Mga natural at epektibo na pang alis sa warts, dark spots, blackheads at skin tags

Napakaraming bilang ng mga tao ang nakakaranas ng pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng mga problema sa balat kagaya na lamang ng moles, warts, skin tags at maging mga dark spots sa pang araw araw. Mayroong mga pagkakataon na kung saan hindi madali ang pagalis sa mga ito at sadyang hindi ito nagkapagbibigay ng magandang imahe para sa atin. Dahil sa mga ito, madalas sa mga tao, lalo na sa mga kababaihan ang nawawalan ng tiwala sa kanilang sarili dahil sa kanilang panlabas na itsura na siyang madalas tinitignan ng mga tao sa nakapaligid sa kanila.

Mabuti na lamang at mayroong iba’t ibang klase ng mga pamamaraan upang malunasan ang problema na ito. Narito ang ilan sa mga natural na pamamaraan na maari mong gawin upang magawan ng paraan ang mga problema sa balat na mayroon ka.

1. Isa ka ba sa mga taong nahihirapan ng dahil sa warts o kilala bilang kulugo?

Alam mo ba na ang dahilan sa kabila ng pamumuo ng warts ay mga viruses lalo na ang klase ng virus na siya pang nagmula sa Human Papillomavirus family? Ito ay mayroong kakayahan na tumagal ng ilang linggo at kaya rin nitong abutin ng ilang buwan depende sa sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga bagay na maari mong gawin upang tuluyan ng matanggal ang warts o kulugo sa iyong katawan:

  • Apple Cider Vinegar

Ang ACV o tinatawag din bilang Apple Cider Vinegar ay lubhang sikat sapagkat ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa dahil sa anti-inflammatory na katangian nito at dahil sa katangian niyang ito, mas napapadali at nagiging mabisa ito bilang panlunas sa mga kulugo na siyang tumutubo sa iyong katawan. Kakailanganin mo lamang na hugasan ang apektadong parte ng iyong balat na siyang kinalalagyan ng kulugo at pagkatapos ay maglagay ka ng cotton ball na siya ring ibinabad sa ACV at gamitin mo ito upang takpan ito sa tulong ng isang bandage. Hayaan mo ito sa loob ng bente kwatro (24) oras at dapat mo rin itong palitan sa pang araw araw. Huwag mong kalilimutan na hugasan ang parting ito ng mabuti bago pa man gamitin ang klase ng paraan na ito.

  • Garlic o Bawang

Ang bawang ay nagtataglay ng isang malakas na anti-inflammatory at antibacterial na katangian. Kakailanganin mo lamang na masahin ang kakaunting halaga ng garlic juice at gamitin mo ito para sa iyong mga kulugo bago takpan sa tulong ng band aid o ng bandage. Linisin ang parte na pinaglagyan mo nito pagkatapos sapagkat nagtatagalay ng matapang at hindi kagandahang amoy ang bawang.

  • Duct Tape

Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay maglagay ng kakaunting piraso ng duct tape sa mga kulugo sa iyong katawan. Patuloy mo lamang itong gawin sa loob ng anim (6) na araw at madalas mo ring palitan ang duct tape kung kinakailangan. Pagkalipas ng anim (6) na magkakasunod na araw ay ibabad mo ang iyong mga kulugo sa tubig at kuskusin mo ito gamit ang emery board o ang isang (1) pumice stone. Kinabukasan, maglagay ka muli ng panibagong duct tape at ulitin mo lamang ang proseso na ito anim (6) na araw muli sa loob lamang ng dalawang (2) buwan.

  • Banana o Saging

Maraming tao ang hindi nakakaalam nito ngunit lubhang mabisang gamitin ang panloob na parte ng banana peel na siyang mabisa para sa iyong mga kulugo. Mas magiging mabisa pa ito kung ilalagay mo ito sa mga apektadong parte ng iyong katawan at kung tatalian mo ito sa tulong isang duct tape at pababayaan sa loob ng magdamag. Maari mo rin itong ulitin hanggang sa makakita ka na ng magandang resulta.

  • Pure Raw Honey

Mas magiging mabisa at maganda ang resulta kung ang iyong gagamitin sa proseso na ito ay ang organic Manuka honey na siyang gawa at nagmula sa New Zealand. Mabisa itong gamitin para sa mga warts dahil nagtataglay ito ng antibacterial at anti-inflammatory properties. Takpan mo lamang nag iyong mga kulugo gamit ang makapal na honey at balutan mo ito ng isang (1) piraso ng tela. Pagkalipas ng ilang araw ay palitan moa ng tela at ulitin mong muli ang proseso na ito sa pang araw araw.

2. Isa ka ba sa mga taong nahihirapan ng dahil sa skin tags?

Ang skin tags ay kilala bilang maliliit na bukol na siyang makikita sa balat na kasing laki ng butil ng isang palay. Ito ay kadalasang lumalabas kung saan madalas tumitiklop an gating mga balat. Narito ang ilan sa mga natural na solusyon na maari mong gawin para sa problema na ito:

  • Apple Cider Vinegar

Maglagay lamang ng apple cider vinegar ng dalawang (2) beses sa loob ng isang araw sa parte ng iyong katawan na mayroong skin tag at sa loob lamang ng dalawa (2) hanggang sa apat (4) na linggo ay mawawala na ito ng hindi mo man lang namamalayan.

  • Castor Oil at Baking Soda

Paghaluin mo lamang ang dalawang (2) sangkap na ito hanggang sa sila ay magmasa at gamitin ang paste na siyang nagawa upang ipahid sa mga skin tags sa iyong katawan. Gawin mo ito ng dalawang (2) beses sa pang araw araw hanggang sa tuluyan ka ng makakita ng pagbabago at magandang resulta.

  • Tea Tree Oil

Gamitin lamang ang dalawa (2) hanggang sa tatlong (3) patak ng tea tree oil sa tulong ng isang cotton ball na binasa gamit ang tubig upang ilapat sa skin tags na siyang matatagpuan sa iyong katawan. Ito ay tuluyan ng maglalaho pagkalipas ng dalawang (2) linggo.

3. Isa ka ba sa mga taong nahihirapan ng dahil sa moles?

Kung tutuusin, hindi naman talaga nakakasama sa kalusugan ng moles ngunit hindi magandang tignan kung mayroon kang maraming ganioto sa iyong katawan. Ito ay maiitim at kadalasang kayumanggi na mga marka na siyang maaring pantay o nakataas, makinis o magaspang at may buhok pang taglay kung minsan. Kapag biglaan na lamang na nagiba ang kulay nito, kakailanganin mo ng magpakonsulta sa doktor. Sa kabilang banda, kung normal lamang ito, ay maari mong gamitin ang ilan sa mga natural na pamamaraan na aming ibinahagi sa ibaba bilang panlunas upang tuluyan na silang maalis.

  • Garlic

Kakailanganin mo lamang na maglagay ng dinurog na garlic clove sa iyong mole at balutin mo ito sa tulong ng bandage at hayaan mo ito sa loob ng apat (4) na oras pero mas magiging epektibo at mabisa ito kung iiwanan mo ito ng magdamag.

  • Apple Cider Vinegar

Ibabad mo ang isang (1) piraso ng cotton ball sa apple cider vinegar at ilagay mo ito sa apektadong parte ng iyong katawan. Hayaan mo ito sa loob ng magdamag. Gawin mo muli ang proseso na ito sa loob ng sampung (10) araw.

  • Castor Oil

Sa loob lamang ng isang (1) linggo ay kuskusin mo ang iyong mole sa tulong ng pinaghalong baking soda at ilang patak ng castor oil. Pabayaan mo itong matuyo at ulitin mo lamang muli sa loob ng dalawang (2) beses sa isang (1) araw.

4. Isa ka ba sa mga taong nahihirapan ng dahil sa dark spots?

Ang brown o maiitim na spots na ito ay dulot ng sobrang pagbabad sa ilalim ng araw, pagtanda at maging dahil na rin sa inyong lahi. Narito ang ilan sa mga panlunas na maari mong gawin para sa problema na ito:

  • Lemon

Ihalo mo lamang ang lemon juice sa kakaunting halaga ng tubig at ibabad moa ng isang (1) cotton ball dito. Gamitin mo ito sa mga apektadong parte ng iyong katawan.

  • Aloe Vera

Maglagay lamang ng sariwang Aloe Vera sa iyong mga dark spots at hayaan mo lamang ito sa loob ng kalahating oras. Ulitin mo ang prosesp na ito dalawang (2) beses sa isang araw (1) sa loob ng isang (1) buwan.

  • Sandalwood

Gamitin ang pinaghalong sangkap na ito upang gamitin bilang panlunas sa dark spots: isang (1) kutsarita ng glycerin, dalawang (2) kutsarita ng rose water at dalawang (2) kutsara ng sandalwood paper. Gawin ito ng ilang beses sa loob ng ilang linggo at maari ka ring gumamit ng malamig na tubig upang hugasan ang mga apektadong parte ng katawan.

  • Onion

Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay hiwain ang sibuyas at pagkatapos ay pigain mo ito upang makuha ang kaniyang katas. Maari mo rin itong ilagay sa blender. Magsawsaw ng Q-tip sa nakuhang extract nitp at gamitin sa iyong mga dark spots. Pabayaan mo lamang ito sa loob ng sampu (10) hanggang sa labing limang (15) minuto at pagkatapos ay huagsan mo ito sa tulong ng mainit na tubig.

5. Isa ka ba sa mga taong nahihirapan ng dahil sa clogged o baradong pores?

  • Steaming

Kakailanganin mo munang linisin ng mabuti ang iyong mukha bago mo simulant ang proseso na ito. Kumuha ka lamang ng isang (1) bowl o basin na siyang puno ng mainit na tubig. Umupo ka at yumuko sa bowl na ito at takpan mo ang iyong ulo sa tulong ng tuwalya. Gawin mo ito sa loob lamang ng lima (5) hanggang sampung (10) minuto at maari kang magpahinga kapag masyado ng mainit ang iyong pakiramdam. Pagkatapos gawin nito ay maari kang magrelax sa loob ng ilan pang minuto at sa huli ay gumamit ng apple cider vinegar kasama ang coconut oil bilang moisturizer.

  • Exfoliating

Katulad lamang sa ginawa mo sa steaming, dapat malinis ang iyong mukha bago mo simulant ang proseso na ito. Gamit ang circular motions, dahan dahan mong pahiran ang mga apektadong parte sa iyong mukha. Mag ingat ka lamang sa paligid ng iyong mata dahil manipis lamang ang balat sa parteng ito. Hugasan mo ang iyong mukha sa tulong ng malamig na tubig pagkatapos. Gamitin moa ng coconut oil bilang moisturizer.

  • Sugar Scrub

Upang makagawa ng powder, kakailanganin mong durugin ang mahigit dalawang (2) kutsara ng asukal. Ihalo mo ito sa lemon juice. Pagkatapos ay gamitin mo ang mixture na ito sa iyong mga clogged pores. Hugasan mo ng malamig ang iyong mukha pagkatapos. Gumamit ka ng coconut oil bilang moisturizer sa huli.

You may also like...