Nakakamanghang halaman na isang magnet para sa mga positibong enerhiya

Sa panahon ngayon, napakaraming bilang ng mga tao ang siyang nagtataglay ng mga magaganda at magagarang mga bagay na kung saan ang mga ito ay naglalaman ng mga halaman na karaniwang ginagamit bilang dekorasyon o bilang pampaganda ng itsura nito, mapa loob man o labas ng kanilang bahay. Sa katunayan, sila rin ay mayroong mga garden na siyang nagtataglay ng iba’t ibang uri ng mga halaman na ito na mas nakakatulong bilang karagdagang ambiance na siyang nakatutulong din upang makapagrelax ang isang tao.

Ang pagkakaroon ng mga ganitong uri ng halaman sa loob man o labas ng bahay ay nakatutulong din upang mas maging sariwa at magandang tignan ito, at bukod pa riyan, ang mga ito ay nakakapagbigay din ng sariwa at dalisay na hangin na siyang kinakailangan ng katawan natin upang makakuha ng sapat at preskong oxygen o hangin.

Kahit pa ba mayroong napakaraming uri ng halaman na maari mong magamit para sa ikagaganda ng iyong tahanan, mayroong kaming isang alam na uri ng halaman na maari mong mabisang magamit bilang magnet upang maakit nito ang mga positibong enerhiya sa iyong kapaligiran at upang mataboy ang mga negatibo at masasamang mga enehirya. Ang halaman na ito ay kilala sa katawagan na “Crassula Ovata.”

Ang Crasulla Ovata ay mas kilala sa iba pa niyang mga pangalan kagaya na lamang ng jade plant, ng friendship tree, ng lucky plant o ng money tree at ang halaman na ito ay isang napakasayang halaman na nagtataglay ng mga maliliit na pink o mga puti na bulaklak na siyang nakakatuwa talagang pagmasdan at kung iisipin ay tamang tamang disenyo para sa loob ng iyong tahanan.

Ang halaman na ito ay nagmula pa sa bansang South Africa at Mozambique na siyang karaniwan at madalas na ginagamit ng mga tao bilang house plant hindi lamang sa mga bansa na ito kung hindi maging sa buong mundo, lalo pa at kilalang kilala na ang mga ito sa kasalukuyang panahon. Sa bansang South Africa, ang Crassula Ovate ay talagang kilalang kilala at sikat sa pagiging halaman ng mga salapi o money tree sa ingles.

Kung iisipin, napakadali lamang alagaan ng halaman na ito dahil hindi nito kakailanganin ng sobrang pansin at hindi lang yan sapagkat maliit lamang ang amount ng tubig na kinakailangan nito tuwing tag init at mas kakaunti lang ang tubig na dapat mong idilig dito kapag naman tag lamig. Mayroon ding isang kamangha manghang kwentong kasama ang halaman na ito na siyang popular sa mga nasabing bansa kanina na siyang pinagmulan nito.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang simple at magandang kwento na siyang pinagmulan ng kasikatan ng halaman na ito. Magugulat ka at mamangha sa kwento na aming ibabahagi sa inyo. At baka ito na rin ang maging isa sa mga dahilan sa kung bakit mo ito sisimulang hanapin at bilhin upang ilagay sa loob ng iyong bahay bilang pangdisenyo at makuha na rin ang mga benepisyo na siyang taglay nito para sa iyo at sa pamilya mo.

Mayroong isang mahirap na mangbubukid ang siyang nagtratrabaho sa buong maghapon at magdamag ng wala man lang pahinga at hindi na niya napansin ang lahat lahat ng bunga ng mga pinaghirapan niya. Isang araw, habang siya ay naglalakad sa loob ng kagubatan, mayroong siyang nakita na isang napaka gandang halaman at ito ay kaniyang dinala sa loob ng kaniyang bahay. Ito ay kaniyang kinuha at iniuwi hindi lamang sa taglay nitong kagandahan ngunit ng dahil din sa mga dahon nito na siyang nakakapagpaalala sa kaniya ng isang napaka ganda at napaka halaga na bato na kung tawagin ay jade. Sa tuwing kaniyang tinitignan ang halaman na ito, lalong lalo na ang mga dahon na kaniyang taglay, madalas niyang ipinapangalangin sa Diyos na siya ay bigyan ng isang buong pamilya na mayroong kasaganahan at kaginhawaan sa buhay at ito lamang ang katangi tanging panalangin kaniyang sinasabi tuwing gabi at umaga na daraan. Sa paglipas ng bawat minuto, oras, linggo at panahon, nagulat na lamang siya at nagkatotoo ang kaniyang kaisa isang panalangin at naisip niya rin na siguro kaya naging possible ang bagay na ito ay dahil sa tulong ng halaman na ito kaya mas naging madali na nakarating sa Diyos ang kaniyang kaisa isang pinapangarap, ang magkaroon ng isang buong pamilya na hindi naghihirapan at nakararanas ng kaginhawaan sa buhay.

Ang maikli at nakakamanghang kwento na siyang aming ibinahagi sa inyo ay patungkol sa isang panata o devotional prayer sa ingles sa Diyos na kung saan ang kagustuhan ng isang tao ay kaniyang nakamit sa paglipas ng panahon at ito ay naging totoo at nangyari sa kaniya sa totoong buhay. Ang jade plant ay isang uri ng simbolo ng kayamanan at tagumpay sa buhay.

Ngayong alam mo na ang kwento na mayroon sa likod ng jade plant na ito, maari ka rin itong makapagbigay sa iyo ng isang inspirasyon na kahit ano man ang iyong pinapangarap sa buhay ay maari mong makamit sa paglipas ng panahon at kinakailangan mo lamang na manalig sa iyong pananampalataya sa Diyos na ang lahat ng bagay ay maaring mangyari ng dahil Sakaniya. Magugulat ka na lamang at sa paglipas ng panahon ay paunti unti mo ng makukuha ang iyong pangarap at nakakatuwang isipin na magiging isang saksi ang halaman na ito sa pagkamit mo sa iyong mga pangarap.

Ano pa ba ang iyong hinihintay? Simulan mo na ang paghahanap at pagbili sa uri ng halaman na ito at ilagay mo na rin ito sa loob ng iyong bahay bilang disenyo upang ikaw ay magkaroon ng positibong tingin sa buhay at inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay. Ang lahat ng ito ay magiging possible rin kung tutulungan mo ang iyong sarili at maniniwala ka sa iyong kakayahan. Hindi mo lamang ito makikita bilang isang magandang disenyo sa loob ng iyong bahay kung hindi maging isang uri ng simbolo na maari mong makuha ang lahat kung ikaw ay magsusumikap at isa pang simbolo ng iyong tagumpay na nakamit sa iyong buhay.

You may also like...