Paano tanggalin ang visible skin pores gamit lamang ang 1 ingredient

Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo ang mayroong kagustuhan na magkaroon ng isang maganda, maputi at makinis na balat mula ulo hanggang sa kanilang paa. Marahil ito ang talagang napapansin ng mga tao lalong lalo na ang balat sa iyong mukha. Ito ang madalas na nagiging basehan ng kagandahan at kakinisan ng katawan. Kung makinisang iyong mukha ay tiyak na maraming bilang ng mga kalalakihan ang naghahabol at nagkakagusto sa iyo.

Sino ba naman ang gugustuhin na hindi maging maganda ang kanilang itsura lalo na kapag sila ay nasa harap ng kanilang mga mahal sa buhay? Kaya’t napakaraming bilang ng mga kababaihan at maging ng mga kalalakihan ang talagang gumagawa ng iba’t ibang klase ng mga pamamaraan upang maging maayos, maganda at makinis lamang ang kani kanilang mga mukha at mga balat. Handa silang gumastos ng malaking halaga at handa rin silang subukan ang iba’t ibang uri ng mga produkto na makatutulong upang makamit nila ang kanilang kagustuhan. Sa kabilang banda, lingid sa kanilang kaalaman na ang ilan sa mga produkto na ito ay nagtataglay ng mga kemikal na mayroong kakayahan na sirain at makapagdulot ng negatibong epekto sa kanilang mga balat kaya kinakailangan ang ibayong pagiingat patungkol sa paggamit ng mga produkto na ito.

Isa ka ba sa mga tao na siyang nagdurusa sa oily skin? Ito ay mayroong malalaki at madaling mapansin na skin pores na siyang madalas na kainisan ng mga tao. Dahil sa kadahilanan na ito, napakaraming bilang sa kanila ang gustong gustong paliitin ang mga ito. Katulad na lamang ng aming nabanggit kanina, mayroong mga mura at ilang produkto na siyang nakikita sa mga pamilihan upang maresolbahan ang problema na ito, ngunit ang tanong ay sigurado ka ba sa mga produkto na ito?

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga natural at mabisang mga home remedies na siyang makatutulong upang maresolusyonan ang ganitong klase ng problema. Hindi mo na kailangan pang gumastos ng malaki at mahirapan sa pamimili sapagkat napakasimple lamang ng pamamaraan na iyong gagawin upang magawa ang natural na remedy na ito. Gagamitan mo lamang ito ng dalawa o tatlong klase ng mga sangkap na lubhang makatutulong upang makuha mo ang iyong ninanais para sa iyong sarili.

Narito na ang mga natural na pamamaraan para sa pagalis ng malalaking pores:

  • Tubig at Baking Soda

Napakasimple lamang ng kailangang mong gawin para sa remedy na ito. Paghaluin mo lamang ng mabuti ang dalawang (2) kutsara ng parehong baking soda at tubig. Pagkatapos ay gamitin ang resultang paste nito sa iyong mukha at iwanan mo muna ito pansamantala sa loob ng mahigit kumulang labing limang (15) minute upang matuyo. Kapag mahigpit na ang mascara ay banlawan mo na ito sa tulong ng malamig na tubig.

  • Cucumber at Lemon Juice

Ang kakailangan mo lamang na gawin para sa remedy na ito ay balatan ang isang (1) pirasong cucumber at durugin ang mga balat nito. Dagdagan mo ng isang (1) kutsarita ng rosewater at ilang patak ng lemon juice. Ilagay ang pinaghalong mga sangkap na ito sa isang malinis na tela, tiklopin ng maayos at gamitin bilang pamahid o pangmasahe sa mukha. Sa huli ay maghugas ng malamig na tubig.

  • Eggwhite at Lemon Juice

Mayroong mga pagkakataon na kakailanganin mong gumawa ng sarili mong natural face mask sa tulong lamang ng ilang patak ng lemon juice at dalawang (2) puti ng itlog. Gamitin moa ng mascara na ito sa iyong mukha at hayaan mo ito sa loob lamang ng ilang minuto upang tuluyang matuyo. Pagkatapos ay banlawan mo ito sa tulong ng malamig na tubig. Ang mascara na ito ay mayroong kakayahan na makatulong upang unatin at paliitin ang mga skin pores at upang matanggal na rin ang mga dead skin cells at oils sa mukha.

  • Tomato at Lime Juice

Sa isang (1) tomato juice, kakailanganin mong idagdag ang dalawa (2) hanggang sa apat (4) na patak ng lime juice. Gamitin ang likidong ito sa iyong mukha sa tulong ng isang (1) piraso ng cotton ball at pabayaan mo ito sa iyong mukha sa loob ng halos labing limang (15) minuto. Pagkatapos ay banlawan mo na ito gamit ang malamig na tubig.

Ang oil na siyang matatagpuan sa iyong mukha ay matatanggal sa tulong ng acid na siyang matatagpuan sa lime at sa paggana ng kamatis bilang isang astringent. Inuunat din nito ang mga balat at sinasara ang mga nakabukas na pores.

  • Almond at Lime Juice

Kakailanganin mo lamang na maglagay ng ilang piraso ng almonds sa isang maliit na pinggan na mayroong tubig at pabayaan mo lamang ito na nakababad sa loob ng magdamag. Sa umaga sa iyong pagkagising, lamasin moa ng almonds upang ikaw ay makabuo ng paste. Magdagdag lamang ng isang (1) kutsarita ng lime juice sa paste na ito. Gamitin mo ito sa iyong mukha at pabayaan mo ito sa loob ng mahigit kalahating oras upang matuyo. Pagkatapos ay banlawan mo na ito sa tulong ng malamig na tubig.

  • Lemon at Pineapple Juice

Kakailanganin mo lamang na pigain ang katas ng kalahating (1/2) lemon at ihalo mo ito sa kalahating (1/2) tasa ng pineapple juice. Ibabad mo ang isang (1) face cloth sa tulong nito at ilagay mo ito sa iyong mukha sa loob lamang ng limang (5) minuto. Pagkatapos ay banlawan mo na ang iyong mukha gamit ang malamig na tubig.

Ang enzymes na siyang taglay ng pineapple ay mayroong kakayahan na makatulong upang malinis at unatin ang iyong balat sa iyong mukha. Bukod pa dito, ito rin ay sinasabing nagtataglay ng isang mabisang astringent effect ng acid na siyang nag mula pa sa lemon juice.

Subukan mo ang ilan sa mga natural na pamamaraan na ito upang tuluyan ng maalis at mawala ang iyong problema patungkol sa iyong oily na mukha at malalaking pores. Simulan mo na itong gawin sapagkat wala namang mawawala kung gagawin mo diba? Hindi mo rin kailangang magalala sapagkat lahat ng mga sangkap na iyong gagamitin ay mga natural na sangkap na nagtataglay ng positibong epekto para sa iyong balat. Magugulat ka na lamang sa resulta na ipapakita nito pagkatapos ng ilang beses ng iyong paggamit.

You may also like...