Nakakagulat na benepisyo ng pagkain ng 2 saging sa isang araw na di natin alam

Pagkatapos kumain sa tanghalian, minsan ay naghahanap pa tayo ng panghimagas para talagang masabi nating nabusog tayo sa ating kinain. Pwedeng gusto natin ng ice cream, chocolate, o iba pang malamig at matamis para masiyahan ang ating “sweet tooth”. Napakasarap kumain ng mga pastries na ito pero alam naman natin na hindi sila gawa sa masusustansyang mga sangkap. Ayos lang sila kainin paminsan minsan pero kung palagian ay siguradong may masama silang maidudulot sa atin. Pwedeng msira ang ating mga ngipin, pwede ring tumaas ang ating blood sugar. Masarap man pero hindi sila ang pinaka-masustansyang pagkain na pwede nating ikonsumo.

Kaya naman imbis na cake, ice cream, o chocolate pa ang ating kainin bilang panghimagas, bakit hindi na lamang tayo hunap ng alternatibong pagkain pero yung may masarap din na lasang ating magugustuhan. Isang halimbawa na diyan ang mga makukulay at masasarap na mga prutas. Mayroong iba’t ibang uri ng prutas, may pabilog, may kakaibang hugis, may dilaw, may pula, at iba iba pa. Iba iba rin ang lasa ng mga prutas, may matamis, mayroon ding maasim. Ngunit nagkakaiba man ay mayroon pa rin silang pagkakapareho, at iyan ay siguradong hindi ka nila bibiguin sa sarap ng kanilang lasa.

Halimbawa na lamang, isang popular na prutas dito sa Pilipinas ay ang mangga. Kulay dilaw ang prutas na ito at medyo kakaiba ang kaniyang hugis. Mayroon itong tamis na siguradong inyong iibigin, minsan ay medyo maasim rin. Ang orange naman na pabilog ang hugis at kulay kahel ay tamang tama sa iyo kung asim naman ang hinahanap ng iyong panlasa. Napakaraming mga prutas sa mundo kaya napakarami ng inyong pwedeng pagpilian. Siguradong magugustuhan niyo ang mga ito dahil sa bukod na masarap ang mga prutas ay sobrang masustansya pa ang mga ito. Pwedeng pwede mo silang kainin araw araw, o kahit ilang beses pa sa isang araw.

Sa artikulong ito ay itatampok namin ang isang popular din na prutas na tiyak an inyong iibigin. Kung aming ilalarawan ang itsura ng prutas na ito, kulay dilaw siya at pahaba, ang hugis naman ay kahalintulad ng crescent moon pero hindi patusok ang mga dulo. Sa ingles ay medyo nakakatawa ng ang pangalan nito, naitampok pa nga ito sa isang kanta sa popular na Pixar film. Kung pamilyar kayo sa kanta ng mga minion, at base na rin sa aming paglalarawan, malamang alam niyo na na ang aming tinutukoy na prutas ay ang saging o banana.

Ang saging ay isang sikat na prutas dito sa Pilipinas at karaniwang namumunga sa mga tropikal na bansa. Mayroon itong matamis at masarap na lasa na gusto ng mga tao ano man ang kanilang edad. Pero bukod sa masarap ang saging ay puno rin ito ng mga sustansyang kailangan ng ating katawan. Ilan na sa mga ito ay mga bitamina, potassium, fiber, at iba pang mga nutrients. Pagdating naman sa presyo ay abot kaya ito at murang mura kaya naman, talagang inirerekomenda ang pagkain ng kahit dalawang saging sa loob ng isang araw. Marami kasing benepisyong makukuha ang ating katawan kung gagawin natin ito. Bukod sa mga nabanggit, naririto pa ang ilan sa mga magandang maidudulot ng pagkain ng saging dalawang beses sa isang araw.

  1. Nagpapababa ng blood pressure. Ang saging ay maituturing na “heart-friendly” fruit dahil kaya nitong panatilihing malusog ang puso ng tao. Mayroon kasi itong mataas na bilang ng potassium habang kaunti naman ang sodium na dahilan kung bakit bumababa ang blood pressure at naiiwasan ang mga karamdamang kaugnay nito tulad ng stroke at hypertension.
  2. Gamot sa constipation. Kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan dahil sa constipation ay kailangan mong kumain ng saging upang bumuti ang iyong pakiramdam. Ang taglay nitong fiber ang siyang gagamot sa iyong tiyan upang mawala ang nararamdaman mong sakit.
  3. Para sa heartburn. Para naman sa madalas makaranas ng heartburn, pagkain din ng saging ang solusyon sa inyong problema. Isa kasi itong natural na anti-acid kaya naman mabuti itong pangontra kung sakali mang makaranas ka ng acid reflux.
  4. Gamot sa ulcer. Ang ulcer ay isang sakit sa tiyan kung saan maraming pagkain ang bawal kagaya na lamgn ng maaanghang at maaasim dahil baka makadagdag pa ito sa hapding nararamdaman ng kalamnan. Subalit, kung ikaw ay kakain ng saging ay makakatulong ito upang ibsan ang pananakit ng tiyan dahil tila babalutin nito ang stomach lining upang hindi ito mas makaranas ng pressure.
  5. Para sa lakas at enerhiya. Ang saging ay siksik sa napakaraming mga sustansya at ilan na dito ang carbohydrates at ibang mineral na kapag na-absorb ng katawan ay magbibigay ng karagdagang lakas at enerhiya sa tao. Kumbaga mare-recharge ka kapag kumain ka ng saging kaya naman mas may lakas ka upang gawin ang mga nakakapagod na trabaho sa buong araw. Ang kagandahan pa ay hindi ka na rin mangangamba na baka ma-overwork mo naman ang iyong mga muscles dahil gagamutin sila ng potassium content ng saging.
  6. Gamot sa anemia. Iron ang kulang sa mga taong may anemia, isang component ng dugo na nagtataglay ng oxygen. Hindi na ito magiging problema kung uugaliin mo lamang kumain ng dalawang saging bawat araw dahil may sapat itong taglay na dietary iron upang tulungan ka sa iyong kondisyon.
  7. Pampababa ng body temperature. Kung tirik na tirik ang araw ay mabuting kumain ng saging upang bumababa ang iyong temperatura upang makaramdam ka ng lamig. Mainam din itong kainin kung ikaw ay may lagnat upang mapanumbalik sa normal na temperatura ang iyong katawan.
  8. Para sa mga may PMS. Kapag dumarating ang buwanang dalaw ng mga babae ay nakakaranas sila ng PMS at sila’y nagiging sensitibo at moody sa lahat ng bagay. Mabuting gawin sa ganitong pagkakaton ay kumain ng saging dahil ang Vitaminn B na taglay nito ay kayang pakalmahin ang nervous system, na magpapaganda ng mood at magpaparelax sa isang tao.

Marami pang mga benepisyong makukuha kung uugaliin nating kumain ng dalawang saging sa isang araw. Bukod dito ay masarap pa ito at murang mura lang kaya naman simulan na sana itong gawin. Isama ito sa ating pang-araw araw na diet plan at siguradong tayo ang makikinabang ng pinakamalaki.

You may also like...