Natural na anti-biotic na kayang gamutin lahat ng impeksyon at patayin ang mga parasites

Mayroong napakaraming bilang ng iba’t ibang klase ng mga impeksyon na mayroong kakayahan upang maapektuhan ang hindi lang isa kung hindi saan mang parte ng katawan ng tao na hindi magiging maganda ang resulta kung hindi mabibigyan ng pansin at lunas sa lalong madaling panahon. Ang impeksyon na ito ay maaring lumala at kadalasang nangyayari ito ng dahil sa mga parasito na siyang pumapasok sa loob ng katawan ng tao at ito ang sinasabing naghahasik ng lagim sa loob at nagdudulot ng iba’t ibang klase ng mga sakit at impeksyon.

Kinakailangan ng dobleng pagiingat upang maiwasan ang mga ganitong pagkakataon. Madalas itong nakukuha ng dahil sa dumi ng kapaligiran na iyong kinabibilangan, kasama na riyan ang inumin na kadalasang iniinom na hindi naman na filter o napurify at maging ang mga pagkain na naexpose sa bacteria at may halong mga kemikal na siyang hindi maganda para sa kalusugan ng tao. Hindi basta basta ang naidudulot na sakit ng mga parasito na ito kaya’t kinakailangan na mas maging alerto at mas magkaroon pa ng kaalaman ang mga tao patungkol sa mga ito.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang natural na antibiotic na siyang makatutulong upang labanan ang mga impeksyon na siyang hatid ng parasito sa loob ng iyong katawan. Mabuti na lamang at mayroong mga natural na pamamaraan na siyang makatutulong ng lubusan sa mga ganitong klase ng kalagayan.

Ang natural na antibiotic ay kilala at itinuturing ng mga eksperto at ng mga mananaliksik bilang isa sa mga pinakamalalakas na antibiotic. Ito ay lubhang mabisa at mayroong kakayahan upang gamutin ang kahit na anong klase ng mga impeksyon at maging puksain at tuluyan ng patayin ang mga parasito sa loob ng katawan ng tao.

Ang subok na at dalubhasang toniko na ito ay mayroong kakayahan upang malinis ng mabuti ang iyong katawan at sa katunayan, itinuturing ito bilang isang antibiotic na siyang lumilipol sa parehas na gram positive at gram negative na mga bakterya.

Ito ay nagtataglay ng isang mabisang antiviral at maging antifungal na katangian na mayroong kakayahan na makatulong sa maiging pagdaloy ng parehas na dugo at luymph flow sa loob ng katawan. Ito ay hango lamang sa isang klase ng halaman at ito nagbibigay ng napakaraming bilang ng mga benepisyo para sa inyong pangangatawan at kalusugan.

Ito rin ay kilala na mabisang panlabas sa Candida at para sa kahit na anong klase ng viral, bacterial, parasitic at maging fungal na klase ng mga sakit. Mas mapapadali nito ang takbo ng buhay ng tao at hindi ka pa mahihirapang gawin ang remedyo na ito.

Bukod pa sa paglilinis ng dugo at maging ang pagtulong nito sa magandang pagdaloy ng dugo, kaya rin nitong maging lunas sa iba’t ibang klase ng mga sakit at chronic na kondisyon. Ang pagiging mabisa ng natural na remedyo na ito ay dahil sa pinagsama at kombinasyon ng mataas na kalidad, natural at sariwang sangkap.

Gayunpaman, nararapat mo pa ring tandaan na magsuot ng proteksyon para sa iyong kamay o guwantes sa paghahanda ng remedyo na ito dahil ang sily ay maaring magdulot ng kakaibang klase ng pandama at nagtataglay din ito ng isang matinding amoy na mayroong kakayahan na mas mapalubha ang iyong sinuses kaya maari ka ring magsuot ng mask o kahit na anong klase ng bagay na maaring makatulong upang matakpan ang iyong ilong at bibig.

Narito na ang epektibo at mabisang sangkap na siyang makatutulong upang mas mapagaan pa ang takbo ng iyong buhay at mapuksa ang mga sakit na siyang pumeperwisyo sa iyo.

Narito ang mga pamamaraan na dapat mong gawin para makagawa ng remedyo:

Ang mga sangkap na kakailanganin:

  • ¼ na tasa ng pininong bawang
  • ¼ na tasa ng ginadgad na luya
  • 2 kutsarita ng ginadgad na horseradish
  • 24 oz. o 700 ml ng organic na apple cider na suka
  • 2 kutsaritang pinulbos na luyang dilaw o 2 piraso na ugat ng luyang dilaw (turmeric)
  • ¼ na tasa ng pininong sibuyas
  • 2 sariwa na sili o hot peppers

Narito ang mga bagay na dapat gawin sa paggawa ng remedyo na ito:

Sa isang tason, ang dapat mo lamang gawin ay paghalu haluin ang lahat ng mga sangkap maliban na lamang sa apple cider na suka. Haluin mo ito ng mabuti. Pagkatapos ay ilipat ang lahay ng mga inihalong sangkap sa isang Mason jar, saka mo isalin ang apple cider na suka hanggang sa mapuno ang lalagyan na ito. 2/3 na laman ng garapon ay dapat mga tuyong sangkap samantalang ang natitira pang espasyo o ang ikatlong bahagi ay puno ng suka. Isara ng mabuti ang garapon at ilagay sa isang tago at kulob na lugar.

Ang garapon na pinaglagyan ng natural na remedyo na ito ay dapat itago sa isang tuyo at malamig na lugar sa loob lamang ng dalawang (2) linggo. Kakailanganin mo rin itong kalugin o ialog ng ilang beses sa loob ng isang araw sa loob ng dalawang (2) linggo.

Pagkatapos ng dalawang (2) linggo, pigain ng mabuti at salain ang pinaghalo halong mga sangkap. Maari mo na itong gamitin sa pagluluto ang mga tuyong sangkap o ihalo sa iba’t ibang klase ng mga putahe.

Ang natural na toniko na ito ay hindi na kakailanganin pang ilagay sa pridyeder dahil mayroon itong kakayahan na tumagal ng hindi lang ng ilang linggo kung hindi ilang buwan. Kapag ito ay inihalo sa olive oil, maari mo itong gamitin bilang salad dressing o sa nilaga.

Narito ang mga paggamit na iyong maaring gawin sa remedyo na ito:

Ang lasa na taglay ng natural na antibiotic na ito ay lubhang matapang at maanghang, kaya pagkatapos mo itong kainin ay maari kang kumain ng isang hiwa ng kalamansi, lemon o orange upang mapaginhawa ang mainit na panlasa na nadarama ng iyong dila. Mumugin at lunukiin na hindi malabnaw ang toniko na ito.

Kakailanganin mong magkonsuma ng mahigit isang kutsarita ng toniko na ito upang mas mapalakas pa ang iyong immune system at mapigilan ang parehas na ubo at sipon. Paunti unti mo na ring dagdagan ang dosis na iyong kinokonsumo hanggang sa maabot ang dosis ng isang maliit na baso sa pang araw araw.

Para naman sa mga seryoso at malalang impeksyon at sakit, maari kang gumamit ng isang kutsarita ng toniko nito mga lima (5) hanggang sa anim (6) na beses sa loob ng isang araw. Ligtas din itong gamitin para sa mga buntis at mga bata dahil ang mag sangkap na tinataglay nito ay mga natural na sangkap at kilala bilang toxin-free.

Itry mo na ang natural na remedyo na ito at mamangha sa kakayahan nitong mapabuti ang iyong kalusugan at pangangatawan.

You may also like...