Sobrang bisang panlaban sa diabetes itong 2 natural na sangkap na ito

Napakarami ng mga kilalang sakit na mayroon sa buong mundo at isang nakakalungkot na bagay na malaman na ikaw ay nakararanasan ng isa sa mga ito. Hindi man natin gustuhin, darating talaga ang panahon kung saan sisingilin ka ng iyong katawan sa mga bagay na ginawa mo sakanyan noong simula pa lamang. At isa sa mga sakit na ito ay ang diabetes.

Ano ba ang Diabetes?

Ang diabetes mellitus ay isang klase ng sakit at kondisyon na kung saan naapektuhan ang abilidad ng katawan na ilipat ang asukal sa dugo papunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan upang magamit bilang enerhiya o ito ay maiibak sa mga cells. Ito ay isang uri ng chronic disease na siyang isang klase ng kondisyon na nangangailangan ng matagalan at maselan na gamutan.

Ano naman ang kaibahan ng Type I sa Type II na Diabetes?

Mayroong dalawang uri ng Diabetes at ito ay ang Type I at ang Type II. Sa Type I Diabetes, nawawala o nasisira ang mga bahagi ng katawan na siyang gumagawa ng insulin, isang klase ng hormone na may kakayahang maglipat ng asukal sa dugo papunta sa iba’t iba pang parte ng katawan. Sa kabilang banda, ang Type II Diabetes naman ay maari ding mayroong kakulangan sa insulin, ngunit sa karamihan ng kaso nito, mayroon ngang insulin ngunit hindi pa rin ito nagagamit ng maayos ng katawan ng tao, isang uri ng kondisyon na kung saan tinatawag na insulin resistance sa ingles.

Ang Type I Diabetes ay madalas at karaniwang nangyayari sa mga mas nakababatang tao sa edad na 30 at pababa na may kamag anak na siyang mayroong ding diabetes. Ang Type II Diabetes naman ay mas nakakaapekto sa mga mas nakakatanda na nasa edad 30 at pataas. Subalit, ang dalawang uri na ito ng Diabetes ay maari paring mangyari sa kahit na sino at sa kahit na anong edad.

Ayon sa estatistika, tinatayang sa lahat ng kaso ng diabetes, mayroong mahigit kumulang 10% dito na siyang mayroong Type I at mahigit 90% naman ang mayroong Type II.

Ano naman ang mga sanhi at dahilan ng pagkakaroon ng diabetes?

Sa modernong panahon ngayon, wala pang natatanging dahilan sa pagkakaroon ng diabetes, at hindi pa talaga ganap na nauunawan ng mga eksperto, mga doktor at mananaliksik kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit may mga tao na nakakaranas ng klase ng sakit na ito. Para sa Type II Diabetes, kalimitan, ito ay dahil sa kombinasyon sa iba’t ibang klase ng mga factors kagaya na lamang ng genetics, o nasa genes at nasa dugo na ng kanilang pamilya, paraan ng kanilang pamumuhay kagaya na lamang ng pagkain ng marami o pagiging overweight at mataba. Sa kabilang banda, sa Type I Diabetes naman, ay inaatake ang immune system ng katawan ang mga cells na matatagpuan sa pancreas na siyang gumagawa ng insulin at hinihinalang malakas din ang epekto at impluwensya ng genetics.

Narito ang ilan sa mga sintomas at senyales ng diabetes:

  • Pagkakaroon ng napakataas na level, dami o konsentrasyon ng sugar sa dugo o kilala bilang hyperglycemia sa ingles
  • Fasting blood sugar o kilala rin bilang FBS na ang basa ay nasa mahigit 120 mg/ 100 ml ng dugo
  • Sobra sobrang pagihi o polyuria
  • Labis na pagkauhaw o polydipsia
  • Sobrang pagkakaroon ng gana sa pagkain o polyphagia
  • Panunuyo ng katawan o dehydration
  • Panghihina o fatigue
  • Pagbaba ng timbang o weight loss
  • Pagbaba ng resistensya ng katawan laban sa impeksyon
  • Mabagal na paghilom ng mga sugat
  • Pamamaga ng mga ugat o atherosclerosis

Paano malalaman na ikaw ay may Diabetes?

Sa kadahilanan na ang klase ng kondisyon na ito ay naka sentro sa insulin, ang ginagawang batayan ng mga eksperto at mga doktor ay ang blood sugar levels. Normal lamang na umakyat ang blood sugar level pagkatapis mong kumain kaya mas magiging epektibo na huwag munang kumain sa loob ng halos labing dalawang (12) oras bago ka kuhanan ng blood sample.

Ang nakuhang dugo mula sayo ay dadaan sa isang masusing proseso ng pagsusuri at kung ang sukat ng blood sugar level ay humigit sa 7 mmol/l, maari itong maging senyales ng diabetes. Ang ang resulta naman ay bahagyang mas mababa sa nasabing bilang, wala kang diabetes ngunit kailangan mo pa rin na magingat upang hindi magkaroon nito sa kasalukuyan.

Mabuti na lamang at mayroong mga natural at organic na mga panlunas na siyang napakdali lamang gawin at kilala pa na mabisa. Ito ay makakayanan mong gawin sa loob ng inyong tahanan at napakasimple lamang nito dahil dalawang sangkap lamang ang iyong kakailanganin na siyang maaring makita sa loob ng inyong kusina. Ito na ang mahiwagang resipe na kakailanganin mo!

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 300 gramo ng kintsay
  • 6 na piraso ng lemon

Mga paghahanda na dapat gawin:

Ang kailangan mo lamang gawin ay hugasan ang kintsay ng mabuti at kudkurin mo ito. Pagkatapos ay ilagay mo ito sa isang kaldero at idagdag mo rito ang katas na siyang nanggaling sa lemon. Takpan mo ang kaldero at ilagay mo ito sa isang pang mas malaking kaldero na siyang puno ng tubig.

Pagkatapos ay pakuluan mo ito hanggang sa kumulo ang tubig sa loob ng kalder. Bawasan ang init at hayaan mo lamang itong kumulo sa tulong ng mababang temperatura sa humigit dalawang oras.

Pagkalipas ng nasabing oras, alisin na ang kaldero sa kalan at huwag mo muna itong bubuksan hanggang sa lumamig na ito ng tuluyan. Isalin ang resipe na ito sa isang garapon at takpan ang garapon ng mabuti bago itago sa pridyeder.

Pagkonsumo:

Gumamit ka lamang ng isang kutsarita ng resipe na ito tuwing umaga habang wala pang laman ang iyong tiyan mga trenta (30) minute bago ka kumain ng almusal. Ang iyong ginawa at hinandang resipe ay may kakayahang tumagal ng mahigit dalawang buwan. At sa sandaling panahon lamang, mapapansin mo na agad ang pagbabago sa iyong blood sugar levels at magiging normal na ang lahat.

Upang hindi ka na magkaroon pa ng Diabetes, simulant mo na ang pamumuhay ng isang malusog at magandang pamumuhay sa pang araw araw. Iwasan mo na ang mga ipinagbabawal na mga pagkain maging ang mga bisyo na wala namang magandang maidudulot sa iyong kalusugan kagaya ng paninigarilyo at pag inom ng alak. Simulan mo na ang pagkain ng mga prutas at gulay, ang pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog maging ang pageehersisyo!

You may also like...