Narito ang mga pagkain na nagsasanhi ng dalas natin na pag utot.

Kung mayroon mang isang bagay na siguro lahat ng tao ay sasang-ayon, iyon na siguro ay “masarap kumain”. Almusal, tangalian, meryenda, hapunan, o kahit ano pang oras ng kainan, palagi natin itong na-eenjoy at kinasasabikan. Lalo na tayong mga Pinoy, mahilig tayong kumain pati na rin sa mga okasyon na mayroong magagarbong handaan tulad ng mga kaarawan, kasal, piyesta, at iba pa. Bakit naman hindi, eh totoong samu’t saring masasarap na mga pagkain ang ating matitikman sa mga pagkakataong ito. Ito na ang ating tyansa upang makakain ng marami. Kahit pa nga simpleng ulam lang basta may kanin na kasama ay tiyak na solve na solve na an gating sikmura.

Ang pagkain ay makakatulong sa ating katawan upang mapalakas ito. Kaya naman, walang masama kung kahihiligan nating kumain basta tamang porsyon lamang at hindi sosobra sa kaya nating ubusin. Tignan mo, kapag kumain tayo haloimbawa ng kahit na anong luto ng manok ay mabibigyan an gating katawan ng protina, na siyang ginagawang enerhiya ng ating katawan. Kapag naman kumain tayo ng mga prutas tulad ng orange, mangga, pinya, at iba pa, tiyak na makakakuha tayong maraming bitamina para tulungan ang ating katawan na makaiwas sa mga sakit. Ganun din kung kakain tayo ng gulay, lalo na ang mga green leafy vegetables. Napakaraming uri ng pagkain sa mundo, napakaraming pagpipilian, napakaraming bubusog sa atin.

Pagkatapos nating kumain ay nararamdaman natin ang bigat ng ating tiyan. Dito ay masasabi natin na talagang nabusog tayo sa ating kinain. At kapag marami ang kinain ng isang tao, ibig sabihin lamang nito na maraming tutunawin ang ating katawan. Ihihiwalay ang mga sustansya upang maging lakas natin, at saka naman itutulak palabas ang mga hindi kailangan. Sa pagkakataong ito marahil ay nakakaramdam ka na ng pananakit ng tiyan, senyales na ikaw ay nadudumi. Pero bago iyan, minsan ay naglalabas ka muna ng hangin na tinatawag na fart o utot.

Parte pa rin ang fart ng digestion process kaya naman normal itong kaganapan, lalo na kung talagang naparami ang kain mo. Ito rin ay pwedeng mangyari dahil sa bilis ng pagnguya mo ay may nalulunok ka na rin na hangin. Bagamat normal, nakakahiya pa rin minsan lalo na kung ikaw ay nasa pampublikong lugar at medyo napalakas o may amoy ang inilabas mong hangin. Subalit, alam mo ba na mayroong mga pagkain na kapag kinunsumo mo ay magsasanhi ng labis at madalas mong pag-utot. Oo, kahit hindi ka naman busog, basta kinain mo ang mga ito, ay magpapalabas sa iyo ng “masamang hangin”. Sa artikulong ito ay ipaaalam naming sa inyo kung ano ano ba ang ilan sa mga pagkaing ito.

  1. Soft drinks. Kapag bumubili tayong soft drinks sa tindaan, napapansin natin na kapag sinasalin ito sa plastic ay maraming bula na lumalabas. Tanda ito na maraming hangin ang inuming ito na siyang babara sa iyong Gl tract. Kailangan itong ilabas sa katawan at ang tanging paraan lamang ay agn pag-utot. Kaya naman kapag ito ay iyong kunonsumo ay tiyak na mapapadalas ang paglabas mo ng hangin. Imbis na mga carbonated drink, bvakit hindi ka na lamang uminom ng  mga inuming sugar-fre at walang artipisyal na pampatamis. Bukod sa mas mabuti sa kalusugan ang mga ito, maiiwasan mo pa ang madalas na pag-utot.
  2. Whole wheat bread at oats. Ang mga pagkain na itoay dapat iwasan kung ayaw niyong mag-fart ng madalas. Ang mga ito kasi aymayaman sa fiber, isang uri ng carbs na hindi kaagad natutunaw at nakararating sa large intestine ng buo. Dahil ditto, ang mga mabubuting bacteria sa Gl tract ay kakainin ang mga ito upang maging enerhiya, at kumbaga isang “side effect” nito ang pag-utot. Subalit, hindi naman ibig sabihin nito na dapat nang iwasan ng tuluyan ang mga fiber-riched foods, mabuti ito sa puso kaya kailangan din natin ito. Ang rekomendasyon lamang naming ay huwag itong masyadong dalasan, konsumuhin lamang sa tamang porsyon.
  3. Saging at mansanas. Ang mga prutas na ito ay mayaman rin sa fiber katulad ng whole white bread at oats. Katulad ng iba pang pagkaing puno ng fiber, ang saging at mansanas ay hindi kaaagad natutunaw at nakakarating sa large intestine ng buo, kung saan sila kakaanin ng mga bacteria at gagawing enerhiya. Kaya naman, kung ang saging at mansanas ay iyong kakainin ay asahan nang makakaramdam ka ng pagkulo ng iyong tiyan pagkatapos.
  4. Beans. Ang sitaw, mani, at Baguio beans ay hindi rin kaagad natutunaw sa early stage ng digestion. Bukod kasi sa taglay nilang fiber, ang mga legumes na ito ay may taglay din na sugar tulad ng stachyose at raffinose na mahirap ring tunawin. Kapag sila ay natunaw na sa ating bituka ay maglalabas sila ng iba’t ibang mga gas tulad ng methane, hydrogen, at sulfur, na siyang dahilan kung bakit mayroong hindi magandang amoy ang mga utot.
  5. Gatas, keso, at yogurt. Isang pagkakapareho ng mga produkto ito ay ang kanilang taglay na gatas, kaya sila ay tinatawag na mga dairy products. Ang mga ito ay may taglay na lactose, isang sugar na mahirap tunawin lalo na sa katawan ng mga taong kulang sa produksyon ng enzyme na tinatawag na lactase. Dahil dito, kapag kumain ka ng mga dairy products at hindi sila natunaw ng mabuti ay siguradong makakaranas ka ng madalas na pag-utot, pati na rin ng pagtatae, at bloating o paglaki ng tiyan.

Tandaan na ang farting ay isang natural na pangyayari na nagaganap dahil sa digestion. Subalit, kung masyado na itong nadadalas at pakiramdam mo ay hindi na ito “normal”, may mga gamut naman na pwede mong inumin upang solusyunan ito. Mabuting magpakonsulta rin sa doctor kung ikaw ay iinom ng gamut upang maresetahan ka ng tamang medisina na may mga enzymes upang makatulong sa iyong digestion.

Ngayong alam niyo na kung ano ba ang dahilan kung bakit nagaganap ang farting at bakit nadadalas ito ay may kakayahan na rin kayo upang pigilan ito. Una, kapag kumakainn ay dapat kumain ng marahan at hindi nagmamadali upang hindi ka makalunok ng hangin. Pangalawa, kumain ka lamang ng sapat sa iyo at huwag magpakabusog ng sobra sobra at baka mahirapan kang matunawan. At panghuli, maaari mong iwasan ang mga pagkaing nabanggit sa taas upang mapigilan ang pag-utot ng madalas.

You may also like...