Nakakamanghang dahilan kung bakit dapat mag lagay ng lemon sa ating kwarto bago matulog

Sa kalikasan ay makakakuha tayong iba’t ibang mga bagay na makakatulong sa araw araw nating pamumuhay. Noong unang panahon kung saan hindi pa umuunlad ang teknolohiya at pamumuhay ng tao, sa kalikasan nakabatay ang kabuhayan ng ating mga ninuno. Nabuhay sila ng umaasa sa biyaya ng kalikasan tulad ng mga punong kahoy na kanilang ginamit s apaggawa ng kanilang mga bahay at iba pang mga kasangkapan. Hindi pa rin maunlad ang medisina noon kaya naman umasa sila sa mga halamang gamut upang malunasan ang kanilang mga karamdaman. At siyempre, sa kalikasan din sila kumuha ng kanilang mga pagkain tulad na lamang ng mga gulay at prutas. Ganito nabuhay ang mga tao noon.

Subalit, iba na ang panahon ngayon. Dahil sa paglawak ng kaalaman ng tao ay marami nang mga naging pagbabago at pag-unlad na naganap. Ang mga noong bahay na yari sa kahoy ay napalitan na ng mga bato at semento, modernong medisina at mga teknolohiya na ang ginagamit sa panggagamot ngayon. Marami na ring ibang paraan ng pagkuha ng makakain. Ang mga progresong ito na marahil kung bakit tila nakalilimot na ang mga tao sa napakaraming benepisyong maibibigay ng kalikasan. Halimbawa na lamang sa pagpapalakas ng immune system. Ang mga tao ngayon ay umaasa sa mga supplements at vitamins na inirereseta sa kanila ng mga doctor. Hindi na nila karaniwang naiisip na mayroon namang mga alternatibong herbal medicine na pwede nilang mabili sa mas murang halaga. Isang halimbawa nito ay ang prutas na lemon.

Ang lemon ay isang uri ng citrus fruit na popular sa marami dahil sa masarap na lasa nito. Ang hindi alam ng karamihan, napakarami nitong benepisyong maaaring ibigay sa tao maliban sa kaniyang masarap na lasa. Ang lemon ay punong puno ng antioxidant properties at Vitamin C na kailangan natin upang lumakas an gating immune system. Kaya naman kaysa bumili kayo ng nagmamahalang mga bitamina, mas mabuti nang dito na lang kayo sa orihinal na source ng mga iyon. Bukod diyan, ang lemon ay meron ding Vitamin A, B6, E, pati na rin ng zinc, magnesium, at iron.

Napatunayan na rin ng maraming mga pag-aaral na ang lemon ay isang mabisang solusyon sa depresyon. Ang kondisyong ito ay tunay na nakababahala dahil ang ibang may depresyon ay humahantong sa pagkitil ng sarili nilang buhay. Mahirap itong lunasan subalit napag-alaman ng mga eksperto na makakatulong ang lemon upang magamot ito. Kapag uminom ka ng lemon water o juice ay magkakaroon ka ng enerhiya at mababawasan nito ang mga sintomas ng depresyon at anxiety. Binanggit din sa nasabing pag-aaral na ang paglalagay ng mga slice ng lemon sa iyong kwarto ay may malaking maitutulong sa iyong kalusugan. Mapapaganda nito ang mood ng isang taokaya naman siya’y mas nagiging masaya at energetic. Naririto pa ang ilang benepisyo ng lemon.

  1. Pagbabawas ng timbang. Kung uugaliin niyo ang pagkonsumo ng lemon ay tiyak na bababa ang inyong timbang. Ang kailangan lang ay ihalo ang katas ng lemon sa maligamgam na tubig, samahan ng honey, at saka inumin araw araw sa iyong paggising sa umaga. Kung gusto niyo naman ay pwede rin kayong maghalo ng dalawang patak ng katas ng lemon sa isang baso ng tubig, at saka inumin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
  2. Pampaputi ng ngipin. Kung gusto niyong paputiin ang inyong mga ngipin, paghaluin niyo lamang ang katas ng lemon, coconut oil, at baking soda, at saka ito gamiting pansipilyo. Bukod dito, kaya rin ng lemon na pahupain ang pananakit ng gums kung hahaluan mo ng asin ang lemon juice at saka ito gamiting pang-mumog.
  3. Mabuting pantunaw. Kapag ikaw ay uminom ng lemon water ay mapapa-buti ang iyong digestion process dahil mas dadami ang produksyon ng bile secretion at hydrochloric acid na responsable sa maayos na pantunaw. Kung ikaw naman ay madals makaranas ng mga kondisyong konektado sa digestion tulad ng bloating at abdominal cramps ay mainam din kung iyong tatangkilikin ang lemon.

Bukod sa mga medikal na benepisyo, marami ring maiaambag ang lemon pagdating sa pamumuhay natin sa araw araw. Ang mga sumusunod ayang mga paraan kung ano ano ang mga ito at paano sila naging posible.

  1. Panghilamos ng mukha. Upang mas maging maganda ang iyong balat, inirerekomenda na haluan mo ng katas ng lemon ang tubig na gagamitin mong panghilamos. Samahan mo pa ng baking soda at tiyak na kikinis ang iyongn mukha at hindi ito magiging masyong oily.
  2. Pamatay ng mikrobyo. Ang mga mikrobyo sa banyo at lababo ay posibleng maalis kung gagamitan mo ito ng lemon. Sa paanong paraan? Kung maghahalo ka ng 40 na patak ng katas ng lemon sa putting suka, at dalampung patak ng tea tree oil ay magkakaroon ka ng mabisang panlaban sa mga mikrobyong ito. Ilagay ang mixture sa isang lalagyan at saka gamiting pang-spray sa lababo at banyo.
  3. Paglalaba. Minsan, kahit anong kuskos natin sa mga damit ay talagang hindi matanggal ang mga stain o mantsa na nakadikit dito. Sa mga ganitong pagkakataon ay makaaktulong ang lemon upang maalis na ang nakakainis na stain na iyan. Maglagay ka lamang ng patak ng lemon sa damit at saka ito muling kuskusin. Tanggal na ang mantsa, tanggal pa ang hindi magandang amoy na kasama nito.
  4. Panlinis ng kahoy at pilak. Ang mga kahoy at pilak ay mahirap linisin dahil kapag sila ay paulit ulit na nabasa, sila ay pwedeng rumupok at masira. Subalit, kung lemon ang iyong gagamitin sa paglilinis sa mga ito ay siguradong hindi ito mangyayari. Maaari mong gamitin ang katas ng lemon kung ikaw ay maglilinis ng mga kasang kapang yari sa kahoy o kaya pilak ng walang pangamba nab aka sula ay masira.
  5. Pantanggal ng mantsa sa kamay. May mga dumi sa kamay na mahirap tanggalin kahit pa sinabon mo na at paulit ulit na kinuskos. Halimba nito ay ang grasa, pintura, at iba pa. Upang maalis ang mga ito aylagyan mo muna ng katas ng lemon ang sabon na iyong gagamitin at siguradong tanggal ang mga mantsa na iyan.

Sana ay maunawaan ng lahat na bagamat maunlad na ang teknolohiya at pamumuhay ng tao ngayon, hindi lang ang mga ito ang pwede nating asahan kundi maging ang mga ibiniyaya sa atin ng kalikasan.Halimbawa na lamang ang lemon na hindi lang medikal na benepisyo ang naibibigay kundi maging tulong sa pang-araw araw na buhay.

You may also like...