also like...