Pano gamitin ang nilagang itlog para pumayat tayo.

Ang mga itlog ay kilala na mababa sa calorie at mataas naman sa protein, vitamins B12 at D, at mga antioxidants kagaya ng lutein at zeaxanthin. Kainin mo man ito sa kahit na anong uri ng luto, mapa hard boiled man o prito, parehas lamang ang nutrisyon na taglay nito at mababa parin ang calorie na meron ito. Kung tutuusin, ang isang malaking itlog ay nagtataglay ng halos 12% ng protein na iyong kinakailangan sa pang araw araw. Ang pagkain nito ay nakatutulong sa pagbawas ng taba at timbang sa madaling paraan lamang. Kinakailangan mo lamang na kumain ng isang pirasong itlog sa pang araw araw, lalo na kung hindi ka diabetic.

Ang isang pirasong itlog na nasa 50 grams ay mayroong o carbohydrates, 6 grams na protina, lahat ng siyam na mahahalagang amino acids at lahat ng vitamins B, 1 mcd ng vitamin D, 0.4 mcg ng vitamin B12 at mahigit 147 milligrams ng choline.

Kung isa ka sa mga taong nagpaplano na mabawasan ang kanilang timbang, ang karamihan sa mga eksperto ay sasabihinat irerekomenda na kumain ka ng itlog sa pang araw araw. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng mga nutrisyon na kailangan ng isang tao ngunit nakakatulong din ito upang ikaw ay mas mabilis na makaramdam ng kabusugan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang itlog ay madalas na kasama sa almusal para sa mga taong gustong magbawas ng timbang. Pero lahat ba ng itlog ay mabisa sa pagpapababa ng timbang? Hindi, dahil ang pinaka magandang luto ng itlog ay ang hard boiled eggs para sa pagpapapayat.

Narito ang mga dahilan kung bakit mas nakakatulong sa pagpapapayat ang hard-boiled eggs:

  • Ito ay may 70 na calories lamang

Sa lahat ng sustansiya na siyang taglay ng itlog, ang pinakamaganda rito ay ang mababang antas nito ng calories. Ito ay nagtataglay lamang ng 70 na calories kada itlog na siyang nagmumula sa fat at hindi sa carbs. Alam mo ba na ang unang hakbang sa pagbawas ng timbang ay ang paglimita sa mga calories na iyong kinakain sa pang araw araw.

Maari ka ring kumain ng nilutong itlog pero huwag lamang ang pritong anyo nito. Ang itlog na prinito ay maari mong kainin kung ang gamit mo ay olive oil lamang dahil mas maganda ito para sa kalusugan pero dapat mong malaman na nakakadagdag pa rin ito sa calories.

Kahit na gusto mo man ito o hindi, ang hard-boiled eggs lamang ang dapat mong kainin dahil kapag binago mo ang pamamaraan kung paano mo ito lulutuin ay maari ring makapagpabago ng antas ng calorie na mayroon ito, lalong lalo na kung ito ay iprinito. Maari nitong pataasin ang iyong calorie intake sa halos 90 calories.

  • Ito ay nakatutulong sa mabilis na pagpapabusog kaysa sa cereals

Ang weight loss property na mayroon ang itlog ay dahil sa taglay nitong protein. Ang mga pagkain na nagtataglay ng mataas na antas ng protein, fiber at tubig ay kilala na nakatutulong sa mabilis na pagpapabusog o ang pakiramdam na ikaw ay nakakain na ng sapat at hindi mo na kakailanganin pang kumain mamaya. At isa ang itlog sa mga pagkain na ito na mayroong mataas na satiety index.

Gayunpaman, ang mga pagkain na mataas sa fat ay kadalasang binabawasan ang pakiramdam ng kabusugan. Kaya ang mga pritong itlog, kahit na pa ito ay malasa, hindi ka pa rin mabubusog pagkatapos mong kumain nito kumpara sa itlog na hard-boiled.

Dapat mo ring malaman na ang pagkain sa hard-boiled egg bilang almusal ay maari mo lamang na magamit sa pagbabawas mo ng iyong timbang kung babawasan mo rin ng kabuuang pagkain mo sa mga calories.

Ang isang pirasong itlog sa isang araw ay maari kang bigyan ng 50% satiety index kaysa sa mga white breads o ready to eat cereals. Kaya kung kakain ka ng isang isang pirasong itlog sa isang araw at isang bagel sa kasunod na araw, kakain ka ng pagkain na mayroong mas kaunting calorie pagdating sa tanghalian at gabihan. Dahil dito, maaring mabawasan ang iyong enerhiya sa loob ng buong araw pagkatapos mong kumain ng almusal.

  • Ito ay mayroong protein na nakatutulong para sa metabolism

Ang itlog ay kilala na mayroong mataas na antas ng protein. Sa katunayan, ang taglay na protein ng isang itlog ay umaabot sa 6 grams na siyang 12% na mas mataas kumpara sa kinakailangan na protein ng katawan ng isang tao, at ito ang dahilan kung bakit mabisa ang itlog sa pagbawas ng timbang. Ang protina na mayroong ang itlog ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng muscles o kalamnan. Bilang resulta, nababawasan ang iyong calories kahit na ba ikaw ay nagpapahinga lang.

Ang diet na mayroong mataas na antas ng protein at mababang fat ay hindi lamang nakatutulong sa pagbawas ng timang ngunit mabisa rin sa pananatili ng mga reduced fat na siyang nakatago sa loob ng abdomen sa loob ng mahabang panahon. Nagiging possible ang bagay na ito ng dahil sa pagtaas ng thermogenesis o ang paglalabas ng init ng katawan. At dahil dyan, tumataas din ang metabolic rate at mas nagiging epektibo ang paglusaw sa mga taba. Ang thermic effect na ito ay nakatutulong din sa pagbibigay ng pakiramdam na ikaw ay busog kaya mabisa talaga ito sa pagbabawas ng timang at sa pagpapanatili ng isang magandang katawan.

Dapat ka bang kumain ng egg yolk kapag mataas ang iyong cholesterol?

Kung ikaw naman ay malusog, ang pagkain ng isang pirasong itlog sa pang araw araw ay hindi naman makakaapekto at makadadagdag sa iyong tyansa na magkaroon ng coronary artery disease o stroke. Pero maaari ka bang kumain ng itlog para mabawasan ang iyong timbang kung ang dahilan naman ng iyong katabaan ay ang mataas na antas ng cholesterol na kung saan ang isang itlog ay mayroong 62% ng cholesterol na kailangan mo? Ang mga eksperto at mga dieticians ay matagal nang nirerekomenda ang hindi pagkain sa yolk ng itlog at kainin lamang ang pula nito na halos tatlong itlog sa isang araw. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang modernong pagaaral ay iba ang ipinapakita.

Kinakailangan mo lamang na kumain ng omega 3 enriched na itlog upang mabawasan ang triglycerides at mapataas ang mabubuting cholesterol o HDL sa iyong katawan.

Ang mga pagkain na matataas sa cholesterol at hindi naman talaga itinataas ang antas ng cholesterol sa iyong dugo maliban na lamang kung ikaw talaga ay sensitibo. Sa katunayan, ang isang buong itlog ay maaring makatulong sa pagtaas ng HDL at pagbaba ng LDL cholesterol.

Kaya maari kang kumain ng isang buong itlog sa pang araw araw kahit na ba ikaw ay mayroong ilang problema sa iyong blood lipid levels. Basta kinakailangan lamang na maging tama lang ang pagkain mo at hindi sobra.

Dapat ka bang kumain ng itlog kung ikaw ay mayroong diabetes?

Kung diabetes naman ang isa sa mga rason kung bakit ka tumataba, sinasabi na ligtas ka namang kumain ng kahit dalawang piraso ng itlog sa loob ng isang linggo. Ang anim na piraso o mas higit pang dami ng itlog sa loob ng isang linggo ay sinasabing konektado sa mataas na tyansa na pagkakaroon ng sakit sa puso sa mga taong mayroong diabetes.

Konklusyon

Ang pagkain ng itlog bilang almusal ay nakakatulong para sa iyong metabolismo, ginagawa ka nitong busog sa loob ng matagal na oras, binibigyan ka ng sapat na nutrisyon, at tumutulong sa pagpapanatili ng protina na kinakailangan mo sa pang araw araw. Hindi mo na rin kailangan pang magalala sa iyong bilang ng iyong cholesterol sapagkat kailangan mo lamang kumain ng mas kakaunting bilang ng itlog kung ikaw ay mayroong diabetes.

 

You may also like...