Paano tanggalin ang mga stretch marks natin gamit ang aspirin

Ang stretch marks ay kilala bilang mga mahahaba at madaling mapansin na mga kulay puti na linya na kadalasang makikita sa balat at sa mga kasingit singitan nito kagaya na lamang sa may bandang kili kili, sa may bandang hita, sa may puwit, sa tiyan at maging sa mga suso ng kababaihan. Ito ay kadalasang ikinahihiya ng mga tao dahil hindi ito kaaya ayang pagmasdan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nababawasan ang self-confidence at self-esteem ng isang tao.

Ang mga stretch marks na ito ay madalas na nangyayari kapag nagkakaroon ng sira sa skin layers sa collagen ng dahil sa sobrang pakaunat ng mga balat. Ito ay madalas na nangyayari sa mga tao na dating payat at tumaba o sa mga dating mataba at pumayat. Ang karaniwan ding mag dahilan kung bakit nagkakaroon nito ang isang tao ay dahil sa pagunat ng balat sa pagbubuntis dahil lumalaki ang tiyan ng nito, madalas din itong minamana o nasa lahi, kasama na rin ang mabilis na paglaki at higit sa lahat ang pagkakaroon ng stress.

Mabuti na lamang at mayroong napakaraming bilang ng mga natural na pamamaraan na maaring gamitin ng kahit na sino upang matanggal ang mga stretch marks na ito sa madaling paraan at hindi mo na kinakailangang mahirapan at mahiya pa. Hindi kagaya ng ilang mga produkto na iyong makikita upang mawala lamang ang mga ito, ang mga remedy na ito ay talagang makatutulong para sa iyo at hindi mo na rin kinakailangan pang magalala sapagkat hindi ito nagtataglay ng kahit na anong negatibong epekto.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ipapakita sa inyo ang ilan sa mga pamamaraan na maari ninyong gamitin at sundan lamang ang mga instructions upang matulungan sa problema na ito. Magugulat ka na lamang sapagkat sa paglipas ng panahon ay mawawala na ng tuluyan ang mga putting marka na ito ng hindi ka man lang nahihirapan. Unti unti na ring babalik ang sigla at ganda ng iyong balat at magsisimula ka na muling magkaroon ng tiwala sa iyong sarili at ipakita ang iyong natural na ganda. Maari mo na ring masuot ang mga damit na noon ay hindi mo kayang suotin ng dahil dito.

Narito na ang ilan sa mga panlunas na maari mong gamitin sa stretch marks:

  • Olive Oil

Ang olive oil ay isang sangkap na kadalasang nakikita at ginagamit sa loob ng kusina ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na ito ay maari ring gamitin para sa ganitong klase ng sitwasyon. Ito ay nagtataglay ng maraming nutrisyon at antioxidants na talagang makatutulong upang paunti unting matanggal ang mga stretch marks na nakikita sa katawan ng isang tao. Kinakailangan mo lamang na gumamit ng isang medyo mainit na extra virgin olive oil at simulan mong imasahe ang oil na ito sa mga apektadong parte ng iyong katawan sa tulong ng paikot ikot na galaw ng iyong mga daliri. Iwan mo muna ito sa loob ng ilang oras upang ito ay gumana at maging mabisa upang mas magtagal ito sa iyong balat at masipsip ito ng maayos.

  • Aspirin

Ang paggamit ng aspirin sa ganitong pamamaraan ay talagang nakakapanibango at kakaibang pakinggan ngunit ito ay isang napaka epektibong uri ng pamamaraan na talagang gagamitin ng kahit na sino. Ang isang sangkap na siyang gawa dito ay chemically related sa salicylic acid na siyang nakakatulong upang mas mapaganda ang balat, upang matanggal ang mga acne at maging ang mga peklat na nakikita sa balat at higit sa lahat ay pinapaliit din nito ang mga keloids.

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang makagawa ng isang remedy para sa iyong mga stretch marks sa tulong ng aspirin. Kinakailangan mo lamang na durugin ang hindi magkukulang sa tatlong (3) tableta ng aspirin hanggang sa ito ay tuluyang maging pino. Pagkatapos ay maari mo na itong ihalo sa ilang patak ng tubig hanggang sa ito ay tuluyan ng magmasa. Maari mo ng ipahid ang solusyon na iyong nagawa sa mga apektadong bahagi ng iyong katawan at pabayaan mo lamang itong gumana sa loob ng labing lima (15) hanggang sa dalawampung (20) minuto bago mo tuluyang hugasan at linisan ang mga parte na nilagyan mo nito. Magugulat ka na lamang sa kakaiba at mabisang epekto na mayroon ang aspirin na ito para sa ikagaganda ng iyong balat.

  • Egg Whites

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang puti ng itlog ay hindi lamang pwedeng kainin ngunit maari rin itong gamitin bilang tulong sa iba’t ibang klase ng mga kondisyon. Ang puti ng itlog ay talagang kilala dahil sa mabisang kakayahan na meron ito pagdating sa pagtanggal sa mga stretch marks. Ito ay mayaman sa parehong amino acids at protina na siyang nakakatulong upang ito ay maging epektibo. Kinakailangan mo lamang na batahin ang dalawang (2) puti ng itlog sa tulong ng isang tinidor. Pagkatapos ay maari mo na itong ipahid sa mga apektadong parte ng iyong balat gamit ang isang malinis at manipis na brush. Pabayaan mo lamang ito sa loob ng ilang minuto hanggang sa ito ay tuluyan nang matuyo bago mo hugasan gamit ang maligamgam na tubig. Maari mo itong tapusin sa paggamit ng olive oil sa iyong balat. Ang pamamaraan na ito ay maari mong ulitin ng mas madalas sa loob ng dalawang (2) linggo upang makita mo ang epekto na taglay nito.

  • Lemon Juice

Ang lemon ay talagang mabisa pagdating sa pagtanggal ng mga stretch marks ng dahil sa acidic property na mayroon ito. Sa katunayan, ito rin ay mayroong kakayahan na mabawasan ang mga peklat na siyang mayroon ka ng dahil sa acne sa tulong lamang ng sangkap na ito. kinakailangan mo lamang na hiwain sa dalawa (2) o kalahati ang lemon at gamitin mo ito para ipahid sa mga apektadong parte ng iyong balat gamit ang paikot ikot na galaw. Hayaan mo lamang itong gumana sa loob ng ilang minuto bago mo tuluyang linisan at hugasan sa tulong ng tubig.

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin at hindi mo na rin kinakailangang gumastos pa ng malaki upang malunasan lamang ang kondisyon na ito. Sundin mo lamang ang mga pamamaraan na ito at tiyak na maibabalik ang dating ganda at sigla ng iyong balat at magugulat ka na lamang dahil tuluyan na ring mawawala ang mga stretch marks sa iyong balat.

You may also like...