Papano makagawa ng sarili nating Apple Cider Vinegar sa bahay natin

Sa tulong at gamit ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang impormasyon patungkol sa isang partikular na produkto na siyang madalas na hindi  ginagamit ng mga tao ngunit epektibo naman at ito rin ay maaring makita at mabili sa mga malalapit na supermarket at grocery stores, ang aming tinutukoy ay ang apple cider ngunit sa pagkakataon na ito, tutulungan naming kayo kung paano makakagawa ng home na apple cider vinegar. Kung tutuusin, ang produkto na ito ay talagang popular sapagkat ito ay kilala sa buong mundo noong unang panahon pa lamang ng dahil sa kakaibang lasa na kaniyang taglay at madalas din itong ginagamit bilang pampapayat na inumin ng napakaraming bilang ng mga tao, ito rin ay ginagamit sa ilang mga resipe at kahit pa bilang natural na panlunas sa ilang mga sakit at karamdamaman.

Katulad nga nga aming nasabi kanina, ang produkto na ito ay kadalasan na makikita at maaring mabili sa mga supermarket at grocery stores sa hindi gaanong kamahalang halaga. Sa katunayan, napakaraming bilang ng mga tao sa panahon ngayon ang siyang madalas na gumagamit ng ilan sa mga produkto na madali lamang nilang matatagpuan sa kanilang mga kusina upang makagawa ng mga resipe na siyang bago para sa kanila at malaman kung gaano ba kaepektibo ang mga ito at upang matikman din ang lasa ng mga ito. Madalas kasi silang nanunuod ng ilang mga tutorial sa youtube at kung minsan ay nagbabasa ng mga ganitong uri ng artikel bilang tulong at pandagdag sa kanilang alam.

Gayunpaman, hindi sa lahat ng oras ay maari mong mabili ang mga produkto na iyong kinakailangan sa mga pamilihan, kaya mas magiging mainam at mas magiging madali ang buhay kung ikaw ay matututo kung paano makakagawa ng sarili mong resipe na kagaya na lamang ng ACV o apple cider vinegar sa loob ng sarili mong kusina.

Bilang karagdagan na impormasyon, ang cider ay nangangahulugan ng alak o ano mang uri ng inumin na siyang nakakalasing. Ang apple cider vinegar naman ay inihanda sa tulong at pamamagitan ng pagdurog ng ilang mansanas at maluyot ang likido, isang uri ng paraan na siyang ginagawa ng katulad sa iba pang mga fermented na inumin kagaya na lamang ng kombucha, kepe at maging ng alak.

Ang apple cider vinegar ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga benepisyo na siyang higit na makakatulong para sa iyo at maging sa iyong kalusugan at ito ang siyang dahilan kung bakit ito ay talagang kapakipakinabang para sa iyo at sa ilang mga nutrients na siyang taglay nito. Kung tutuusin, ang isa sa mga benepisyo na taglay nito ay ang kaniyang natural na kakayahan na pigilan ang pagkain mo ng maraming bilang ng pagkain dahil maari ka nitong bigyan ng pakiramdaman na ikaw ay busog na. Ito rin ay mayroong kakayahan na matulungan ka ng lubusan sa mga pagkakataon na ikaw ay nahihirapan dahil ang pagkain na iyong kinain ay hindi natunaw ng maayos sa loob ng iyong tiyan, ang apple cider vinegar ay maaring umakto bilang natural na inumin na siyang makatutulong sa pagtunaw ng mga pagkain na iyong kinain. Isa pang magandang benepisyo na maari mong makuha mula sa produkto na ito ay ang kakayahan nitong malunasan ang warts, malunasan ang ilan pang karamdaman kagaya na lamang ng sobrang timbang at ang maging ang pagtaas ng antas ng asukal sa dugo.

Paano ka nga ba makakagawa ng sarili mong ACV o apple cider vinegar?

Ang suka o vinegar sa ingles ay isang napakahalagang sangkap na siyang madalas na makikita na ginagamit sa loob ng kusina upang ihalo sa ilang mga lutuin at maari rin itong magamit para mas mapabuti ang lasa ng mga pagkain kagaya na lang ng salads. Dahil sa sobrang ganda ng produkto na ito, marami ang bilang ng mga tao ang siyang gustong gusto na makabili nito kaya’t mayroong mga pagkakataon na kung saan nagkakaubusan ng ganitong produkto sa pamilihan kaya mas magiging mainam at mas maganda kung ikaw ay makagagawa ng sarili mong apple cider vinegar upang mas madalas mo itong magamit ng hindi nagkakaroon ng problema at takot na baka ikaw ay maubusan.

Kinailangan mo lamang na isulat ang ilan sa mga impormasyon na iyong mababasa mula sa artikela na ito upang ikaw ay makagawa ng sarili mong 100% natural at organic na apple cider vinegar sa loob ng iyong bahay.

Narito na ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • Isang (1) malaking babasagin na lagayan
  • Isang (1) kilo ng mansanas o apple
  • Tatlong (3) kutsara ng asukal
  • Isang (1) piraso ng tela
  • Mineral water

Narito na ang preparasyon na kailangan mong gawin:

Napakasimple at napakadali lamang ng kinailangan mong gawin upang magawa ang produkto na ito. Una ay hugasan mo muna ng maigi ang mansanas bago mo ito tuluyang balatan at hiwain sa maliliit na piraso. Pagkatapos ay ilagay mo ito sa isang (1) babasagin na lagayan kasama ang tatlong (3) kutsara ng asukal at ang panghuli ay ang mineral water.

Takpan mo ng mabuti ang lalagyan sa tulong ng isang (1) piraso ng tela at talian mo ito ng lastiko o maari mo rin itong takpan gamit ang takip na mayroon ang lalagyan.

Pagkatapos ay ilagay mo muna ang lalagyan sa isang madilim na lugar na kung saan mayroong temperatura na aabot sa labing lima (15) hanggang dalawampu’t anim (26) na degrees ng hindi kukulang sa magkakasunod na lima (5) hanggang sa anim (6) na linggo.

Sa paglipas ng nasabing linggo, ang mga mansanas ay tuluyan ng aasim at magiging fermented na ang mga ito. Sa ganitong pagkakataon, maari mo ng alisin ng tuluyan ang tubig at ibuhos mo ito sa isang pang babasagin na lalagyan at pabayaan mo lang ito sa lalagyan na ito sa loob ng tatlo (3) pang karagdagan na araw.

Pagkatapos ng lahat ng ito, maari mo ng masubukan ang iyong nagawang apple cider vinegar kung tama at sapat na ang taglay nitong acidity upang magamit mo na bilang pampapayat at panlunas sa ilang sakit at karamadaman.

Maari mong ibahagi ang artikel na ito sa iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan upang matulungan din silang makagawa ng sarili nilang produkto kagaya na lamang ng apple cider vinegar! Maraming Salamat!

You may also like...