Natural na panlaban sa sakit na thyroid glands gamit ang sangkap na ito

Ang ating Endocrine System ay ang sistema ng ating katawan na responsable sa paglalabas ng mga hormones na direktang pinapaikot sa buong katawan sa pamamagitan ng circulatory system. Binubuo ito ng mga glands at iba pang body organ na naglalabas ng kani-kaniyang hormones, at isa ang thyroid gland sa mga ito. Ang thyroid gland ay matatagpuan sa ating leeg, sa ibaba ng ating Adam’s apple. Ito ay isang napakahalagang gland sa atin dahil ang hormones na nilalabas nito ay direktang nakakaapekto sa mga cells sa ating buong katawan.

Mayroong dalawang uri ng hormones na inilalabas ng ating thyroid gland. Ang una ay ang thyroxine na magtataglay ng apat na atoms ng iodine. Dahil sa bilang na ito kaya karaniwan ding tinatawag na T4 ang throxine. Ang isa pang hormone na inilalabas ng thyroid gland ay ang triodothyronine na mayroon namang tatkong atom ng iodine. Ito rin ang hormone na may responsibilidad sa physological process ng katawan tulad ng pagtibok ng puso, temperatura ng katawan, at paglaki. Kagaya rin ng thyroxine, nakuha ng triodothyronine ang pangalang T3 dahil sa bilang nito. Subalit, mayroon pang isang uri ng T3 na siyang nagmula naman sa T4. Kapag kasi nasa mga cells at tissue na ang T4 ay nagiging T3 na ito, na siyang may pinakamalaking epekto sa bawat kilos at galaw ng mga cells sa katawan.

Ang pagbilis at pagbagal ng galaw ng mga cells sa katawan ay nakabatay sa kung gaano ang paglabas ng hormones ng thyroid gland. Ang T3 mula sa T4, at ang T3 na gawa mismo ng throid gland, ay naiimpluwensyahan ang metabolism ng isang tao. Ito ay maaaring mangyari sa dalawang paraan. Una, kung masyadong marami ang nagawang hormones ng thyroid gland, maaaring magkaroon ng hyperthyroidism ang isang tao. Nangyayari ito dahil sa dami ng hormones ay napapabilis masyado ang paggalaw ng mga cells na nagdudulot naman ng pagbilis ng tibok ng puso.

Kung masyadong aktibo ang mga cells ng katawan, marami pang mga senyales ang posibleng maranasan ng isang tao bukod sa pagbilis ng tibok ng puso. Kabilang na sa mga ito ang pagkakaroon ng mga problema sa buwanang dalaw ng mga babse, biglaang pagbaba ng timbang, hirap makatulog at sobrang pinagpapawisan. Maliban sa mga ito ay maaari ring makaranas ng palagiang pagdumi, stress dahil sa sobrang pag-iisip, pagkapagod, hindi makapag-focus, at pagiging makakalimutin.

Sa kabilang banda, maaari ring makaranas ng kabaligtaran nito ang isang tao, o ang tinatawag na hypothyroidism. Nangyayari ito kung kakaunti naman ang pino- produce na hormones na thyroid glands. At dahil kakaunti ang thyroxine at triodothyronine sa katawan, kakaunti rin ang mga T3 na siyang kumokontrol sa pagiging aktibo ng mga cells. Kung ikaw ay mayroon nito, maaari kang makaranas ng pananakit ng tiyan dahil mabagal ang paggalaw ng iyong mga intestines, na nahdudulot naman ng constipation. Posible rin na bumagal ang pagtibok ng iyong puso na tunay na nakakabahala dahil babagal din ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan.

Marami ka pang posibleng makita o maranasang pagbabago sa iyong kalusugan kung kulang ang hormones na ginawa ng iyong thyroid gland. Halimbawa na lamang, kung ikaw ay may hypothyroidism, mabagal ang proseso ng iyong metabolism  kaya hindi malayo na madagdaagan ang iyong timbang. Ang temperatura ng ating katawan ay nakabatay din sa mga hormones nb thyroid glands kaya kung kulang nito ay bababa ang iyong body temperature at ikaw ay makakaranas ng chills o pagkalamig. Bukod pa diyan ay maaari ka ring makaramdam ng pagkapagod at pagkalimot, depresyon, at hirap sa pagdumi bunga na rin ng constipation. Ang mga kababaihan na mayroon ng ganitong kondisyon ay posible ring maapektuhan ang kanilang buwanang dalaw.

Ang hypothyroidism o ang pagkakaaroon ng kakulangan ng produksyon ng T4 at T3 ng thyroxine, maging ng T4 ng triodothyronine ng ating thyroid gland, ay mas madalas na nararanasan ng maraming tao kaysa hyperthyroidism o ang pagkasobra naman ng hormones na ito. Karaniwang nangyayari ito sa mga taong ang immune system ay nagkamali at inatake ang mga cells sa throid kaya nagkaroon ng sobra o kulang na produksyon. Ang kondisyong ito kung saan sariling immune system ng tao ang may dulot ay tinatawag na “autoimmune thyroid disease”. Kung ikaw ay nakararamdam na ng ilan sa mga sintomaas ng sakit na ito na aming nabanggit, mas mabuti kung ikaw ay magpapatingin na sa doktor upang mabigyan ka ng tamang diagnosis.

Kung ikaw naman ay walang kakayahang magpatingin sa doktor dahil sa hirap ng buhay, huwag kang mag-alala dahil hindi lang naman modernong medisina ang maaaring makapag pagaling sa iyo. Mayroon din namang iba pang paraan na pwede mong subukan. Meron din namang mga biyaya ang kalikasan na mga natural na gamot upang ibsan ang iyong nararamdaman. At iyan ang ituturo namin sa iyo ngayon. Kung papaano mo maaayos ang paggana ng iyong thyroid glands at kung paano mo makokontrol ang produksyon nito ng mga hormones. Ngunit bago yan, tandaan mo muna na ang hindi maayos na paggana ng thyroid gland ay dahil sa kakulangan ng iodine sa iyong katawan.

Isa pang bagay na dapat mong tandaan ay hindi nagtatrabaho ng mag-isa ang thyroid gland. Kumbaga, mayroon itong isang “control system” na siyang nagsasabi kung dapat bang dagdagan o bawasan ang inilalabas nitong hormones. Ang control system na iyan ay tinatawag na pituitary gland na matatagpuan sa ating utak. Kung dahil sa kakulangan ng iodine ay nabawasan ang produksyon ng thyroid gland, bibigyan ito ng signal ng pituitary gland upang dagdagan ito. Kung sobra naman ay magsi-signal ang pituitary gland na bawasan ng thyroid gland ang produksyon nito.

Marahil ay gustong gusto mo nang matutuhan kung paano mo maisasaayos ang iyong thyroid gland. Kaya naman huwag na tayong magpaligoy ligoy pa, maghanda ka na ng 40 piraso ng berdeng wallnuts at isang kilo ng organic honey. Hugasang mabuti ang wallnuts at pagkatapos ay tusuk tusukin ito ng karayom upang magkaroon ng maliliit na butas. Sunod ay ilagay ito sa isang garapon na may isang kilong honey at ibabad ito sa loob nito sa loob ng 40 araw. Paglipas ng isang buwan at kalahating paghihintay, handa na ito uoang ika’y tulungan. Uminom lamang nito dalawang beses isang araw sa iyong almusal at hapunan at tiyak na ikaw ay gagaling.

You may also like...