Natural na paraan para malinis at bumuti ang ating mga mata para makaiwas sa operasyon

Ang ating paningin ay isa sa mga pinakamahalagang gamit natin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ang pangangalaga dito ay dapat nating pagtuunan ng pansis sapagkat ang pagdanas ng panlalabo ng ating mata ay masasabing mahirap na kondisyon.

Isang karaniwang isyu ng ating paningin ay ang pagkakaron ng katarata. Ito ay nangyayari kapag mayroong mala ulap na substance ang lens ng ating mata. Ito ang mismong nagdudulot ng panlalabo ng ating paningin.

Ang sintomas ng dahan- dahang pagbuo ng katarata ay ang pagkupas ng kulay, panlalabo ng paningin, at mapapansin ang ring na tila halo pag tumitingin sa ilaw,  hirap din tumingin sa matinding sikat ng liwanag.

Kahit madalas itong nangyayari sa mga nakakatanda, hindi rin imposible na mangyari ito sa mga nakababata.

Ang madalas na nag sasanhin ng katarata ay diabetes, depresyon, paninigarilyo, at isama na rin ang pamamaga ng mata. Ang mabisang paraan kapag nakakaramdam na ng panlalabo ng mata ay ang malaking pababago ng iyong mga kinakain.

Siguraduhing nakakuha ng sapat na vitamin A sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at prutas na mayaman dito. Ang mga pagkain na dapat mong damihan sa pag konsumo ay repolyo, cherries at bluberries. Maari din direktang pamamaraan gaya ng paggamit ng eyedrops.

Bagamat mas madali gumamit ng commercial eye drops, naghigpit na ang karamihan ng botika sa pagbebenta nito. Kaya mas mahirap na itong bilhin di tulad ng mga nakaraang panahon. Sa kabutihang palad may mas natural at kasing bisang pamamaraan para makagawa ng eye drops. Ang dalawa sa pangunahing sangkap nito ay rosas at raspberry. Nakakagulat na malaman na ang raspberry ay nagtataglay ng madaming vitamin A na malaki ang tulong sa pagpapalakas ng blood vessels sa ating mata kaya nakakapag paigi ito ng ating paningin.

Narito ang pamamaraan kung paano gumawa ng natural na eye drops para maibalik ang sigla ng iyong paningin at mapigilan ang tuluyang pamumuo ng katarata sa iyong mata.

Mga Kakailanganin

  • Isang tasa ng rose petals
  • Apat na kutsara ng dahon ng raspberry
  • Apat na tasang pinakuluang tubig

Pakuluan mun ang tubig at ilagay ang rose petals at dahon ng raspberry. Hayaan ito kumulo ng ilang minuto. Matapos kumulo, palamigin ito. Salain ang pinakuluan para makuha ang katas. Araw-araw itong gamitin ng maingat saiyong mata. Mapapansin na sa loob lamang ng tatlong bwan ay malaki ang dulot na pagbabago nito sa iyong paningin.

Narito pa ang ilan sa mga maari mong gawin para mapag igi ang yong paningin.

TRATUHIN NG TAMA ANG YONG MGA MATA

Nabanggit na sa article na ito ang kahalagahan ng pagkain ng tama. Gaya ng ibang bahagi ng ating katawan, ang mata ay nag dedeteriorate din. Kaya importante na masupplyan ito ng mga vitamins at minerals na susuporta gaya ng Vitamin A,C, at E. Dapat din damihan ang pag konsumo ng anti oxidants gaya ng carrots. Malaki din ang maitutulong ng paginom ng multi-vitamin supplements.

MAGPAHINGA NG MAIGI

Ang pagtulog ay may malaking benepisyo para sa kalusugan ng iyong mata. Gayon din ang pagpapahinga sa mga araw na may trabaho. Importante ang pagkakaron ng sapat na pahinga lalo na kung nakababad ka sa computer mag hapon. Maaring mapagod ng husto ang yong mata, o makaranas nag tinatawag nating “eye strain”. Ito ay maiiwasan kung magpapahinga ka ng sampung minuto kada 50 minuto na pagkakaharap sa screen ng iyong computer. Magagawa ito ng madali sa pamamagitan ng pagtitig sa ibang bagay sa malayo,

Merong tinatawag na 10-10-10 Rule na kung saan kailangan mong tumingin sa isang bagay  10 talampakan ang layo ng 10 segundo kada 10 minuto mong nagttrabaho sa harap ng computer.

Sa karagdagan, ang pagtulog ng kumpletong walong oras sa gabi ay talagang malaki ang epekto sa kalsusugan ng yong mga mata. Gaya ng buong katawan, ang pagkakaron ng hustong pahinga ay nagdudulot ng mabuting kundisyon para gawin ang mga bagay na dapat nating gawin. Kung malimit kang nakakatulog ng wasto o di kaya’y nag papahinga ng mata mula sa pagkababad sa computer. subukan mo itong gawin sa loob ng isang linggo at tignan ang laki ng diperensyang madudulot nito sayong mga mata.

MAGSAGAWA NG EHERSISYO PARA SA MGA MATA

Isa sa pinaka mabilis na paraan para mapagigi ang paningin ay ang pagsasagawa ng ehersisyo para sa iyong mga mata. Ang ehersisyong ito ay naglalayon na mapalakas ang mata at ang mismong paningin.Ang pag eexercise din ng mata ay maaring magdulot ng iyong pangangailangan gumamit ng contact lenses o salamin sa mata. Una sa lahat ay kailangan mo ng regular na oras at pagsasagawa nito araw araw, ito ay magtutulak sayo na gawin ito pang araw araw kaya makakamit ang mas malinaw na paningin ng mas mabilis.

Una, kailangan mag lagay ng konting init sa mga mata, gawin ito sa pamamagitan ng pagkiskis ng iyong mga palad at pag may init na ay ipatong ito sa iyong mga nakapikit na mata. Hayaan ito sa ganong posision ng lima hanggang sampung minuto at ulitin. Ito ay bilang paghahanda sa gagawing eye exercise.

Simulan ang ehersisyo sa pamamagitan ng pag ikot ng iyong mga mata. Isa ito sa pinakamadaling ehersisyo. Tandaang hindi dapat pagurin ang mga mata kaya itigil ito kung nagsimula ng sumakit. Tumingin pataas sa pinakamalayong kakayanin mo. Tapos ay sa baba naman ibaling ang iyong paningin. Ulitin ito ng sampung beses. Matapos ay tumingin naman sa dalawang gilid, kanan at kaliwa ng sampung ulit din. Tumingin din sa diagonal na mga direksyon at ikutin muli ang mata ng counter-clockwise ng sampung beses. Gawin din ito ng pabaligtad na direksyon parehas din ng bilang.

Sumunod naman ay kumuha ng lapis o bolpen at hawak ito isang dipang layo, Siguraduhing pantay lang sa iyong mata ang lapis. Titigang mabuti ang tasa o point ng lapis o bolpen habang inilalapit ito sa iyong mukha, mag iwan ng anim na pulgadang layo bago ito ibalik sa unang posisyon. Tandaang dapat itong gawin ng mabagal at tumingin lamang sa tasa. Ulitin ng sampung beses.

Masahihin naman ang mata pagtapos ng ehersisyo.Magsimula ng pagmamasahe sa sentido gamit ang yong mga daliri. Igalaw ito pakanan ng ilang ulit, tapos ay pakaliwa naman.Masahihin din ang mga parte ng iyong kilay at ilalim ng mata. Siguraduhing napakagaan lamang ng iyong hagod sa lilalim ng mata dahil sobrang sensitibo ng parteng ito.

Matapos ng buong ehersisyo, gawin ulit ang pagpapainit ng mata gamit ang kinuskos mong mga palad. Kung pagod na pagod ang iyong mata pwede mo itong ipikit ng ilang saglit.  Ang pagpapahinga ng yong mga mata ng madalas ay sadyang makakatulong sa kabutihan ng iyong paningin.

You may also like...