Papano gamiting ang ampalaya para mabawasan ang blood sugar at maalis ang kidney stones

Sa bawat pagkakataon na ikaw ay nagkokonsumo ng mga processed at fatty foods ay napapagod ng husto ang iyong katawan at mas naiipon din ang mga toxins sa loob ng iyong atay at buto.

Kung tutuusin, ang iyong atay ang siyang responsable sa pagsasala ng mga toxins at maging sa pangangasiwa sa metabolism ng mga taba sa loob ng katawan ng isang tao. Kapag ito ay tuluyang nasira, magagawa nitong maapektuhan ang mga bato dahil sa sobrang pagbubuo ng mga toxins sa dugo na kalaunan ay makapagdudulot ng mga hindi inaasahang uri ng sakit.

Ang isa sa mga pinakamabisang paraan na maari mong gawin upang mapabuto ang kondisyon at lagayan ng pareho mong atay at bato ay ang pagkain mo ng mga masusutansiyang pagkain kagaya na lamang ng gulay at halaman. Napakaraming bilang ng mga tao ang siyang gustong gusto ang mga matatamis at kadalasang inaayawan ang mga mapapait na lasa ng mga gulay at dahil dito, hindi nila nakukuha ang tamang sustansiya na siyang kinakailangan ng katawan upang maging malusog.

Ang mapait na lasa na ito ay mayroong koneksyon sa mga nakalalasong kemikal at toxins kagaya na lamang ng alkanoids na siyang matatagpuan sa mga halaman. Ito ay mayroong kakayahan na maitaboy ang mga hayop upang hindi nila ito kainin. Gayunpaman, ang mapait na lasa na ito ay lubhang mahalaga sa epektibong paghilom ng mga mga sakit at maari ring gawing lunas. Kahit ang mga hayop na mayroong sakit na siyang kumakain nito ay tuluyang gumagaling at umaayos ang pakiramdam.

Bakit ka ba dapat kumain ng mga mapapait na pagkain?

Ang mga pagkain na mayroong mapapait na lasa ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng sustansiya at nutrisyon na kailangan ng katawan at bukod pa riyan ay maari rin itong gamitin bilang panlunas. Bilang karagdagan, ang mga mapapait na pagkain ay mayroong kakayahan na paganahin ang iba’t ibang mahahalagang physiological responses ng katawan.

Ito ay isa sa mga dahilan upang gumawa ng mas maraming digestive acid ang katawan upang matunaw ng mabuti ang mga pagkain at upang makuha ang nutrisyon na taglay nito. Ang mga tao na siyang nagdurusa mula sa sakit na acid reflux ay maaring matulungan sa pamamagitan lamang nga pagkonsumo sa mga mapapait na pagkain na ito bago sila tuluyang kumain upang dumami ang antas ng stomach acid at mas maging madali at mabilis ang proseso ng digestion.

Ito rin ay mayroong kakayahan upang mapabuti ang digestion at maging ang kalusugan ng gut flora at pati na rin ang pagbabawas sa sensitivity sa mga pagkain at paggamot sa leaky guts. Ang isang malusog na digestive system ay lubhang mahalaga para sa katawan ng isang indibidwal at inakailangan na bigyan talaga ito ng pansin.

Idagdag mo pa ang kakayahan ng mga mapapait na pagkain na ito upang pataasin ang gana ng isang tao sa pagkain at mapalakas ang digestive signals. Dahil ang iyong katawan ay nakakukuha ng mga nutrisyon mula sa mga pagkain, mas nagiging madali ang iyong pakiramdam ng pagiging busog at maiiwasan ang overeating na maaring maging dahilan ng iyong pagiging mataba at epektibo rin ito para sa mga taong mayroong kagustuhan na magbawas ng timbang at pumayat.

Ang pagkain ng mga mapapait na pagkain ay maari ring makapagdulot ng epekto para sa produksyon ng mucus sa loob tiyan laban sa ulcer at ito rin ay nakatutulong upang magamot ang sakit na ito.

Bilang karagdagan, ang mga mapapait na pagkain ay kilala din bilang alkaline at ito ay lubusang nakatutulong upang mabawasan ang acid sa loob ng katawan ng isang tao. Ang isang acidic na katwan ay mas malaki ang tsana na malagay sa panganib ng pagkakaroon ng mga host parasites at kahit ang mga viruses na makapagdudulot ng maraming uri ng sakit.

Ito rin ay mayroong kakayahan na masuportahan ang mga tungkulin na mayroon ang endocrine glands na siyang nakatutulong para sa pagbabalanse ng antas ng mga hormones at sa pagbawas ng mataas na antas ng blood sugar. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat itong isama sa mga pagkain na siyang madalas kainin ng mga tao na mayroong sakit na diabetes.

Ang pagkain ng mga pagkain na mayroong mapait na lasa ay nakabubuti rin para sa isang maayos na paggana ng atay at maging ng gallbladder sa pamamagitan ng detoxification ng mga toxins na maaring makapagdulot ng pamamaga at sakit.

At higit sa lahat, ang pagkonsumo sa mga mapapit na pagkain kagaya na lamang ng bitter lemon ay nakakapagbigay ng tulong upang matanggal ang mga kidney stones sa loob ng katawan sa isang natural na pamamaraan ng pagwasak dito. Ang bitter lemon ay maaring magamit upang mapalabas ang mataas na antas ng acid na siyang makatutulong sa pagkasira ng kidney stones.

Paano mo mapapanginaban ang mga mapapait na pagkain na ito?

Kagaya na lamang ng mga bagay na aming naibahagi sa itaas, ang mga mapapait na halaman o pagkain ay nagtataglay ng parehong nutrisyonal at medicinal properties. Gayunpaman, upang makuha ang lahat ng mga ito ay lubhang mahalaga na malasan mo ang pagkapait nito na siyang nagpapagana sa neural reflexes at hormones na siyang lumalabas ng dahil sa pagiging aktibo ng mga bitter taste receptors.

Nararapat lamang na huwag mong patamisin ang lasa ng mga ito gamit ang honey o kahit na anong klase ng sweeteners dahil mawawala lamang ang bisa na taglay nito. Iwasan mo rin ang paggamit ng mga capsules o pills dahil mas maliit ang sustansiya na naibahahagi nito sa iyong katawan.

Kung mayroon ka talagang kagustuhan na mapakinabangan ito ay nararapat lamang na tiisin moa ng mapait na lasa na mayroon ito. Sa oras na kinain mo na ang mga ito, isipin mo na lamang ang mga magagawa nito para sa iyong katawan at kalusugan.

Paano mo iinumin ang Groud Juice upang masira o tuluyang mawasak ang mga kidney stones?

Upang tuluyang mawasak ang mga kidney stones, kinakailangan mong gumawa ng isang gourd juice at maari mo itong inumin ang 6 ounces nito sa pang araw araw ng hindi kukulang ng isang buwan. Magugulat ka na lamang sapagkat mabilis nitong masisira ang mga kidney stones ng dahil lamang sa tuloy tuloy mong pagkonsumo nito at maalis ito sa pamamagitan ng pagihi.

Narito ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • 6 to 8 na piraso ng maliliit na bitter gourd o tatlong piraso ng malaking bitter gourd.
  • ¼ organic lemon kasama ang balat nito
  • 1 kutsara ng olive o coconut oil

Narito ang mga preparasyon na dapat mong gawin:

Kinakailangan mo munang hugasan ang bitter gourd at tanggalin ang mga buto na mayroon ito. Pagkatapos ay pigain mo ang bitter gourd at lemon, tapos ay idagdag mo na ang isang kutsara ng olive oil. Gumamit ka ng isang mini immersion blender upang maihalo ang lahat ng mga sangkap na ito bago mo tuluyang inumin. Gawin mo ito sa pang araw araw at sabayan mo ang paginom nito ng maraming tubig. Sa pangatlong araw ay mararamdaman mo na ang pagbabago at ang pagkatanggal ng mga kidney stones sa loob ng iyong katawan sa tuwing ikaw ay iihi.

Tandaan:

Ang bitter gourd juice ay talagang mapait. Kung hindi ka pa sanay sa lasa na mayroon ito, uminom ka lamang ng kakaunting amount nito sa umpisa at dagdagan sa paglipas ng mga araw upang masanay ka na.

Kung ikaw ay buntis, nagpapasuso at gumagamit ng medikasyon o kahit na anong therapy ay huwag na huwag mong susubukang gawin ang paginom sa resipe na ito sapagkat ito ay sobrang mapait at baka makasama para sa iyong kondisyon at baka iba ang maging reaksyon ng iyong katawan tungkol dito. Mas mabuti nang maging maingat kaysa magsisi sa huli.

You may also like...