Sampung bagay na dapat natin iwasan para humaba ang ating buhay

Napakaraming mga bagay ang maari mong gawin upang mas mapatagal pa ang iyong biological clock upang ma mabuhay ka pa ng mas mahaba at mas matagal kahit pa ba na ikaw ay nasa edad na 20s, 30s o kahit umaabot pa sa 60s, 70s o sobra pa sa mga ito.

Hindi pa naman huli ang lahat kung ngayon pa lamang ay magsisimula ka ng baguhin ang takbo ng iyong pamumuhay. Simulant mo sa pagkakaroon ng mga healthy habits. Mayroong mga bagay na nararapat lamang na iyong iwasan habang mas maaga pa upang ang katawan mo ay matulungan ka sa pamumuhay ng mas matagal habang ikaw ay mayroong malusog na pangangatawan. Huwag mong pababayaan ang iyong sarili sapagkat ito na lamang ang yaman na mayroon ka.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga bagay na maari ninyong gawin upang mas mapahaba pa ang takbo ng inyong buhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga healthy habits.

Narito ang mga bagay na dapat mong gawin upang humaba ang iyong buhay:

  • Iwasan na ang mga bisyo kagaya na lamang ng paninigarilyo

Mahirap pigilan ang mga bisyo na iyo nang kadalasang ginagawa kasama na rito ang paninigarilyo. Pero kahit na ganon ang sitwasyon, maraming klase ng sakit ang maari mong maiwasan at mapigilan na mangyari kung ikaw ay magtatagumpay na tuluyan ng tigilan ang bisyo na ito. Mayroon pa ngang mga pagaaral na siyang nagsasabi na ang paninigarilyo ay maaring bawasan ang iyong buhay ng mahigit isang dekada.

  • Iwasan ang pagkain ng mga hindi masustansyang pagkain katulad ng processed foods

Isa ito sa mga gawain na madalas gawin ng mga tao, ang pagkain ng mga pagkain na siyang idinaan sa proseso. Ang processed foods ay isa sa mga pagkain na siyang nakakapagpataas ng added sodium, saturated fats, extra sugar at maging mas maliit na antas ng fiber na siyang madalas kainin ng mga tao sa pang araw araw. Lahat ng ito ay maaring makapagdulot ng mga malulubhang sakit kagaya na lamang ng cardiovascular disease, hypertension, diabetes at kahit ang sakit na cancer.

  • Iwasan ang pagtatago o pagkikimkim ng galit 

Ang pagtatanim o pagtatago ng galit at poot ay walang mabuting maidudulot upang maayos ang sitwasyon at hindi rin ito makabubuti para sa kalusugan ng isang tao. Ang antas ng cortisol na isang uri ng stress hormone ay maaring tumaas kapag ikaw ay nagagalit o ikaw ay naiistress. Maari itong makapagdulot ng negatibong epekto para sa kalusugan ng iyong puso, sa iyong metabolism at maging sa kalusugan ng iyong immune system. Ang mataas na antas ng cortisol ay maaring maiugnay sa mataas na bilang ng pagkasawi sa ilang mga pagaaral na siyang isinagawa patungkol dito.

  • Iwasan ang pagiging tamad o hindi pagiging aktibo 

Kung wala kang oras o panahon upang makapagehersisyo, aming pinapaalala sa inyo na kinakailangan ninyong magbigay ng kahit kaunting oras at panahon para rito. Ang pageehersisyo na kahit nasa mahigit kalahating oras sa pang araw araw o mahigit lima hanggang anim na beses sa isang linggo ay mayroong malaking maitutulong upang mas mapahaba pa ang iyong buhay.

  • Iwasan ang pagiisip na ang mga malalaking bagay lamang ang siyang importante sa buhay 

Ang mga maliliit o mga simpleng bagay na madalas na binabalewala ng mga tao ay malaki rin ang maaring maitulong upang mas mapahaba pa ang buhay ng isang tao at mas mapabuti ang kanilang kalusugan. Katulad na lamang ng mga klase ng pagkain na madalas ninyong kainin, ang pageehersisyo at ang pagiging aktibo sa buhay ay paunti unting mapapalakas ang inyong katawan upang mas mapanatili ang magandang kalusugan nito. Subukan moa ng mga maliit na pagbabago na iyong kinaugalian gawin katulad na lamang ng paggising sa umaga ng sampung minuto na mas maaga upang makapaghanda ka ng masarap at masustansiyang pagkain o tanghalian para sa iyong trabaho.

  • Iwasan ang madalas na pagiging magisa at makihalubilo sa ibang tao 

Ang pagiging aktibo sa pakikipaghalubilo sa iyong kapwa ay isang mabisang paraan upang mas humaba pa ang iyong buhay, ito ay nakatutulong upang mabawasan ang antas ng stress na iyong nararanasan at upang mas mapatibay pa ang iyong immune system. Ang isang magandang relasyon ay maari kang mapalakas ngunit ang pangit na pakikisalamuha sa iyong kapwa ay maari ring magdulot ng masamang epekto para sa iyong kaisipan at maaring makapagpataas ng tyansa na magkaroon ka ng anxiety, depression at maging ang atake sa puso.

  • Iwasan ang pagpupuyat at matulog ng nasa wastong haba at kalidad

Ang tamang oras, tagal at kalidad ng iyong tulog ay maaring makaapekto sa haba ng iyong buhay. Ayon sa mga epidemiological na pagaaral, ang maikling oras ng tulog na mas kakaunti pa sa anim na oras o sosobra sa siyam na oras ay mayroong kakayahan na mas mapataas ang tiyansa na masawi ng mas maaga ang isang tao. Ang kalidad ng iyong buhay ay nakasalalay sa wastong oras at kalidad ng iyong tulog. Ito ay lubos na importante upang maiwasan ang mga psychological na problema kagaya na lamang ng stress, depression at kahit na pa ang sakit sa puso.

  • Iwasan ang pagpapabaya sa takot at konsensiya na siyang pumipigil sa iyong pagaalaga sa iyong kalusugan 

Sa lahat ng mga bagay na maaring makaapekto sa haba ng iyong buhay, ang pagiging maingat ay isa sa mga pinakaimportanteng bagay na iyong dapat pagtutunan ng pansin. Ang pagpapabaya sa konsensiya at takot ay maaring pigilan ang iyong pagkakaroon ng malasakit sa iyong katawan. Kaya nararapat lamang na alaagan mo ang iyong pagiisip kagaya na pagaalaga mo sa iyong katawan.

  • Iwasan ang pagasa o pagsisi sa iyong genes

Magandang balita ito sa mga tao na wala namang lahi. Ang environmental at lifestyle factors kagaya na lamang ng diet, ilang beses ng pageehersisyo, pagkababad sa toxins sa school at trabaho, kung gaano kataas ang antas ng stress sa iyong katawan, kung gaano ka kaselan pagdating sa mga medical tests at screenings at kahit pa ang relasyon mo sa isang tao ay malaki ang maaring maging epekto para sa bilis ng iyong pagtanda at maging sa haba ng iyong buhay. Wala ka namang magagawa kung mahina ang iyong genes pero mas makikinabang ka kung itutuon mo na lamang ang iyong atensyon sa mga bagay na kaya mong kontrolin.

  • Iwasan ang sobrang stress sa mga bagay bagay 

Iwasan mo ang mga maliliit na bagay kagaya na lamang ng stress at galit na siyang maaring makaapekto ng higit sa iyong kalusugan at pangangatawan ma maaring paikliin ang iyong buhay. Sa pagbawas mo sa mga ito, mapapabuti nito ang iyong kalusugan at maging ang kalidad nito sa paglipas ng panahon.

You may also like...