Sampung benepisyo ng malunggay sa ating katawan na hindi natin alam

Lahat ng nakakaing parte ng Moringa, mula sa ugat nito hanggang sa kaniyang dahon at mga buto ay punong puno ng mga bitamina, calcium, at protina. Ito ay mayaman sa antioxidants at maaaring gamitin bilang panlaban sa sakit na kanser. Ito ay nagtataglay ng napakaraming tulong para sa kalusugan kagaya na lamang ng pagpapaganda sa kalusugan ng utak, pagkakaroon ng magandang balat, pagkontrol sa blood insulin, pagproprotekta sa atay, at pagkakaroon ng maraming gatas para sa mga nanay na nagpapadede ng anak. Ngunit kailangan mong tandaan na lahat ng sobra ay hindi tama kaya kontrolin ng maayos ang iyong pagkonsumo ng Moringa. Ang lahat ng parte na mayroon ang Moringa ay maaaring gamitin hindi lamang bilang beauty products ngunit para rin sa kalusugan at larangan ng medisina. Ang lahat ng ito ay possible ng dahil sa mataas na nutrisyon na taglay ng Moringa.

  • Napagalaman na ang ilang parte ng Moringa ay pitong beses na mas maraming vitamin C kumpara sa oranges, sampung beses na mas maraming vitamin A kaysa sa carrots, labing pitong beses na mas maraming calcium kaysa sa gatas, siyam na beses na mas maraming protina kaysa sa yogurt, labing limang beses na mas maraming potassium kaysa sa saging at dalawampu’t limang beses na mas maraming iron kaysa sa spinach.
  • Ang dahon nito ay mayroong beta-carotene, protein, vitamin C, calcium, amino acids, antioxidants at potassium.
  • Dahil sa mataas nitong antas ng mga natural na antioxidant compounds kagaya ng phenolics, carotenoids, ascorbic acid at maging flavonoids, ang Moringa ay mayroong kakayahan na patagalin ang buhay ng mga pagkain na may taglay na fat.
  • Ang Moringa o Moringa oleifera o mas kilala bilang drumstick tree o benzoil tree ay malayang tumutubo sa rehiyon ng India, Pakistan, Afghanistan at Bangladesh. Ito ay madalas ding tumutubo sa ilang maiinit na mga bansa. Ang Moringa leaf powder, Moringa extracts, Moringa capsules at tsaa na gawa sa Moringa ay mayroong mga sangkap na siyang nagtataglay ng magagandang epekto para sa kalusugan.

Maaari mo rin itong kainin na mayroong kahalong leaf powder sa isang smoothie o maaari ka ring gumawa ng isang tsaa mula sa prutas na ito. Ngunit bago mo ito simulang gawin, dapat mo munang malaman ang ilan sa mga health benefits na makukuha mo mula sa Moringa:

Narito ang ilan sa mga health benefits ng Moringa:

  • Ikaw ay tatalino at magkakaroon ng maayos na pag-iisip

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang Moringa ay mayroong kakayahan na makatulong sa pagkakaroon ng maayos na pag-iisip. Ang ilang mga bagong pagaaral ay napagalamanan na ang katas mula sa dahon ng Moringa ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mas magandang memorya o pag-iisip. Ang mataas na antas ng antioxidants na mula sa vitamins C at E ay nakatutulong sa paglaban sa mga oxidative stress sa Alzheimer’s disease.

  • Ito ay nagtataglay ng natural at katamtamang laxative

Madalas ka bang nagkakaroon ng problema sa loob ng banyo? Hindi mo na kailangang magalala pa dahil matutulungan ka dito ng Moringa. Maaari mong idagdag ang katas mula sa dahon ng Moringa sa iyong diet upang mabawasan ang sakit mula sa constipation. Ayon sa isang pagaaral na isinagawa sa daga, napagalaman na ang Moringa ay nakababawas sa oras ng pagtatae at nakatutulong sa pagdami ng mga ito. Ngunit wag mo lamang sosobrahan ito dahil baka mas magkaproblema ka dito.

  • Ito ay mayroong anti-cancer properties  

Ang katas mula sa dahon ng Moringa ay nagtataglay ng mataas na antioxidant activity. Ito ay nagtataglay ng phenolics, flavonoids at ascorbic acid na siyang dahilan kung bakit ito mabisa laban sa free radical damage. Ang ilang pagaaral ay nagpapakita na may kakayahan itong pigilan ang oxidative DNA damage. Dahil dito ikaw ay magakakaroon ng mas mataas na enerhiya at mas batang katawan na mayroong mataas na immunity at proteksyon laban sa ilang mga malalala at seryosong sakit kagaya na lamang ng kanser.

  • Ito ay nakapagbibigay ng maganda at malambot na balat

Dahil sa anti-inflammatory, antioxidant, anti-microbial at anti-bacterial properties, ang Moringa ay epektibo sa pagpapaganda at pagpapabata ng balat ng tao. Ito ay mayroong kakayahan na protektahan ang balat mula sa bakterya at fungal infections. Ayon sa ilang mga pagaaral ang Moringa ay mayroong kakayahan na pagmukhaing bata ang balat at alisin ang ilan sa mga sintomas ng pagtanda kagaya ng wrinkles at iba pa. Ang vitamin B na taglay nito ay gumagana bilang moisturizer.

  • Ito ay mabisa sa mga taong gustong magkaroon ng ansak

Ang isang kilo ng dahon ng Moringa ay nagtataglay ng sapat na antas ng zinc na siyang kailangan ng katawan sa pang araw araw. Ang Zinc ay mahalaga para sa tamang pagdami at paglaki ng sperm cells at kinakailangan din ito para sa paggawa ng parehong DNA at RNA. Sa bansang Pilipinas, ang Moringa ay kilala bilang “mother’s best friend” dahil sa taglay nitong benepisyo para sa mga buntis at inang nagpapagatas. Ang kailangan na iron at calcium ng buntis na babae sa araw-araw ay naibibigay ng anim na kutsarang Moringa leaf powder. Ang Moringa ay mayaman sa phytosterols na nagpapataas sa produksyon ng estrogen at nakatutulong sa mammary gland na gumawa ng gatas.

  • Ito ay mapagkukunan ng protina lalo na sa mga vegetarians
  • Ang Moringa ay mayaman sa amino acid na kailangan ng ating katawan. Naglalaman ito ng dalawampu’t dalawang amino acids, na kung saan ang sampu sa mga ito ay hindi kayang magawa ng sariling katawan ng tao. Kaya ito ang madalas na pinipili ng mga vegetarian upang mapunan ang kinakailangan nilang protein.
  • Ito ay isang natural na purifier

Ang katas mula sa buto ng Moringa ay napatunayang may kakayahan na gawing dalisay ang tubig sa mga bansang nasa rehiyon ng Africa at Timog-Silangang Asia. Ito ay mayroong kakayahan na lunasan ang mapuputik na tubig at gawin itong malinis na inumin at marami pang iba. Binabawasan nito ng 99.9% ng bakterya ang tubig sa loob lamang ng isa hanggang dalawang oras ng treatment. Ilang pagaaral ang nagsasabi na mabisa ito para sa mga paunlad na mga bansa.

  • Ito ay may benepisyo para sa mga kalalakihan

Ang isa nga mga magandang bagay patungkol sa Moringa ay ang natural nitong aphrodisiac effect. Ito ay matagal nang ginagamit sa tradisyunal na sexual function enhancing medicine. Ang Moringa ay nakakitaan ng kakayahan na mapataas ang sexual activity at erectile function sa mga data kapag tama ang dami ng seed na naibigay sakanila. Maaari rin nitong gawing mabisa ang fertility at reproductive system para sa mga matatandang lalaking daga at magandang gamot para sa sexual disorders. Ayon sa ilang pagaaral, ang Moringa ay mayroon ding kakayahan nag awing mabisa ang sexual function ng lalaki sa ilalim ng mga nakakastress na sitwasyon.

  • Ito ay maaari rin para sa mga may diabetes

Kung isa kang diabetic na tao, ang lahat ng mga nakakaginhawang inumin ay madalas na mayroong asterix kaya kinakailangan mo laging piliin ang mga inumin na walang halos asukal o hindi mataas ang sugar content. Ang Moringa tea ay isa sa mga inumin na dapat mong piliin dahil ito ay walang asukal at nakatutulong pa sa pagkokontrol ng antas nito sa loob ng iyong katawan. Ayon sa ilang pagaaral na siyang nagsusuri sa epekto ng Moringa tea sa antas ng blood sugar ng tao, napagalamanan na ang mga walang diabetes ay hindi masyadong nakikinabang dito, ang mga may diabetes naman ay natutulungan nito. Ang eksatong 28.15mg/dl sa blood sugar ay inobersbahan sa loob ng dalawang oras pagkatapos uminom ng Moringa tea. At sinasabi na ang Moringa tea ay nagtataglay ng malaking tulong para sa pagkontrol ng diabetes kapag ito ay isinama sa pang araw araw na diet.

  • Ito ay maganda para sa atay

Ang atay ay isa sa mga pinakamahalang parte ng katawan ng tao. Ito ay mayroong kakayahan na linisin ang dugo at paganahin ang metabolism ng taba. Maaari mong alagaan ang organ mo na ito sa pamamagitan ng pagdagdag sa Moringa sa iyong pang araw araw na diet. Pinoprotektahan nito ang iyong atay mula sa kahit na anong damage at binabawasan pa ito. ang Moringa seed extract ay ginamit sa mga daga na mayroong liver fibrosis sa isang pagaaral. Ang katas ng buto nito ay mayroong anti-inflammatory at antioxidant qualities na mayroong kakayahan na bawasan ang pagkalat ng fibrosis sa liver cells.

Sa isa pang pagaaral na siyang isinagawa, ang mga daga na mayroong hepatitis ay binigyan ng Moringa seed oil sa loob ng dalawampu’t isang araw. Napagalaman na ang antas ng liver enzyme ay bumalik sa dati pagkatapos ng nasabing pagaaral.

Narito ang ilan sa mga side effects ng Moringa:

Dahil ang Moringa ay isang warehouse na puno ng nutrisyon, kinakailangan nitong kainin na may kalakip na pagiingat. At narito ang ilan sa mga side effects ng hindi maayos na pagkonsumo o paggamit nito:

  • Anong sobra nito ay maaaring makapagdulot ng pananakit ng tiyan. Ang Moringa ay isang natural na mild laxative na siyang ginagamit para sa constipation ngunit ang walang katapusang cuppas ay palagi kang guguluhin.
  • Sinasabi na ito ay isang abortive medicine. Kaya nakakagulat na sa mga lalaking daga ay nakakatulong ito ngunit para naman sa mga kababaihan, ito ay hindi maganda.
  • Ang Moringa ay hindi gumagana kasabay ng mga blood thinning medicines. Kaya dapat lamang na magtanong ka muna sa iyong doktor kung susubukan mo ito.

Ang tamang dosis ng Moringa ay maaari kang mapanatili na malusog ngunit lahat ng sobra ay hindi maganda kaya dapat mong kontrolin at alamin ang tamang pagkonsumo dito bago mo tuluyang subukan upang hindi magkaroon ng problema.

You may also like...