Tumutulong itong patayin ang 90% ng colon cancer cells sa ating katawan

Ang cancer ay kilala sa buong mundo bilang sakit na pumpatay sa maraming tao. Ito ay nangyayari kung naagkakaroon ng abnormality ang mga cells sa katawan. Ang abnormality na ito ay mula sa patuloy na pagdami ng cells sa katan dahik patuloy ang mga ito sa pagre-reproduce ng mga bagong cells, samantalang ang mga matatanda at sirang mga cells naman ay hindi namamatay. Kapag nagsama sama ang napakaraming cells na ito ay makakabuo na sila ng tinatawag nating cancerous tumors. Ang ganitong mga tumor ay maaaring magsimula sa kahit anong bahagi ng katawan, at posible ring lumipat sa iba pang bahagi.

Maraming iba’t ibang uri ng cancer at ito ay nakabatay sa kung saan nagsimula ang tumor. Ano mang bahagi ng katawan ay hindi ligtas dahil tayo ay binubuo ng milyong milyong cells, na siyang pinagsisimulan ng cancer. Kaya mayroong mga taong nagkakaroon ng cancer sa utak, sa balat, sa mata, at sa iba pang bahagi ng katawan. Marami pang ibang hri ng cancer at kabilang sa mga ito ang mga lung, pancreatic, stomack, breast cancer, at leukemia o kilala rin bilang “cancer of the blood”.

Isa pa sa uri ng cancer, at pangatlo sa pinaka-karaniwang uri sa Estdos Unidos, ay ang Cokon Cancer. Ito ay nangyayari kapag mayroon cancerous tumor ang nabuo sa colon o sa large intestine. Ang ating large intestine ay ang lugar kung saan nahihiwalay ang mga water at solid waste mula sa ating kinain, na ilalabas sa katawan mula sa anus. Bukod sa pagiging karaniwan nito sa Amerika, naitala noong taong 207 na ang colon cancer ay pangatlo rin sa pinaka- nakamamatay na uri ng cancer sa buong mundo. Para maiwasan, mahalagang magkaroon ng regular na check-up sa doktor lalo na ang mga taong may edad 50 pataas.

Bukod pa rito, mayroon isa pang uri ng cancer na maaaring mangyari sa bahaging ito ng ating katawan. Ang kondisyon namang iyo ay itinatawag na rectal cancer kung saan ang tumor ay nasa rectum naman, na siyang dulong bahagi ng large intestine. Ang isang taong mayroon rectal cancer ay posibleng nakaranas ng iba’t ibang hindi normal na kondisyon kagaya ng diarrhea, constipation, bloating, at pagkakaroon ng dugo sa dumi. Mas nakakabahala pa dahil ang rectal cancer ay maaaring sabayan ng colon cancer. Ang dalawang uri na ito sa large instestine, kapag pinagsama, ay tinatawag na colorectal cancer.

Ang colorectal cancer, mula na rin sa kaniyang pangalan, ay nangyayari kung ang mga cancer cells ay nabuo sa colon at rectum. Kung magkahiwalay, ang colon at rectum cancer ay lubhang mapanganib na, mas doble pa ang dala kung pagsasamahin ang dalawang ito. Sa katunayan nga, napatunayan na ng estatistika na ang colorectal cancer ay ang ikalawa sa pinaka-karaniwang uri ng sakit na ito na nagdudulot ng pagkamatay sa mga kababaihan, at ikatlo naman pagdating sa mga kalalakihan. Bukod pa riyan, sinabi ng mga eksperto na isa sa bawat dalawampu’t isang kalalakihan at isa sa bawat dalawampu’t tatlong kababaihan sa Estados Unidos ang posibleng magkaroon ng colorectal cancer.

Ang sakit na ito ay nagsisimula sa colorectal tumor. Ang tumor naman na ito ay maaaring “benign” o tumor na sama sama at sa iisang bahagi ng katawan lamang tumubo; “malignant” o ang tumor na kumakalat, lumilipat, at maaaring makaapekto sa iba pang bahagi; at posible rin naman ito ay hindi cancerous. Sa tatlo, pinaka- karaniwan na nangyayari ay ang malignancy, mapa-lalake man o babae. Tunay na delikado ito dahil sa ang tumor ay kalat kalat, mahirap itong alisin at gamutin. Hindi kagaya ng mga benign tumors na dahil nga isa lang ito at may tiyak na lugar ay madali lang maalis sa tulong ng operasyon.

Sa kabutihang palad, sa kasalukuyan ay unti unti nang bumababa ang death rate ng colorectal cancer, sa tulong na rin ng modernong teknolohiya. Gayun pa man, hindi natin masasabi na sapat na ito dahil marami pa rin ang naaagawan ng buhay dahil sa sakit na ito. Ang hirap kasi sa ating panahon bagamat maunlad na ang siyensya at teknolohiya, kulang parin ang mga pag-aaral na isinasagawa upang tumuklas ng mga gamot na makakatulong sa paggaling ng mga taong may iba’t ibang karamdaman. Maaaring kulang, ngunit maaari rin namang hindi lang ipinapaalam ng mga eksperto na mayroon na silang naimbentong gamot at hindi pa lamang naipapakilala sa mundo.

Sa kabilang banda, mayroong isang kamangha mangha at halos hindi kapani paniwalang natuklasan ang mga eksperto sa Universoty of Adelaide, Australia, kung saan may napatunayan silang alternatibong gamot na maaaring pumuksa sa colorectal cancer. Ito marahil ay isang napakalaking “breakthrough” sa larangan ng medisina at siyensya na kung sino man ang nakapagpatunay nito ay talagang pasasalamatan at hahangaan na lahat ng tao sa mundo. Papaano ay nalaman ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ito na ang lauric acid na matatagpuan sa coconut oil ay may kakayahang ikigtas tao mula ss colorectal cancer dahil nasusugpo nito ang halos 93% ng mga cancer cells na sanhi nito. Tatlong araw o 48 na oras na gamutan lang ang kailangan.

Ngunit, paano ba nagagawa ng lauric acid sa coconut oil na puksain ang ganoong kalaking bahagi ng cancer cells sa large intestine? Kilala ang niyog o coconut bilang puno ng buhay o “tree of life”of life sa Ingles, dahil nagbibigay ito ng pagkain at inumin na siyang pangunahing oangangailangan ng tao upang mabuhay. Bukod pa dito ay ginagamit din ang coconut oil sa iba’t ibang layunin gaya ng panggagamot sa mga impeksyon at iba pa. Marami pang pakinabang sa ating buhay at kalusugan ang niyog o coconut. Alam niyo ba na makakatulong din ito upang gamutin ang mga taong may iba’t ibang karamdaman sa puso at diabetes? Mahusay din ito para sa ating brain cells dahil napipigilan nito ang pagiging makakalimutin at mga karamdaman na kauri nito tulad ng Alzheimer’s disease.

Ngayon kung ating iisipin, tunay nga na karapat dapat ang niyog sa bansag sa kaniya na iyon dahil kaya pa nitong dugtungan ang buhay ng tao sa pamamagitan ng pagsugpo sa isang karamdamang nakamamatay. Ito ay dahil ang coconut oil ay nagtatagkay ng lauric acid, na siyang pangunahing kasangkapan sa pagpatay ng mga cancer cells at pumuprotekta sa atin muka sa mga free radicals na bumubuhay naman sa mga ito.

Ang lauric acid din, bukod sa pagpuksa ng cancer, ay mabuti para sa mga taong may sakit sa buto gaya ng osteoporosis, at iba pang sakit gaya ng hepatitis, at sakit sa bato. Kaya naman, ugaliin ang pagkain o paginom ng coconut juice dahil tunay na kapaki pakinabang ito sa ating buhay at sa ating kalusugan.

You may also like...