Mga natirang pagkain na hindi dapat iniinit ulit. Lalo na ang no. 1 sa listahan na ito

Tuwing may okasyon kagaya ng kaarawan, kasal, piyesta, at iba pang kagaya ng mga ito, natural lang na maghanda tayo ng marami upang pagsalu-saluhan ng buong pamilya. Ang iba nga ay nangungumbida pa ng ibang kamag-anak, mga malalapit na kaibigan, at mga kapit-bahay upang makisalo sa kanilang ipinagdiriwang. Sa mga ganitong pagkakataon ay talagang napapalaban si nanay sa pagluluto ng maramiat iba’t ibang putahe. Pero ayos lang naman dahil para naman ito sa kanilang kasiyahan, at marami namang taong kakain nig mga ito kaya hindi sila masasayang.

Sa normal na araw din ng pagluluto ni nanay ng ulam, minsan ay sinosobrahan din niya ang kaniyang nilulutopara siguradong makakakain ang lahat at walang mauubusan. Dahil nga marami ang inihanda, minsan ay marami rin ang natitira at hindi nauubos, pati na rin sa mga handaan. Para sa nakararami, ayos lang ito dahil pwede pa namang itabi ang sobra at saka initin na lamang kapag kakainin na ulit. Karaniwan itong ginagawa ng mga tao sa buong mundo at wala namang masama rito. Sa katunayan nga ay isa pa itong magandang paraan ng hindi pagsasayang ng pagkain. Subalit, hindi lahat ng pagkain ay pwedeng itabi at initin na lamang pagtagal. Ayon sa mga eksperto, mayroon ding mga kapag ininit ay makasasama sa iyong kalusugan.

Marami ang mahilig mag-init ng mga tiring pagkain dahil bukod sa mabilis itong gawin ay convenient pa. Kapag nagmamadali ang isang tao at wala nang panahon na magluto ng maayos ay karaniwang pag-iinit ng pagkain na lamang ang kanilang ginagawa. Ito ay nagaganap sa lahat ng sulok ng mundo, karaniwan itong ginagawa s aaraw araw na pamumuhay ng tao. Ngunit sabi nga ng mga mananaliksik, may mga pagkain na pwedeng initin at mayroon din namang hindi dapat dahil may masamang epekto sila sa atin. Sa artikulong ito ay ipaaalam namin sa inyo kung ano ano ba ang ilan sa mga pagkain na dapat na nating hayaan kung hindi natin sila maubos. Mga pagkain na kailangan nating iwasang itabi, initin, at konsumuhin upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating katawan.

1. Kanin.

Ang kanin ay isang staple food sa bansang Pilipinas.Ibig sabihin, ito ang pangunahing kinakain ng mga Pilipino. May mga pagkakatao sa tanghalian ay hindi natin naubos ang kanin kaya naman itinatabi natin ito para makain pa natin sa gabi o sa susunod na araw. Kapag sumapit na ang mga panahong ito ay may mga muling nag-iinit ng kanin, na isang mapanganib na gawain para sa kalusugan.

Ang bigas, kapag sinaing upang maging kanin,  aynagkakaroon ng mga spores na pwedeng pamahayan ng mga bacteria. Kung itatabi ito sa mainit na kapiligiran ay mas dadami ang mga spores na ito at mas dadami ang bacteria. Kaya naman, kapag muling ininit ang kanin ay mas lalong madadagdagan pa ang mga pores, na kapag nakain ay posobleng magdulot ng iba’t ibang problema sa digestive system. Kung may natira kayong kanin at gusto niyo itong itabi, ilagay niyo na lamang ito sa refrigerator upang maiwasan ang pagdami ng mga bacteria.

2. Vegetable Oil.

Ang mga tirang pagkain na may vegetable oil ay hindi dapat initin dahil mayroon itong masamang maidudulot sa kalusugan ng puso. Kapag kasi ininit ang polyunsaturated oils, na mayroong taglay na linoleic acid tulad ng sunflower oil atcorn oil, maglalabas ito sa isang compound na tinatawag na HNE. Ito ay isang mapanganib na toxin na posibleng maging dahilan ng pagkakaroon ng isang tao ng Alzheimer”s disease, cancer.

Isa pa ay magpapadami rin nito ang fat at cholesterol content ng pagkaing may vegetable oil. Alam naman natin na agn cholesterol ay bumabara sa mga blood vessel at dahil dito kaya tumataas ang blood pressure ng isang tao at nagkaka-hypertension. Kaya naman, makabubuti kung wag na lamang initin ang mga pagkaing ito upang makaiwas sa mga cardiovascular diseases tulad ng stroke at heart attack.

3. Mga Gulay.

Ito ang isa sa mga pinakadapat iwasan na initin dahil hindi lamang basta mga karamdaman ang kayang idulot nito kundi maging ang pagkalagot ng hininga. Ang mga green, leafy vegetables tulad na lamang ng letus, spinach, beets, at kinchay ay mayroong mataas na level ng nitrates. Isa itong compound na kapag na-expose sa init ay maaaring maglabas ng toxins na makakasama sa kalusugan.  Napatunay na ng mga mananaliksik na kapag nakain ng mga bata ang mga ininit na mga gulay na ito ay maaari silang makaranas ng seizure, sobrang pagkapagod o fatigue, at hirap sa paghinga. Ang mga ito ay sintomas ng isang uring sakit sa dugo na kilala sa tawag na methemoglobinemia.

Kung gusto mong itabi ang mga gulay upang kainin kinalaunan ay dapat itong ilagay na lamang sa refrigerator. Ayon sa rekomendasyon ng Center for Food Safety, makabubuti kung ilalagay ang mga tirang gulay sa isang lugar otaguan na -4C ang temperature.

4. Manok.

Ang manok ay isa sa mga pinakapaboritong ulam ng marami. Kahit ito pa ay simpleng pritong manok lang o iba pang lutuin ng manok, gustong gusto ito ng maraming tao. Masustansya ito at nagbibigay ng enerhiya sa katawan dahil sa taglaynitong protina. Subalit, kapag ang tirang manok aymuling ininit, ang taglay nitong protina ay magiging delikado na sa kalusugan.

Maaari mo lamang initin ang manok kung tanging ang labas na bahagi nito lamang ang lumamig at mainit pa rin ang loob. Dapat matawagan ng pansin ang mga mahilig gumamit ng microwave oven na kadalasan ayhindi pantay ang pagluluto sa mga bahagi ng manok. Tandaan din na paglipas ng dalawang araw mula nang iluto ang manok ay hindi na ito pwedeng kainin dahil makasasama na ito sa kalusugan.

Minsan talaga ay hindi maiiwasan na magkaroon ng tira sa mga pagkain. May mga pagkakataon pa na sinasadya nating magtira dahil masarap ang ulam at gusto pa natin itong kainin sa susunod na pagkakataon. Subalit, bago natin gawin ito ay dapat makasiguro muna tayo na ligtas initin ang pagkain upang hindi magdusa ang ating kalusugan. Ooo at masarap kumain, subalit mas masaarap ito kung hindi natin naiko-kompromiso an gating kapakanan. Ibahagi ang kaalamang ito sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay!

You may also like...