Mga sakit na nagagamot ng water lily sa natural na paraan na hindi natin alam

Mayroong iba’t ibang klase ng mga halaman sa mundo. Mayroong mga tumutubo ng pagkataas kagaya na lamang ng mga puno at bamboo, mayroong ding mga gumagapang ang mga vines tulad ng ampalaya. Bukod sa mga ito, may mga halaman din na tinatawag na “shrubs” na kagaya ng bawang at sibuyas na maliliit na nakadikit sa lupa ang mismong halaman, at sa iba’t ibang lugar ay nagkalat ang mga flowering at non-flowering plants, maging ang mga may seeds at wala. Ganito ang mga karaniwang halamang nakkita natin sa lupa, sa lupa lang. Mayroon ding mga kamangha-manghang mga halaman sa tubig.

Isang halimbawa na riyan ay ang “water lily” at “lotus flower”. Mula sa kaniyang pangalan pa lamang ay masasabi na nating ito ay totoong halamang pantubig. Kung ilalarawan natin ang pisikal na kaanyuan nito, ito ay kulay berdeng halaman na pabilog ang hugis. Ang lotus naman ay mga makukulay na bulaklak na maraming petals na mahahaba at medyo patusok ang hugis. Ang mga ito ay mga espesyal na halaman dahil imbis na lupa ay tubig ang pangunahing kailangan nila upang tumubo. Kakaiba rin sila dahil kahit sila ay mga halamang pantubig, hindi sila nakalubog sa ilalim ng tubig bagkus ang lotus ay nasa ibabaw nito at nakataas ng bahagya, habang ang water lily naman ay nakalutang. Kadalasan ay ang water lily ang tinutungtungan ng mga palaka kung sila ay pumupunta sa mga sapa at ilog.

Tunay na kamangha-mangha ang water lily at lotus dahil sa kanilang hindi pangkaranwang mga katangian. Subalit, kung mayroon mang isang bagay na mas dapat nating kabiliban sa mga halamang ito, ito ay ang kanilang iba’t ibang mga benepisyong medikal sa tao. Maaari rin kasi silang maging mga halamang gamot dahil ang water lily at lotus ay punong puno ng mga bitamina B1 at B7, bitamina C, at mineral kagaya na lamang ng calcium, iron, protein, carbohydrates, fibre, carotene, at iba pa. Sa artikulong ito ay iisa-isahin naming sa inyo kung ano mga mabubuting maidudulot ng water lilyat lotus sa ating kalusugan. Ituloy mo lamang ang pagbasa at alamin kung ano ano ang mga ito.

  1. Pang-alis ng Stress. Kung sumasakit na ang iyong ulo dahil sa mga suliranin at sobrang stress ka na, isang mabuting solusyon diyan ang lotus tea. Paano ito gawin? Simple lang. Una, kumuha ka muna ng 20 piraso ng buto ng lotus, 10 buto ng angcao, 15g buto ng longan, at 10g na kim cim, at saka sila pakuluan lahat sa 600cc na tubig. Matapos kumula ay itabi mo ang kalahati nito, at inumin naman ang kalahati pa.
  2. Pang-iwas Insomnia. Ang insomnia ay isang kondisyon kung saan hirap makatulog ang isang tao. Maaari itong mangyari dahil sa stress at iba pang mga bumabagabag sa tao. Para maiwasan ito, malaki ang magagawa ng buto ng lotus dahil ito ay puno ng phosphorus na makatutulong sa iyong sleeping routine. Para makagawa ng lotus tea, pakuluan mo lamang ang 12g na buto ng lotus sa tatlong basong tubig at inumin ito pagkatapos. Gawin ito araw araw at titak na hindi ka na magkakaroon ng problema sa iyong pagtulog.
  3. Pagpapagaling sa Blood Cough. Isa sa mga mineral na taglay ng water lily ay ang “nicotinic acid”. Ito ay ang gamut na kailangan ng mga taong nakakaranas ng blood cough. Para gamitin ang water lily sa kondisyong ito, kailangan mo munang gumawa ng juice mula sa lotus rhyzomes, at sakaihalo sa pinakulong 200cc na tubig. Para sa pinakamagandang resulta, inumin ito ng tatlong beses sa magkakasunod na limang araw.
  4. Gamot sa Nose Bleeding. Minsan kapag sobrang init ng panahon, mayroong mga bata na bigla na lamang dumudugo ang ilong. Sa sitwasyong ito, mainam na gumamit ka ng lotus flower upang mapatigil at maiwasan na rin ang pagdurugo ng ilong. Ang halamang ito kasi ay may taglay na iron na mainam para sa kondisyong ito, at nagpapaunlad din ng produksyon ng haemoglobin sa Red Blood Cell.
  5. Gamot sa Dehydration. Ang pagsusuka at pagtatae ay madalas na maging dahilan ng dehydration at pagkaubos ng likido sa katawan ng tao. Upang maiwasan na mangyari ang mga kondisyong ito, mainam na kumonsumo ng katas ng lotus rhizomes upang mapalitan ang mga nawalang liquid sa katawan. Para gawin ito, kailangan mo lamang ihalo ang 10g ng rhizome ng luya sa 50g ng lotus rhizome at saka hugasang mabuti. Para sa pinakamagandang resulta, ugaliin na inumin ang mixture na ito tatlong beses araw araw.
  6. Gamot sa Pamamaga ng Mata. Isa sa mga taglay na mineral ng lotus ay ang carotene, na alam naman nating mahalaga sa ikalilinaw at kalusugan n gating mga mata. Kaya naman, kung sakaling nakakaranas ka ng anumang impeksyon sa matakagaya ng pamamaga at paghapdi, makabubuti na gumamit ka ng lotus ointment. Para gawin ito, kailangan mo lamang ilagay ang 9 na gramo ng buto ng lotus sa malinis na tela, at saka ito pakuluan sa loob ng kalahating oras. Kapag napalamig mo na ito ay maaara mo na itong gamitin bilang pamahid sa apektado mong mata. Gawin ito tuwing arawn at gabi hanggang sa bumuti na ang iyong lagay.
  7. Para sa Altapresyon. May mga mabubuting fats na kailangan n gating katawan upang maregula an gating blood pressure. Ang lotus ay napakayaman sa mga fats na ito kaya naman kung problema mo ay high blood pressure, ito na ang solusyon para sa iyo. Kailangan mo lamang inumin ang pinaghalong 10g ng lotus shoot at 10g ng buto ng lotus na pinakuluan sa 350cc na tubig. Inumin ito ng madalas at tiyak na makokontrol mo na ang iyong blood pressure.

Napakarami pang bagay ang magagawa ng water lily at ng lotus. Bukod sa mga nabanggit sa itaasn, ang mga halaman ding ito ay may kakayahang pababain ang timbang ng isang tao at patibayain ang ating mga ngipn. Tunay nga at kamangha-manga ang lotus at water lily. Ngunit, hindi lamang ito dahil sa kanilang natatanging katangian at pisikal na kaanyuan, kundi pati na rin sa kanilang napakaraming benepisyong medikal sa tao. Huwag kalimutang i-share ang artikulong ito at ipaalam sa iba ang kadakilaan ng dalawang halamang ito.

You may also like...