Pano linisin ang baga ng mga taong naninigarilyo at sa mga tumigil na

Maging sa panahon ngayon ay pino problema padun natin ang paninigarilyo. Kahit saan ka mag punta, may mga makikita kang naninigarilyo. Ang paninigarilyo ay tinatawag ding bisyo na ng mga tao. Kahit ang mga teen agers sa panahon natin ngayon ay naninigarilyo na din. Ang tobacco o ang cigarette ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga klase ng sakit na hindi nakakahawa na siyang nagiging sanhi ng pagkamatay ng halos sampung Pilipino sa bawat oras na lumilipas.  Sa panahon ngayon, tatlo sa sampung pilipino ang naninigarilyo. Ayon sa isang survey na siyang ginawa ng Global Youth Tobacco Survey noong 2015, mayroong halos labindalawang porsiyento ng mga estudyante na nasa edad na 13 hanggang sa 15 ay naninigarilyo na.

Sa pagninigarilyo ng isang tao, hindi nya napapansin na may masama na palang epekto ang paninigarilyo niya sa kaniyang katawan. Ang labis labis at hindi tamang paninigarilyo ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan. Narito ang mga nailista kong masasamang epekto ng paninigarilyo sa ating katawan.

Una sa ating hygiene, lagi tayong nasisipilyo hindi ba? Upang mawala ang amoy ng ating hininga at malinis ang ating ngipin. Ngunit hindi niyo ba alam na ang paninigarilyo ay nakapag dudulot ng bad breath? Ang pagkakaroon ng bad breathbay ang sanhi ng ibat ibang kemikal na mayroon ang sigarilyo.

Isa pa ay ang pagkakaroon ng lung kanser sa baga. Ayon sa pag susuri ng mga eksperto, mahigit 70-80 porsiyento ng mga may lung kanser ay dahil sa kanilang mga paninigarilyo. At kung iisipin, hindi lamang kanser sa baga ang kayang idulot ng paggamit ng sigarilyo. Marami pang iba’t ibang uri ng kanser ang maari maidulot ng paninigarilyo kagaya na lamang ng kanser sa bibig at lalamuna, kanser sa pantog at bato, kanser sa tiyan at matris at marami pang iba na maaaeing nakapag pahina ng ating resistensiya.

Ngunit masasabi ding kapag naninigarilyo ang isang tao hindi lamang sakit sa baga ang maaari niyang makuha, kundi sakit din sa puso. Gamit ang usok at iba pang kemikal, nakapagdudulot ito ng masamang epekto sa puso, kung hindi man sa puso, maaring sa dugo, ugat at iba.

 

Sa ating baga naman, ang paninigarilyo ay nakapagdudulot ng copd, ito yung malubhang sakit sa baga. Iilan dito ay ang pagkakaroon ng plema, ubo, hapo, panghihina ka agad ng katawan at paghirap sa pag hinga. Dahil sa mga ito, prone na ang ating mga katawan sa pag kakaroon ng asthma.

 

Kapag ang isang babae naman ay naninigaeilyo habang nay dinadalang bata o habang sila ay may pinagbubuntis ay maari makaapekto at makasira sa kanilang pagbububuntis. Maaaring mapa aga ang kanilang panganganak. Ang mapaaga ang panganganak ay hindi makabubuti sa isang sanggol, dahil hindi sapat ang naging panahon niya upang siya ay mahubog. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyansa na mamatay ang isang sanggol. Sa mga kalalakihan naman, ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng pagkabaog o hindi pagkakaroon ng anak, kawalan ng abilidad na patigasin ang kanilang ari o impotence sa ingles at kanser sa ari ng lalaki o penile cancer sa ingles. Maaari din dapuan ng kung ano anong bacteria ang ating kalusugan.

Sa puntong ikaw ay gumamit ng sigarilyo, nagkakaroon ng tiyansang mapuno ang toxins sa iyong katawan, at nakapagdudulot ito ng masamang epekto gaya ng panghihina ng katawan. Kaya naman ay habang maaga pa, dapat ay maagapan mona ito kaagad. Ayon sa sinasabi at nakasulat sa labas ng pakete ng mga sigarilyo kagaya na lamang ng “Cigarette Smoking is Dangerous to your Health.” Ang paggamit ng sigarilyo o ang paninigarilyo ay sadyang nagdudulot ng iba’t ibang klase na mga negatibong epekto sa iyong kalusugan sa maraming paraan.

Ang epekto na naidudulot nito ay dahil sa iba’t ibang klase ng mga lason na siyang nilalaman ng sigarilyo kagaya na lamang ng nicotine, na isang kemikal na siyang nakaka-addict, carbon monoxide, na isa ring uri ng kemikal na siyang makikita sa tambutso ng mga sasakyan, hydrogen cyanide, isa pang uri ng kemikal na siya na mang matatagpuan sa mga bomba at marami pang iba. Kung ito’y ating pagsasamahan lahat, mayroong mahigit 400 na uri ng iba’t ibang lason sa isang karaniwang sigarilyo. Kaya itigil na ang oaninigarilyo upang hindi makapagdulot ng masamang epekto gaya ng nasa itaas.

Narito, inyong mababasa at malalaman ang resipi na nagtatagalay ng natural na sangkap nabsiyang makatutulong sa pag aalis ngvmga toxins na naidulot ng paninigarilyo.

Ito muna ang mga sangkap na iyong kakailanganin, una ay ang Luya. Ang luya ay nakatutulong upang makagamot sa anumang uri ng sakit at makapag patanggal ng mucus sa ating mga katawab. Pangalawa ay ang Turmeric. Ang turmeric naman ay kilala dahil sa taglay nitong antiviral, antibacterial, at anti cancer. Dahil dito, nakapagdudulot ito ng mga bitamina at mineral sa ating katawan. At ang Sibuyas. Ito ay ginagamit sa pagluluto, dahil napaka yaman nito sa anti cancer at nakapagpipigil ng sakit gaya ng cancer sa ating mga baga.

Bukad diyan, kakailanganin mo rin ng 1 ugat ng ginger na kasinlaki ng hinlalaki, 1 litro ng tubig, 400 grams ng sibuyas, 2 kutsara ng powdered turmeric o isang ugat ng turmeric na siyang kasinlaki ng hinlalaki at pang huli, 400 grams ng asukal o maari ring honey o maple syrup para mainam na alternatibo.

Bilang pasimula, ihalo ang tubig sa asukal o sa alternatibong honey o maple syrup at ito ay iyong painitan. Hintayin lamang ng ilang minuto hanggang sa ito ay kumulo. Kapag kumulo ito, kumuha at tadtarin naman ito ng luya at sibuyas. Ilagay mo ito sa pinaghalong tubig at asukal ay ska mo ito haluin ng haluin. Pangalawa, Babaan mo ang init na mayroon ang apoy sa katamtaman at kapag napakuluan na ng mabuti ang mixture na ito, idadag mo na rin ang turmeric. Hayaan mo lamang na ito ay nakababad sa apoy hanggang sa iyong mapansin na nasa kalahati na lang ang tubig sa lagayan. Pagkatapos ay salain mo ito at ilagay sa isang babasagin na lagayan. At oang huli. Ay Maari mo na itong itago sa loob ng inyong pridyeder kapag lumamig na ito hanggang sa maging room temperature.

Pagkatapos ay subukan mo ng inumin ang resipe na ito sa pang araw araw, mahigit dalawang (2) kutsara, isa sa umaga at panibagong kutsara sa gabi at hindi dapat kukulang sa dalawang (2) oras bago ka kumain. Sana ay mat natutunan kayo, sa pangkalahatan, itigil na natin ang paninigarilyo, dahil hindi lamang sa kapaligiran ito nakapagdudulot ng masama, kundi maging sa ating kalusugan.

You may also like...