Pagkain na dapat nyong kainin para malwa or lumiit ang tumor, cyst at cancer

Ang mga Pinoy or mas kilala bilang Filipino ay likas na mga masasayahing tao. Sila ay mahihilig sa mga masasarap na klase ng mga pagkain at putahe na siyang palaging nakahain sa hapag tuwing mayroong mga okasyon tulad na lamang ng kasalan, fiesta, kaarawan at marami pang ibang espesyal na okasyon. Hindi magiging kumpleto ang saya na mayroon ang bawat pamilya kung wala ang masasarap at madaming pagkain sa gitna ng lamesa.

Sa kabilang banda, mayroon namang klase ng mga pamilya na kung saan masyadong marami ang gawaing na madalas gawin sa isang araw kaya walang oras upang makapaghanda ng makakain, kaya sa huli, ang pamilya ay madalas kumain sa mga fast food chains na lamang. At dahil sa kinahiligan ng mga tao sa pagkain sa ganitong klaseng mga pagkain, ito ay itinuturo bilang pangunahing sanhi ng kanser sa mga Pinoy. Gayunpaman, kahit ang kanser ay laganap at kilala sa buong mundo, sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong mataas na bilang ng mga taong nagkakanser, sa mga bata man o matatanda. Upang mas malinawan patungkol sa sakit na ito ating alamin at kilalanin ang sakit na kanser, cyst at tumor sa mga kalusugan ng tao.

Ano ang Kanser o Cancer?

Ang kanser or kilala sa ingles bilang Cancer ay isang malalang sakit na siyang nakakapekto hindi lamang sa isa kung hindi sa iba’t-ibang parte ng katawan ng tao. Kung ito ay maagapan sa lalong madaling panahon, mayroong malaking tyansa na ito ay may magamot, ngunit sa kabilang banda, kung ito naman ay mapababayaan at hindi mabibigyan ng agarang pansin, maari itong magdulot ng kamatayan. Napakaraming tao, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo ang nagkakasakit at tuluyang namamatay ng dahil dito, lalo na at wala pang tiyak na lunas o paraan upang tuluyang magamot ang sakit na ito.

Lahat ng mga bagay na mayroong buhay sa mundo, kabilang na ang mga katawan ng tao, ay mayroong mga maliliit na cells na makikita lamang sa pamamagitan ng mircroscope. Mayroong mga pagkakataon na kung saan ang mga cells na ito ay unti unting nagiiba at nagbabago, sila ay lumalaki sa abnormal na paaran at nagreresulta sa tumor. Mayroon din namang mga klase ng tumor na kusang gumagaling at nawawala. Sa kabilang banda, mayroon ding mga lumalaki, kumakalat, dumadami at kalaunan ay nagiging sanhi ng malala at nakakamatay na sakit. Ang karamihan sa mga tumor ay hindi naman tumutuloy sa pagiging kanser ngunit mayroon ding iilan na kung saan tumutuloy sa klase ng sakit na ito.

Sa totoo lamang, ang kanser ay nagsisimula kung sa panahon na kung saan ang isang cell ay hindi na kayang makontrol sa loob ng katawan ng tao. Kung ito ay mabibigyan ng pansin at lunas sa lalong madaling panahon, ito ay maaring matanggal sa pamamagitan ng operasyon, paginom ng mga gamot at maging sa radiation. Kung ito ay magagawa, mayroong malaking tyansa na ito ay tuluyang maagapan at gumaling. Subalit, kung ang kanser ay napabayaan at tuluyan namang kumalat sa buong katawan, ang pagbibigay ng lunas dito ay tiyak na magiging mahirap at magiging imposible na rin ang paggaling nito.

Ang kanser na karaniwang nararanansan ng mga babae ay ang kanser sa cervix, suso at matres. Sa kabilang banda, ang karaniwang klase naman ng kanser na nararanasan ng parehong babae at lalaki ay ang cancer sa baga, bituka, atay, tiyan, bibig at maging kanser sa balat.

Ano ang tumor?

Ang tumor ay kilala bilang isang malaking limpak ng mga tissue na nabubuo kapag nagkakaroon ng abnormal na paglaki ng selula o kilala rin sa ingles bilang cells. Sa normal na kalagayan, ang mga cells ay natural na namamatay at kusa ring napapalitan ng mga bagong cells habang ang tao ay tumatanda at nagkakaroon ng edad. Kung ikaw ay mayroong kanser o tumor, hindi mamamatay ang mga cells na ito sa loob ng iyong katawan. Samantalang ang mga cells naman ng tumor ay kusang lumalaki at dumadami kahit hindi naman talaga ito kailangan ng katawan, at hindi ito katulad ng mga normal na matatandang cells, dahil ang mga cells ng tumor ay hindi talaga namamatay. Sa pagpapatuloy ng proseso na ito, ang tumor ay patuloy pang lalaki habang ito ay dumarami naman ng dumarami at kumakalat sa katawan or sa iisang parte lamang.

Ang pangunahin at pinakakilalang tumor sa buong mundo ay ang tumor sa utak na siyang nagmula sa iba’t ibang mga cells na siyang bumubuo sa utal at sa central nervous system at ito ay binibigyan ng pangalan depende sa uri ng cells na kung saan sila ay nagmula. Ang pinaka madalas at kilalang uri ng brain tumor ay ang gliomas at astrocytic tumor. Ang mga klase ng tumor na ito ay nabubuo galling sa astrocytes at iba pang selulang glial, mga selulang nagpapanatili ng kalusugan ng mga nerves sa katawan ng tao.

Ano ang cyst?

Ang cyst ay karaniwang nangyayari o karaniwang nagkakaroon nito ay ang mga kababaihan, lalo na sa kanilang obaryo ng hindi bababa ng isang beses sa kanilang tanang buhay. Karamihan sa mga bukol na ito ay sadyang hindi talaga masakit, walang ipinapakita na mga sintomas, at ito lamang ay napapansin sa mga naka schedule na pelvic examination.

Ang ilan sa mga sintomas ng taong mayroong cyst ay ang biglaang pagkahilo, madalas na pagsusuka, masakit na pagdumi at pagkaranas ng sakit habang nakikipagtalik.

Sa bihirang mga pagkakataon, ang ovarian cyst ay maaring maging sanhi ng mga seryosong problema at mga komplikasyonm kaya’t kung meron ka nito o nagdadalawang isip ka na kung ikaw ba ay mayroon nito, agad ka ng lumapit at kumonsulta sa isang espesialista or dokto sa lalong madaling panahon.

Sa mga problema na katulad na lamang ng aming nabanggit kanina kagaya ng kanser, tumor at cyst, ang pagkain na aming ibabahagi sa inyo ay maari ninyong kainin upang bahagyang makatulong sa pagliit ng tumor at cyst at maging sa pagtulong sa mga sintomas ng kanser.

Ito ang mga pagkain na maari ninyong kainin:

  • Tofu or kilala rin bilang Tokwa
  • Mongo o kilala rin bilang Toge

Mga benepisyo na makukuha mula sa Tofu o Tokwa 

Ito ay mayroong mga anti-aging at nakatutulong din sa pagpapababa ng kolesterol. Dahil dito, ito ay higit na nakatutulong sa pagpapababa ng timbang. Ang Tofu o Tokwa ay kilala dahil sa taglay nitong tulong na naidudulot para sa balat ng tao na kung saan ito ay nakatutulong para sa pagbalanse ng mga hormones sa katawan ng tao lalong lalo na sa mga kakabaihan. Madalas na nirerekomenda na sila ay madalas kumain ng tofu or uminom ng soymilk.

Mga benepisyo na makukuha mula sa Mongo o Toge

  • Hirap sa pag-ihi

Ang paginom sa pinaglagaan ng mongo ay higit na makatutulong upang mapanumbalik ang normal na pag-ihi ng tao, lalo na sa may sakit na kaugay nito.

  • Ubo 

Katulad ng nasabi sa naunang benepisyo nito, ang paginom ng pinaglagaan ng mongo ay higit na makatutulong upang malunasan ang ubo na madalas maranasan ng mga tao, lalo na sa malalamig na panahon.

  • Hirap sa pagdudumi o constipation

Ang madalasang pagkain ng nilagang mongo ay mabisang lunas para sa kondisyon ng constipation o kilala bilang pagtatae.

  • Pagpapasuso ng gatas 

Ito ay lubhang epektibo sa pagpaparami ng gatas na nailalabas mula sa suso ng isang ina upang mapakain ang kanilang mga sanggol. Ang kailangan mo lamang gawin ay uminom ng sabaw ng pinaglagaan ng mongo.

  • Iritasyon sa balat 

Ang iritasyon sa balat na dulot ng paglalagay ng kung ano anong klaseng kolorete o pagpapaganda sa mukha at katawan ay maaring pahiran ng nilaga at dinikdik na buto ng mga mongo.

  • Mainam maka gamot sa cancer cell

Kung ikaw ay mayroong diabetes at kanser, ang red rice ay lubhang mabuti para sa iyong kalusugan at pangangatawan. Ito ang iyong dapat na kainin sa pang araw araw kaysa sa normal na kanin.

You may also like...