Mura at mabisang paraan para maalis ang kuto na kailangan natin malaman

Sasapit na naman ang panahon ng tag-araw at ang summer vacation. Napakaraming mga bagay ang palagi nating inaabangan sa tuwing dadating ang panahong ito. Dalawang buwang walang pasok ang mga estudyante kaya naman sinasamantala ito ng karamihan upang makapag-bakasyon sa malalayong lugar. Masarap magtampisaw sa beach, o kaya naman lumangoy sa swimming pool. Panahon na naman ng mga outing ng pamilya, barkada, o kaya naman solong bakasyon. Panahon na upang umuwi sa kani-kaniyang probinsya at bisitahin ang mga kamag-anak.

Para naman sa mga “stay-cation” lang o ang bakasyon ng mga hindi na umaalis sa kanilang lugar upan pumunta sa malayo, marami pa rin ang aktibidad na inaabangan. Pagpunta punta sa mga mall, panonood ng sine, pamamasyal sa mga parke, at marami pang mga bagay na pwedeng gawin tuwing summer. Para sa mga bata naman, ito na ang kanilang pagkakataon upang makapag-laro sa labas. Matapos ang isang school year ng pag-aaral, sa wakas ay makakapagpahinga na sila mula sa mga assignments at iba pang mga gawain sa paaralan. Ito na ang kanilang panahon upang magbabad sa araw upang maglaro ng piko, habulan, at iba pang mga larong kalye. Tunay nga, isang kapanapanabik na panahon ang tag-araw.

Subalit, kahit na marami ang may gusto sa panahong ito, mayroong pa ring isang bagay na ayaw na ayaw nating lahat. Dahil mainit, marami ang nakakaranas ng pangangati ng kanilang ulo. Ang sensasyong ito ay bunga ng mga parasite na tinatawag na kuto. Paborito nila ang panahon ng tag-araw dahil maraming nabibilad sa araw, kaya naman madali para sa kanila ang makadapo sa ulo ng kanilang mga biktima. Lalo na sa mga bata, dahil nga sa sila ay maghapong nasa ilalim ng araw ay naaakit nila ang mga kuto upang dumapo sa kanila. Tuwing sumasapit ang panahong ito ay talagang nagkakaroon ng problema ang mga nanay kung paano aalisin ang mga kutong nagpapakati sa ulo ng kanilang mga anak.

Ang mga kuto ay maliliit na insektong dumadapo sa ulo ng mga tao upang sumipsip ng dugo sa anit nito. Madali lang makahawa at mapasa sa ulo ng ibang tao, lalo na sa mga batang babe na mayroong mahabang buhok. Kapag nadikit ang kanilang mga ulo ay maaaring makalipat kaagad ang mga kuto sa ulo ng iba pang tao. At ang mas nakakainis pa, mahirap itong tanggalin lalo na ang mga itlog o lisa nito dahil sila’y talagang makapit sa buhok. Bagama’t wala naming masamang maidudulot sa kalusugan ng isang tao ang pagkaakroon ng kuto, nagdudulot naman ito ng pangangati, at bumababa ang confidence ng isang taong meron nito dahil siya’y nahihiya.

At dahil nga literal na sakit sa ulo ang mga kuto, marami ang naghahangad na mawala ito kaya bumibili sila ng mga gamut na nagsasabing makakatulong sa kanila. May mga epektibo naman at nawawala ang mga kuto ngunit minsan ay panandalian lamang ito at sila’y bumabalik din. Dahil nga hindi epektiboaymaghahanap na naman tayo ng panibagong solusyon, at maghahanap pang muli. Ang paggamit ng mga produktong ito ang maaaring magdulot ng iritasyon sa ating anit. Isa pa ay mahal ang mga produktong ito, mayroon pa ngang libo ang halaga. Kung ating titignan, talagang hindi sulit ang presyong ibabayad ng tao dahil hindi naman talaga permanenteng nasosulusyunan ang kanilang problema. Ngunit huwag kang mag-alala dahil ikaw ay aming tutulungan na alisin ang nakakainis na mga kutong iyan.

Tuturuan ka naming kung paano gumawa ng alternatibong gamut upang matugunan ang iyong suliranin. Simple lang ang paraan at hindi ka pa mamamahalan sa mga sangkap na ating gagamitin. Kailangan mo lamang maghanda ng isang shower cap o plastic bag, lice comb osuyod, white vinegar, kahit anong brand ng mouthwash, at ilang tuwalya. Madali lang sundan ang mga instruksyon kaya naman kung ikaw ay handa na at nahanda mo na ang mga kakailanganin ay gawin mo ang mga sumusunod:

  1. Gamit ang mouthwash ay hugasan ang iyong buhok hanggang sa tuluyan na itong mabasa ng maiigi. Siguraduhing hanggang anit ay magagawa mong basain.
  2. Sa loob ng isang oras ay balot mo ang iyong buhok sa bathing cap o kaya naman sa plastic bag. Bantayan itong mabuti at matapos ang itinakdang oras ay kaagad ding alisin sa pagkakabalot ang iyong buhok.
  3. Gamit naman ang white vinegar o suka ay muling basain at hugasan ang buhok, at muling ibalot sa plastic bag o bathing cap sa loob ng isang oras. Ang suka ay may malaking maitutulong upang alisin ang mga lisa o itlog na nakakapit sa mga hibla ng buhok.
  4. Pagkatapos nito ay maaari ka nang gumamit ng regular na shampoo upang banlawan ang iyong buhok. Siguraduhin na mabanlawan ito ng maigi upang hindi rin manatili ang mabahong amoy ng suka.
  5. Gumamit ng suyod sa pagsusuklay upang maalis ang mga kuto sa iyong buhok. Ang maninipis na ngipin ng lice comb ay maaari ring makaalis ng lisa na nababad na sa suka.

Ang dahilan kung bakit epektibo ang pamamaraang ito ay dahil ayaw ng mga kuto ang matapang na amoy ng spearmint na nagmumula sa mouthwash. Hindi na babalik ang mga kuto dahil sa alternatibong ito ngunit kung gusto mong makasiguro ay maaari mo pa ring gamitin ang mouthwash at i-spray ito sa buhok. Bukod sa pagiging epektibo nito, makatitiyak ka rin na walang masamang side effects ang prosesong ito dahil walang mga matatapang na kemikal ang gagamitin dito, hindi katulad sa ibang mga gamot.

Tunay ngang sa pamamagitan ng alternatibong ito ay mapoprotektahan mo na ang iyong buhok laban sa mga nakakainis na kutong iyan. Kaya naman, huwag ka nang magpakasiguro sa mga gamot na nagsasabing kaya nilang alisin ang mga kuto dahil kung umipekto man sila ay hindi naman pangmatagalan.  Dito ka na lang sa alternatibong ito at wala ka nang hahanapin pa dahil ito ay mujra, madaling gawin, epektibo, at wala pang masamang idudulot sa iyo. At ngayon sa darating na bakasyon ay maaari ka nang magbilad sa araw nang walang anumang iniisip. Hindi na dapat mangamba pa sa mga kuto, sila na ang dapat matakot sa iyo dahil mayroon ka nang panmuksa sa kanila.

You may also like...