Pano gawin ang kahalating basong inumin na ito para alisin ang kidney stones

Napakaraming bilang ng mga tao sa mundo ang nagkakasakit dahil sa kakulangan sa oras upang bigyan ng pansin ang kanilang estado pagdating sa kanilang kalusugan at pangangatawan. Madalas nilang nalilimutan at nakakaligtaan na mas mahalagang bigyan ng pansin ang kanilang mga sarili kaysa sa mga bagay na kanilang ginagawa kagaya na lamang ng pagtratrabaho at pagaaral. Wala namang masama na igugol mo ang iyong oras sa mga bagay na ito ngunit mas mahalaga pa rin na atin ding isaalang alang ang ating kalusugan na siyang mas nahihirapan at napeperwisyo upang magawa lamang at matapos ang mga bagay na dapat na gawin lalo na kung pang pisikalan ito.

Kaya nararapat lamang na bigyan ng lubos na pansin ang ating kalusugan lalo na sa mga panahong nagsisimula ka ng makaramdam ng iba’t ibang klase ng kirot sa kahit ano pa mang parte ng iyong katawan. Lagi mo dapat tandaan na ang kayamanan ng tao ay matatagpuan sa kaniyang kalusugan hindi sa kaniyang mga pera at ari arian. Aanuhin mo ang mga permanenteng bagay na ito kung buhay mo naman ang nakasalalay sa magiging sakit mo? Unahin mo muna ang iyong sarili bago pa man ang ibang bagay o tao sa iyong kapaligiran.

Ayon sa kasalukuyang estatistik, sinasabi ng mga eksperto na sosobra pa sa 26 million na Americans ang mayroong sakit sa bato at sinasabing isa (1) sa tatlong (3) Americans na matatanda ay kasalukuyang mayroong malaking posibilidad na dapuan ng klase ng sakit na ito.

Nakakabigla ang balit na ito hindi ba? Sa United States pa lamang, nagbigay na ng babala ang mga medical experts na ang sakit sa kidney ay mayroong kakayahan na pumapatay ng mas maraming bilang ng mga tao kung ikukumapara sa breast o prostate cancer.

Ngunit para sa kaalaman ng iba, ano nga ba ang kidney stones o ang bato sa kidney? Ito ay kilala bilang maliliit at matitigas na deposito na siyang matatagpuan sa loob ng iyong kidneys at maari itong magdulot ng matinding problema at malalang kondisyon para sa iyong kalusugan kung hindi agad mabibigyan ng pansin at lunas. Ang mga baton a ito ay gawa sa minerals at acid salts.

Mayroong mga sinasabing sanhi o dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng ganitong klase ng sakit at ilan dito ay ang pagkain ng sobrang pagkain kagaya na lamang na karne at maging ang kakulangan sa pagkain ng gulay at kakulangan din sa paginom ng tubig na madalas na nagreresulta sa dehydration. Para sa iyong kaalaman, ang kidney stones ay nabubuo kapag ang ihi ng tao ay may mga crytal forming subastances na katulad na lamang ng calcium, oxalate at maging uric acid na hindi kayang tunawin ng iyong ihi.

Ang karaniwang ginagawa bilang medical treatment para sa sakit na ito ay ang potassium citrate. Mabuti na lamang at isang kasalukuyang pag aaral ang siyang nakatuklas at nakadiskubre na ang lemon ay nagtataglay ng kakaibang kakayahan dahil ito ay sadyang natural na mayaman sa citrate.

Ang mga doktor at ilang medical experts ang siyang nakadiskubre na ang lemon juice ay lubhang epektibo bilang isang preventive therepy para sa mga taong palaging nagkakaroon ng kidney stones. At ito ay madalas na tinawag ng mga eksperto bilang, The Lemonade Therapy.

Paano nga ba tayo mapangangalagaan ng citric acid sa labas ng kidney stones?

Paano nga ba gumagana ang treatment na ito? Ang citric acid ay mayroong kakaibang klase na kakayahan na siyang pumipigil sa pagbuo ng mga kidney stones at dinudurog din nito ng mas maaga habang nasa proseso pa lamang sila ng kanilang paglaki. Kapag mayroong mas maraming dami ng citric acid sa iyong ihi, mas magiging protektado ka sa mga bagong namumuo na mga kidney stones.

Ang citric acid na siyang matatagpuan sa ihi ng tao ay mayroong kakayahan na hindi paboran ang pagbuo ng mga batong ito. Dinudurog nito ang mga maliliit pa lamang na kidney stones upang hindi na sila lumaki pa. binabalutan din nito ang mga kidney stones na siyang pinipigilan ang iba’t ibang mga bagay na kumapit dito at mas lalong palakihin pa.

Sa kabilang banda, ang lemon lime o ang lemon juice naman ay kilala bilang mayaman sa citric acid. Ang pharmaceutical na klase ng citric acid na ito ay siyang kilala o tinatawag bilang potassium citrate, na lubhang mabisa rin para sa ikalulunas at ikagagaling ng sakit sa bato. Ngunit nakakalungkot lamang dahil ito ay mayroong pagkamahal at kakailanganin mo ng hindi kukulang sa labing dalawang (12) tablet sa pang araw araw.

Mabuti na lamang dahil sa tulong ng artikel na ito, aming ipapakita sa inyo kung paano kayo makakagawa ng isang homemade resipe na siyang mayroong kakayahan upang matatulong sa problema na mayroong ka patungkol sa kidney stones. Itong homemade resipe na ito ay talagang napakasimple lamang na gawin at ito ay madali rin. Subukan mo ang resipe na ito ay tiyak ikaw ay gagaling. Sundin mo lamang ang ilan sa mga preparasyon na aming ipapakita sa ibaba:

Ito lamang ang kailangan mong gawin para sa resipe na ito:

  • Ang kakailangan mo lamang gawin ay uminom ng mahigit kalahating tasa o apat (4) na ounces ng lemon juice sa bawat araw o sumatutal na tatlumpu’t dalawa (32) na ounces na prepared lemonade. Ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng kaparehas ng dami ng citric acid na siyang nanggagaling sa pharmaceutical na klase nito.
  • Haluin mo lamang ang dalawang (2) oz. ng lemon juice sa mahigit anim (6) na oz. ng tubig at inumin moa ng mixture na ito sa ng dalawang (2) beses sa loob ng isang araw.
  • Isa sa umaga at isa rin sa gabi, hanggang sa maabot ang sinasabing apat (4) na oz. sa bawat araw.

Kailangan mo lamang sundin ang simpleng homemade resipe na ito at magugulat ka na lamang sa pagbabago na iyong mapapansin sa iyong katawan. Pakonti konti ay mawawala na ang mga kidney stones sa loob ng iyong katawan. Upang mas maging mabisa ang treatment na ito, sabayan mo ito ng paginom ng maraming tubig, pagkain ng mga masusutansyang pagkain kagaya na lamang ng prutas at gulay, pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog, pageehersisyo araw araw at maging ang pagiwas sa bisyo kagaya ng paninigarilyo at paginom ng alak.

You may also like...