Nakakamanghang mangyayari pag naglagay ng sabon sa ilalim ng kama bago matulog

Tayong mga tao, masyado tayong napapagod dahil sa mga araw araw natin na gawain. Gigising sa umaga para trabaho at gumawa ng kung ano ano kaya naman umaga palang, pagod na agad yung katawan natin. Kaya naman para mabawi ang ating mga lakas, tulog lamang ang siyang  solusyon. Sa tulong nito, mas nagiging epektibo tayo at mas may lakas tayo upang muling makagawa sa susunod na araw. Matapos ang isang nakakapagod na pagtatrabaho sa maghapon, normal lang na pag-uwi natin ay halos gumapang na tayo papunta sa kama natin. Tulog lang ang kailangan ng ating katawan upang manumbalik ang nawala nating lakas.

Tuwing tayo ay matutulog ay hindi naman nakapirmi lang ang ating pwesto. Natural at tayo ay gagalaw galaw din naman kahit papaano. May mga tao rin naman na hindi malikot matulog at nananatili lang sa isng pwesto magdamag. Mayroon din namang mga sobrang likot n halos magoagulong gulong na sa kama. Hindi lang natin napapansin dahil nga tulog tayo, pero ang nervous system na siyang may gawa nito buhay na buha. Ikaw? Paano kaba matulog?

Pero ang tanong, bakit nga ba ang kulit nating matulog? Ayon sa mga pag aaral ng mga eksperto, mayroong dahilan kung bakit tila hindi tayo mapakali sa pagtulog. Kahit normal na kumilos ng kaunti habang natutulog, may mga pagkakataon pa rin na baka hindi na ito normal. Baka isa na itong sakit na ang tawag ay restless leg syndrome. Ito ay isang sakit kung saan ang mga binti ay hindi mapakali at tila ba gustong gunalaw ng gumalaw. Kahit tulog tayo ay nakokontrol pa rin ng nervous system ang mga binti sa pamamagitan ng mga nerves kaya nagiging posible ito.

Ngunit, hindi ito dahil sa may problema ang pag-iisip o ng mga nerves o anupaman. Marahil, habang tayo ay natutulog ay namamanhid ang mga binti kaya hindi ramdam na nangangati na pala ito. Pero ang mga nerves ay nase-sense ito kaya naman nagpapadala sila ng signal sa brain, na siya naman kumikilos sa mga binti upang maalis ang pangangati.

Minsan pa nga kapag talagang matindi ang oamamanhid ng mga binti ay nagigising pa tyo sa gabi. Yun yung pagkakataon n baka hindi pa natin magalaw ang mga binti natin at nararamdaman natin na para silang kinukuryente. Dahil dito ay hindi tayo kumportable sa ating pagtulog. Kung sobrang tindi at hindi natin maigalawa ang mga binti natin ay hindi rin natin ito maiunat. Naranasan niyo na bang parang hindi niyo maramdaman ang mga binti niyo pero parang kinukuryente kayo sa bahaging iyon? Ang hirap talagang magkaroon ng muacle cramp lalo na kapag nagising ka ng disoras ng gabi. Hindi mo malaman ang gagawin.

Karaniwan ay mga babae ang nagkakaroon ng ganitong sensasyon. Wala itong pinipiling edad, mapabata o matanda ay pwedeng maapektuhan nito, mas madalas nga lang sa mga matatanda. Pwede rin namang Mmangyari ito sa mga lalaki pero mas madalas pa rin ang kaso sa mga babae. Walang pang makapagbigay ng eksplanasyon kung bakit nangyayari ang ganito at nagkakaroon ng restless leg syndrome. Ang paniwala lang ng ivang eksperto ay dahil ito sa genetics o namamana mula sa mga magulng. Hula rin nila ay baka dahil ito sa sobrang pag-inom ng alak.

Para maiwasan na mangyari ito, inirekomwnda ng mga ekaperto na uniwas na lamang sa pag-inom ng alak at paninigarilyo. Tutal napakaimposible na pigilan ito mula sa genetics, ito lang ang naibigay nilang solusyon. Pliwanag nila, ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay nakakaapekto ng malaki sa kalagayan ng ating mga nerves. Kaya naman pinakamainam na gawin ay umiwas sa mga masasamang bisyo na ito upang maiwasan din ang pagkakaroon ng RLS.

Isa pang paraan na ibinigay ng mga eksperto ay ng pag-eehersisyo ng madalas. Kapag daw mas active ang ating lifestyle ay mas nagiging mlusog ng ating katawan, pati na rin ang ating utak at mga nerves. At kung abutan ka naman ng RLS ay lagyan mo lamang ito ng jot o cold packs para maibsan ang pamamanhid.

Bukod sa mga ito, mayroon daw nakatulas ng isang mabisng paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng restless leg syndrome. Ito ay napakadaling gawin, walang kahirap hirap at hindi mo na kailangan pang gumastoa ng malaki. Ito ay ang paglalagay ng sabon sa ilalim ng kumot kapag matutulog sa gabi. Nakakabiigla ito dahil paano nga naman ito magagawa ng sabon, hindi ba? Sabong panligo ang pinag-uusapan at hindi magic sabon na may kapangyarihan. Pero totoo daw ito at mayroon ng mga taong nakasubok na pwedeng magpatunay nito. Maging mga eksperto at doktor ay hindi makapaniwala sa bagay na ito. Pero nang isang beses na magtanong tanong ang isang doktor sa mga pasyente niyang may restless leg sysndrome, napag-alaman niya na halos kalahati sa kanila ay sumubok na gawin ito at naging epektibo ang paglalagay ng sabon sa ilalim ng kumot.

Hindi pa ito tuluyang tinatanggap ng siyensya dahil wala pang sapat na ebidensya para dito. Ngunit dahil na rin marami na ang sumubok at nagpatunay na kaya nga itong gawin ng paglalagay ng sabon sa ilalim ng kumot, sinubukan na rin ng mga eksperto na magsagaw ng pag-aaral ukol dito. Lavender soap ang kanilang ginamit at sinabi nila na marahil nangyayari ito dahil sa amoy na ibinibigay ng sabon. Mabango ang lavender soap kaya sa tingin nila ay napapakalma ng sabon na ito ang itak kaya naman kumakalma rin ng mga merves sa binti. Nakakarelax ang amoy na ito kaya ang tao ay nagiging kalmado at naiiwasan ng pagkakaroon ng restless leg syndrome.

Kung totoo man ito o hindi ay hindi pa rin natin masasabi. Siguro ay dapat muna nating hintayin ang resulta ng pag-aaral ng mga eksperte upang masabi kung epektibo ang sabon upang mapigilan ang restless leg syndrome. Sa sarili mo ay pwede mo rin itong subukan kung gusto mo. Kahit hindi na lavender soap ang gamitin mo, basta iyong sabon na mabango. Tignan mo kung ano ang magiging epekto nito sayo, kung narelax ka ba at kumalma. Pwede kang magsagawa ng sarili mong pananaliksik, sumubok ka ng iba’t ibang sabon o kaya ilagay mo s iba’t ibang pwesto ng higaan ang sabon n ihon. Malay natin, baka ikaw na pala ang makapagbibigay kasagutan sa mga tanong kung epektibo ba ito talaga.

Sa panahon ngayon na maunlad na ng teknolohiya, marami pa ring mga bagay ang hindi pa natutuklasan ng tao. Kagaya na lamang sa pagkakataong ito. Ngunit ang mahalaga dito ay hindi na lamang inaasa ng mga tao sa mga eksperto kung paano mapapagaan ang kanilang mga buhay. Sila na mismo ang naghahanap ng pafaan upang mapagaling nila ang kanilang mga sarili. Isa itong magandang pagkakataon upang makatuklas at makatulong sa ibang taong kapareho mo ng kalagayan.

You may also like...