Pano gamitin ang kalabasa para labanan ng kolesterol, taba at triglycerides sa katawan

Ang mga pinoy ay mahilig sa mga handaan at kainan. Siguro nga ay ito ang paboritong gawin ng maraming tao. Bakit naman hindi? Sa pamamagitan ng pagkain ay nagkakaroon tayo ng mga sustansyang kailangan na ating katawan upang gumana ng maayos. Mga sustansyang kailangan natin upang maging malusog tayo at malayo sa mga karamdaman. Tunay nga at malaki ang epekto ng mga pagkaing ating kinokonsumo sa kabuoan ng ating kalusugan. At isa pa, talaga namang masarap kumain kaya hindi natin masisisi ang mga taong paboritong gawin ito. Lalo na kung may kakayahan ka namang bumili o makuha ng makakain, walang dahilan upang iwasan ito.

Bagaman sa ating mga kinakain tayo kumukuha ng halos lahat ng sustansya na kailangan ng ating katawan, hindi ibig sabihin nito na wala na silang masamang maidudulot sa atin. Tandaan na ang kahit na anong sobra ay masama, pati na rin sa pagkain o inumin. Kahit gaano pa kasustansya an gating kinakain, nakakasama ito sa kalusugan kapag sobra na ang pagkonsumo. Mayroon lang kasing tamang level ng bawat nutrient ang kailangan natin, ang sobra sa bilang na  ito ay makasasama na. Halimbawa na lamang, kailangan ng ating katawan ang sodium at iba pang minerals, at binabantayan ng kidney ang kanilang tamang level. Subalit, kapag kumain ka ng kumain ng pagkaing mataas sa sodium kagaya na lamang ng mga processed food ay magkakaroon ng imbalance sa mga kidney, na nagiging dahilan ng pagkabuo ng mga kidney stones.

Isa pang halimbawa ay ang fats o cholesterol. Ang tamang level nito ay kailangan din sa maayos na pagpapadaloy ng dugo sa ating buong katawan. Subalit, dahil sa pagkonsumo ng napakaraming pagkaing may mataas na cholesterol content ay maaaring malagay sa peligro ang iyong puso. Ang mga LDL o bad cholesterol kasi ay kayang bumara sa mga blood vessel o ugat. Kapag sila ay humarang sa dinadaanan ng dugo ay masyadong mapapagod an gating puso sa pag-“pump” ng dugo para lang hindi mahinto ang pagdaloy nito. Ang pangyayaring ito ang magiging sanhi ng pagtaas ng presyon o ng blood pressure, na kapag hindi naagapan ay maaaring mauwi sa iba’t ibang karamdaman sa puso tulad ng hypertension, stroke, Coronary Artery Disease o CAD, atbp.

Nakakabahala at nakakatakot ang pagkakaroon ng kahit na anong sakit sa puso dahil malaki ang tyansa na mauwi ito sa pagkalagot ng hininga. Sa katunayan nga, pinangalanan ng American Heart Association (AHA) ang cardiovascular disease bilang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng tao dahil sa sakit. May mga pagkakataon na genetics ang dahilan kung bakit may sakit sa puso ang isang tao subalit madalas ay dahil ito sa pagkakaroon ng unhealthy lifestyle. Tao mismo ang nagdadala nito sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng hindi madisiplinang pagkain at kakulangan ng ng mga aktibong aktibidad gaya ng pag-eehersisyo.

Ang mataas na cholesterol level ay nangangahulugan ng hypertension o high blood pressure. Ito ang puno’t dulo ng halos lahat ng uri ng cardiovascular diseases. Nabanggit na kanina na ang pagbabara sa mga veins at arteries ang sanhi ng kondisyong ito, na dahil naman sa sobrang pagkonsumo ng tao ng fat-rich foods at hindi malusog na pamumuhay na laganap sa mundo ngayon. Kaya naman sa kasalukuyan ay pabata na ng pabata ang mga nagkakaroon ng sakit sa puso. Kung dati ay mga may edad lang ang karaniwang tinatamaan ng sakit na ito, ngayon ay kahit ang mga kabataang nasa kanilang 20s ay pwede na ring magkasakit.

Mabuti na lamang at maraming paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng cardiovascular disease, at kung paano ito gamutin kung ikaw ay nakararanas na nito. Lalo na kung hindi pa naman ito gaanong kalala. Maaaring magbigay ng mga prescriptions sa iyo ang mga doctor para dito. Pwede ka nilang resetahan ng maintenance upang hindi na bumalik pa ang iyong sakit.

Sa sarili mo ay pwede ka ring gumawa ng paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdamang ito.Dahil nga isang malaking factor ang lifestyle dito, isang mabisang paraan ay ang pagkakaroon ng malusog at aktibong pamumuhay. Para gawin ito ay kailangan mo nang umiwas sa mga hindi magagandang bagay na nakasanayan mo na. Halimbawa na lamang, iwasan na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang dalawang ito ay isang “combination” na malaki ang masamang epekto sa iyong kalusugan. Sa kabilang banda naman ay dapat ugaliin mong kumain ng mga masusustansyang pagkain kagaya ng prutas at gulay, at umiwas sa mga unhealthy foods gaya ng processed food, fast food, at synthetic sugar.

Ang pag-eehersisyo ay isa ring mabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Lalo na sa mga taong masyadong mataas ang timbang o “obese”, ito ang kailangan nila upang makasigurong hindi sila aatakihin sa puso. Ang pagkakaroon ng timbang ay malaking tulong upang mapanatili ang kalusugan ng isang tao kaya naman, pag-eehersisyo at pagkakaroon ng aktibong lifestyle ang kailangan. Sabayan pa ng pagkakaroon ng balance diet ay tiyak na mapoprotektahan mo ang iyong sarili mula sa mga karamdaman tulad ng heart diseases.

Bukod sa medikasyon, pagkakaroon ng healthy lifestyle, at pag-eehersisyo, maaari ka ring gumamit ng mga alternatibong gamut upang malunasan o mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Ituturo naming sa artikulong ito kung paano malalabanan ng isang uri ng gulay ang kolesterol, fats, at triglycerides upang maiwasan ang pagtaas ng blood pressure na nagiging sanhi ng cardiovascular diseases. Wala kang dapat ipag-alala dahil marami na ang sumubok na gawin ito at sinabi nilang tunay nga itong epektibo. Ligtas ito at walang kahit na anong masamang side effect kaya hindi ka na dapat mag-alinlangan pa. Bukod diyan ay masarap pa ito kaya talagang magugustuhan mo.

Ang kailangan mo lang gawin ay bumili ng sariwang pumpkin o kalabasa sa palengke o kaya sa grocery. Hugasan itong maigi, balatan, hiwain sa maliliit na mga piraso, at saka ilagay sa blender at haluin. Pwede mo itong samahan ng kaaunting tubig upang hindi ito maging masyadong malapot. Kapag tapos na ay mayroon ka nang smootie gawa sa kalabasa. Inirerekomenda na ito ay inumin sa loob ng isang buwan o tatlumpung (30) araw, kada umaga sa iyong paggising bago ka kumain ng kahit na ano.

Ating tandaan na ano man ang ating kainin, inumin, o kaya naman ay gawin ay may malaking epekto sa ating kalusugan. Kaya naman, sanayin natin an gating sarili na sa mga aspetong ito ay palaging may kaakibat na disiplina at sustansya. Huwag basta kung ano ano lang ang ating kainin at inumin, isipin muna natin kung anong maidudulot nito sa ating katawan. Huwag din porke marami kang ginagawa ay kalilimutan mo nang mag-ehersisyo. Alalahanin na mahalaga rin ito para sa ikabubuti mo.

You may also like...